Chapter 5: Finally met an Ally...not

88 41 50
                                    

It's been 2 months since Ellizer Dawn died. 2 months na rin akong naglalakbay para sugpuin ang mga Afreets, habang nag hahanap ng makakasamang malakas na weaser. Na siyang kapareho ko ng mithiin, ito ay ang pagpuksa kay Shaitan.

Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko o ano. Patay na si Ellizer, pero wala manlang akong nararamdamang kahit na anong emosyon. Iyak, lungkot, galit maski ang pagiging masaya ay naglaho.
Para na akong robot. Walang emosyon at walang pakiramdam.

Ang pagpatay ng afreets at mga nasa maling landas na weaser ay normal na lang sa akin. Walang kahit na kaunting awa ang nararamdaman ng aking puso sa tuwing pinapaslang ko ang mga ito. Kahit pa nagmamakaawa na sila.

"Pakiusap miss, huwag mo 'kong patayin! May pamilya pa akong binubuhay."

Pagsusumamo ng lalaking sa tantya ko ay 40+ na ang edad. Nakaluhod ito sa aking harapan at hinahalikan ang aking paa, ngunit sarado ang isipan ko upang pakinggan pa siya. Mahigpit kong hinawakan ang aking katana sword at walang pagdadalawang isip na hiniwa ang kanyang leeg.

"Nagtrabaho ka sana ng tama, isa kang weapon user ngunit ginamit mo ang kapangyarihan mo upang umabuso ng inosenteng kadalagahan."

Nagbalik na ako sa dating ako. Ang pilit kong tinatakasan, mag mula ng magpasya akong magbagong buhay.

Ngayon ay nasa kalagitnaan ako ng malawak na bukirin, siguro ay mahigit 12 hectares ang lawak. Maraming nakapunlang palay at mais dito. Kahit maputik ay sinuong ko na ito, hindi ako pwedeng abutin ng gabi rito. Nakakapagtaka lang nga't wala man lang kahit isang magsasaka ang naririto. Siguro ay nagpapahinga?

"Tumabi ka diyan sa daan miss!"

May nakita akong lalaking nagmamadaling tumatakbo, kapansin pansin ang mga galos nito sa katawan, sariwa pa ang dugo sa kanyang ulo.
May bitbit din itong babae ngunit walang malay, sugatan din ito.

Napansin kong patungo sila sa direskyon ko at para bang may sinasabi siya? Ngunit pagbuka lang ng bibig niya ang nakikita ko. Nang makalapit siya'y naramdaman ko nalang ang malakas na pagtabig sa aking kanang balikat.

Kapwa kami nasubsob sa malagkit na putikan sa lakas ng pagtama namin sa isa't isa.

"Sabi kasing tumabi k- oy teka lang!"

Hindi ko ito pinansin at tumayo na para mag umpisa na muling maglakad, kailangan ko ng magmadali, lalo pa't papalubog na ang araw. Alam kong mas active ang mga afreets tuwing gabi!

Tuwing gabi lang kasi madalas mag karoon ng oras ang mga tao para mag isip ng kung ano-ano. Katulad ng pagsisi sa buhay, problema at panghihinayang. Kaya ang mga afreet ay masayang bumubulong sa kanila upang mas palakasin ang negatibong emosyon nila.

-

"Hija gabi na, hindi magandang nasa labas ng ganitong oras ang tulad mo."

Makahulugang saad sa akin ng isang matandang babae na nagliligpit ng kanyang mga panindang isda.

Nang makalagpas kasi ako sa bukid ay mayroon pala ritong bayan. Siguro ay pag aari ng bayang 'to ang napakalawak na bukiring 'yon?

Hindi pa man tuluyang lumulubog ang araw ay halos magsara na ang kani-kanilang tirahan. Medyo nakakapanibago naman sa lugar na'to? Naging napaka dilim ng paligid dahil walang ni isang tahanan ang may nakabukas na ilaw.

"A-ah manang, bakit po sobrang dilim ng bayan niyo? Ayaw niyo po bang nag iilaw tuwing gabi?"

Pag-uusisa ko, mayroon akong nararamdamang hindi maganda. Parang may kung anong bagay ang nag-uudyok sa aking alamin ang misteryo sa lugar na'to.

Life with weapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon