Fire's P.O.V
Matapos kong makuha ang special cloth ko sa Lethal weaser ay mabilis akong nagteleport paalis sa kaniyang harapan. Teleportation is my special skill.
Lingid sa kanilang kaalaman ay sinusundan ko sila ng palihim. Napag-alaman kong tutungo sila sa syudad, upang sugpuin ang Afreet na pasimuno nang naganap na massacre.
Tumungo sila sa masukal na kagubatan, sabi kasi'y ito ang shortcut na daan patungong syudad. Medyo malayo ang distansya ko sa kanila upang maiwasan ang pagdududang may sumusunod sa kanila. Habang tinitignan ko sa malayo ang likuran nila'y di ko maiwasang makapag-isip.
"She's one of the Lethal weapon of Shaitan."
Ayun lang ang paulit-ulit na salita sa isipan ko.
Hindi ko lang alam kung bakit hindi niya pinapatay ang kasama niyang weaser? Samantalang ang tulad niyang Lethal weaser ay kilala sa pagiging Weapon slayer. Noone is an exception! Ayun ang bumubuhay sa kanila.
Kung sa tao ay mga masusustansyang pagkain ang kailangan sa pang araw araw na pamumuhay, ganoon din ang Lethal weasers! Mas mahihina sa kanila ang kanilang pagkain.
Pero bakit parang normal lang sa kaniyang kasama ang lalaking 'yun? Hindi naman siguro dahil mayaman ang lalaking iyon. Disente kasi ang itsura at pananamit ng kasama niya, isa pa medyo gwapo ito ng kaunti sa akin. Oo, inaamin ko yun kahit lalaki ako!
Pero hindi iyon ang issue rito, para sa akin ay mas malala ang tulad niyang Lethal weapon, kesa sa broken weaser.
Bukod sa kaya nilang ma-manipulate ang Afreets, kaya nilang pumatay ng inosenteng tao at mga kapwa weapon user!
Ang tulad ni Miyu na pinaka at kauna-unahang batang Lethal weaser ay nakasaad na sa history!
499 souls ng mga inosenteng sanggol o kabataan at 1 taong pinakamamahal mo ang kailangang ialay kay Shaitan, bago makamit ang malakas na kapangyarihan na walang hanggan!
Walang sino man ang sumubok gawin 'yon dahil alam nilang inosente ang kanilang papaslangin!
Samantalang ang iba ay nabigong magawa iyon, dahil wala sa puso nila ang totoong pagmamahal sa pinaka huling sangkap ng pagiging Lethal weapon. Ang patayin ang pinakamamahal mo sa buhay.
Marami na kasing tao ang nawawala ang halaga nang taong mahal nila sa buhay, tuwing kapangyarihan na ang usapan! Mga gahaman.
Para saan pa ang pagiging Lethal weapon mo? Kung una pa lang ay pinatay mo na ang mga taong dapat mong pinoprotektahan!
Pero iba siya, nagawa ni Miyu ang ganoong bagay! At the age of 10, she achieved that shit! That's why she suffered so much from pain, despair, rejection and sadness. Sa mga mata pa lang niya'y alam mo na kung gaano kalungkot at kawalang buhay ang mga tingin niya.
Pero bakit ganon? Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya, kahit unang beses ko pa lang siyang nakita sa personal. Nagawa ko pa ngang halikan ang malambot nitong kamay. Napailing na lang ako dahil sa ugali kong ganon. Tuwing nakakakita kasi ako ng dalaga'y ginagawa ko iyon upang ipaalam sa kanilang ang tulad nila'y dapat alagaan at mahalin.
Sa ngayon apat pa lang ang Lethal weaser sa kasaysayan at sinisiguro naming mga anti-weapon user na masugpo ang mga borken weasers, bago pa sila maging Lethal weasers!
Si Roro, dapat ko siyang mahuli agad. She's a normal sniper weaser, before. But I don't know why she became like that?
"Miy-"
Naudlot ako sa pag iisip ng kung ano-ano at halos matisod pa sa ugat na nakausli nang marinig kong sumigaw ang lalaking kasama niya. Ito'y nakahandusay na sa lupa, tila nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Life with weapon
FantasyA story where you will learn how to value your life! Thanks to @wangson- for my book cover!