She's desperate to kill me based on her burning eyes!
Sumeryosong muli ang hitsura niya dahilan upang seryosohin ko din siya at hinahanda ang sarili sa kanyang gagawing pag atake.
We both have advantages and disadvantages. Advantage niya ang pagiging long range ng weapon niya, maaatake niya ako nang hindi ko siya malalapitan. Tanging pag iwas lang ang magagawa ko.
Pero oras na makalapit ako sa kanya, hindi na niya magagawa pang mabaril ako! Sinisiguro kong puputulin ko ang barrel part ng sniper niya! Saka ko pupuntiryahin ang puso niya nang hindi na siya makarecover pa!
"I will give you some information why Shaitan needs me!"
Shaitan is an Afreet's lord. The creator of 7 powerful Demi-human. Mabuti nga't nananatiling nakakulong ang mga 'yun sa Sacred prison, kung saan doon kinukulong ng mga Priest weaser ang mga malalakas at makapangyarihang Afreets kasama ang mga asal afreet na mga Weaser (weapon user).
Napangiwi ang labi ko ng makita ang reaction niya, mukhang wala itong pakialam! Umuwang pa ng kaunti ang kanyang bibig at bumungisngis.
Baliw talaga!
"There's no need for you to tell me the reason why. All I need is to kill!"
Nag panting ang tainga ko sa aking narinig! Lumukot ang mukha ko at unti-unting naramdaman ang pag init ng buong katawan, hanggang umakyat ito sa ulo kong parang sasabog na sa galit na nararamdaman.
Napakawalang puso niya! Paano niya nagagawa sa inosenteng tao ang ganito?
Siguro panahon na para ibalik ko ang dating ako. Hindi bilang for hire afreet hunter, kundi bilang isang Weapon slayer, this time wala na akong pinaglilingkuran pa! Gagawin ko ito para sa kabutihan.
Ipaparanas ko sa kanya ang sakit na ipinaranas niya kay Ellizer!
Hinayaan kong galit na nararamdam ang magdala sa akin!
"Sige pagbibigyan kita!"
Mabilis akong tumakbo palapit sa kinaroroonan niya, napansin kong hindi manlang ito nag abalang lumingon sa akin.
Alam siguro niyang mali ang naging desisyon ko? Dahil nagpadala na naman ako sa emosyon ko.
Malapit na ako sa kinaroroonan niya at handa ng itarak sa puso niya ang katana ng biglang magdilim ang aking paningin. Nabitawan ko ang katana dahil sa pamamanhid ng aking kaliwang braso, hanggang sa naging kirot na ng laman ang naramdaman ko.
Sinalo ng malamig at matigas na sahig ang aking katawan nang matamaan ng bala ang kaliwang balikat ko. Napahawak ako rito upang pigilin ang tuloy tuloy na pagdaloy ng aking dugo sa aking kaliwang balikat.
Halos mamilipit din ako sa sakit ng natamo ko."Pasalamat ka at hindi ikaw ang pakay ko."
Narinig ko ang yabag ng paa nito palapit sa kinaroroonan ko, akala ko ay aatakihin niya ulit ako pero nagkamali ako dahil nilagpasan niya lang ako.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Naalala kong si Elli na walang kamalay-malay ang balak niyang patayin!
"T-teka lang!" Pagpipigil ko sa kanya, napansin kong huminto ito sa paglakad at naghihintay ng sunod kong sasabihin. Kailangan ko lang siyang daldalin muna bago mag heal ang sugat ko, kailangan kasi noon ng oras bago magrecover.
"B-bakit mo ginagawa 'to? Inutos ba ni Shaitan?"
Lintek naman kasi! Apat na buwan na magmula ng tumakas ako sa Gahanna. Bakit ba hindi niya ako hayaan mamuhay mag isa?
BINABASA MO ANG
Life with weapon
خيال (فانتازيا)A story where you will learn how to value your life! Thanks to @wangson- for my book cover!