Patalon talon ako sa sanga ng punong aking nadaraanan upang sundan ng palihim ang batang lalaki na tumatakbo palayo sa Jewelry shop. Mayroon kasi itong ninakaw na alahas. Nagpasya akong habulin ito upang alamin ang dahilan kung bakit siya nagnakaw.
Mabuti na lang hindi ito malayo sa tinitirhan ni Ellizer at salamat na rin dahil sa kanila ako nanunuluyan sa ngayon, habang nasa burol pa siya ng bestfriend niya.
Hindi na kasi ako sumama sa kanya, magpahanggang ngayon ay nagu-guilty pa rin ako. Wala man lang kasi akong nagawa para mailigtas ang bestfriend niya.
Pero mabalik tayo, bakit ginagawa ng batang 'yun ang pagnanakaw? Sa murang edad niya'y nagagawa na niya 'yon na para bang isang eksperto. Anong dahilan niya?
Sinuri kong mabuti ang aura nito upang makumpirmang may afreet possession siya, pero wala naman? Sigurado akong may ibang nag uutos sa kanyang gawin ang bagay na 'yon!
Kaya nga nagpasya akong sundan siya para malaman kung sino 'yun. Nakarating na kami sa gitnang kagubatan ngayon. Kahit pa madamo at nasusugatan na ng talahib ang mga binti niya ay hindi ito nagbalak huminto o mag pahinga manlang.
"Kailangan ko na itong ibigay kay boss!"
Nakangiti nitong tugon, ngiting akala mo'y batang binigyan ng candy sa tuwa. Ilang sandali pa ay huminto na siya sa paglalakad nagpalinga-linga ito na para bang may hinahanap sa kanyang paligid.
Naramdaman niya bang naririto ako?
"N-nandito na po ako boss, dala ang ipinangako ko! Ngayon palayain niyo na po ang kapatid ko."
Pagsabi niya non ay biglang lumakas ang ihip ng hangin, nawala ako sa concentration at napapikit ng mapuhing ako.
Tinignan kong mabuti ang batang lalaki para tignan kung sino ang 'boss' na tinutukoy niya. Naningkit ang mga mata ko ng makitang wala naman itong kausap, o baka naman sadyang hindi pa nagpapakita 'yung boss niya?
"Teka wag kang magulo!"
Tinapik ko ang kamay ng kumakalabit sa aking kaliwang balika, sa ginagawa kasi nito ay nawawalan ako ng konsentrasyon at naiistorbo ako nito sa pagmamanman ko sa bata.
Hindi ako nito pinakinggan, marahas na kalabit na ang ginawa nito, kaya nang maubos ang pasensya ko ay nilingon ko ito!
"Di ka ba t-tigil? Sinabi n---"
Napahinto ako sa pagsasalita ng makita ang kumakalabit sa akin! Isang babaeng nakahoody jacket. Nakayuko ito kaya hindi ko makita ng buo ang mukha niya.
"P-paano ka nakaakyat sa punong 'to!?"
Singhal ko nang mapagtantong nag iisa lang ako kanina sa pagsunod sa batang magnanakaw! Paano ako nagkaroon ng katabi!?
"Boss!"
Sigaw ng batang lalaki sa ibaba, nakatingin ito sa amin habang taas noong inilalahad ang mga alahas!
Humarap sa akin ang babaeng mayroong ngisi sa labi. Tinanggal nito ang hood niya at saka ako tinapunan ng mapanghamong pagtitig, hindi ako nagpatalo at nagtitigan lang kaming dalawa. Napangiwi ako dahil sa hindi niya pagkurap, para bang wala lang sa kaniya ang ginagawa namin.
Sa pagtitig ko ay napansin ko ang mala-abong kulay ng kanyang bilugang mga mata. Bumagay pa sa kanyang naka pony tail ash grey na mahaba at bagsak na buhok.
Nakacontact lense ba 'to at nagpakulay ng buhok? Bumagay din kasi sa maputla niyang balat eh, umiinom siguro ng gluta 'to!? Nagulat ako ng irapan ako nito sabay talon pababa sa kinaroroonan ng batang lalaki!
"Aba't bastos pala 'to eh?"
Biglang nagpanting ang tenga ko, at tila umusok ang ilong sa sobrang inis! Akala ko pa naman ay mabait siya, base sa mukha niya!
BINABASA MO ANG
Life with weapon
FantasiaA story where you will learn how to value your life! Thanks to @wangson- for my book cover!