Chapter 1: Tanga na; Malas pa

34 1 0
                                    

“Valeria Juana del Rio!”, sigaw ng mama ni Valerie na naghahanda ng pagkain sa baba. “Gising na! Ano ba! First day ng klase tapos male-late ka? Baba na!”

“Opo!” sagot ni Val na sabay tinakpan ng unan ang tenga at nagpatuloy sa paghiga. “Mmmm…anong oras na ba?”, bulong nito sa sarili at tiningnan ang orasan sa dingding. “Nakup! Six thirty na pala! Seven o’clock  ang first class ko!” ani nito at humarurot ng takbo pababa.

Pagkatapos niyang maligo at magbihis, uminom nalang ito ng gatas at umalis.

“Oh Valerie, di ka man lang ba kakain?” ani ng mama niya. “Di na po mama. Sige po aalis na ako”. Nagmano ito sa mama at papa niya at umalis palabas ng pintuan na nagsusuklay pa ng buhok.

6:55 na nang makariting si Val sa paaralan. Halos magkandarapa na siya sa bilis ng kanyang paglalakad papunta sa room niya sa CAS building. Sa kakalakad nito ng mabilis ay nabangga pa nito ang isang lalaki. Nahulog pa nila ang mga dala nilang notebooks dahil sa lakas ng impact ng pagkabangga nila sa isa’t isa. 

“Sorry! Sorry!” ani ni Val at pinulot ang mga notebooks na nahulog at iniabot sa lalaki ang isa; at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

“Uy walang tao ha! Siguro ako ang nauna. Yes! Hindi ako late!” bulong ni Val sa sarili at umupo sa gitnang upuan ng speech lab.

10 minutes na ang nakalipas, at wala pa ring mga taong pumasok. “Nasan kaya sila?” tanong nito sa sarili.

Biglang may bumukas sa pintuan at pumasok ang isang lalaking may dalang walis at mop.

“J-janitor?” takang-takang bulong ni Val. “Manong, bakit po kayo nandito?” tanong niya sa lalaking pumasok. “Maglilinis ako, total wala pa namang magkaklase dito. Ikaw, bakit ka nandito?” ani ng janitor. “Huh? Walang magkaklase dito? Eh dito po yung speech class ko!” sagot ni Val. “Speech class? Baka sa kabilang room yung klase mo. Ano ba’ng room number mo?” “Ah…eh…room  58 po” ani ni Val. “58? Eh 57 to. Nasa kabila yung 58.” ani naman ng Janitor. “Huh? Patay! Late na ako!”

Mabilis na nagtungo si Val sa kabilang room at dahan-dahang binuksan ang pintuan nito. Nakita niya ang teacher nila na nagsisimula nang mag discuss. Malas pa at ang teacher niya last semester sa English 3 ang teacher niya ngayon, at kilala na siya nito. Dagdag pang late pa siyang dumating. Baka sabihin nagpapa-center of attraction siya.

“Oh! Ms. Del Rio, you’re late.” Sabi ng guro. Binanggit pa nito ang apelyido niya. Double pagkahiya na! “Maam I’m sorry” ani ni Val at umupo sa pinakalikod na cubicle.

“Ms. Del Rio, you take your seat here in the front. This will be your permanent seat”, sabi ng guro. Naku, triple pagpapahiya na. Talagang sinakluban na siya ng langit at lupa. Hate pa naman niya ang maupo sa front.

Nagtungo si Val sa upuang sinabi ng guro. Hiyang-hiya siya at nakatingin pa sa kanya ang mga mata ng mga kaklase niya. May mga nakangisi, mayroon ding mga naka cross ang kilay na parang eh mumurder siya. Gusto man niyang mag evaporate sa sobrang hiya, umupo nalang siya at nagpaka manhid.

“Ms. I believe this is yours” ani ng tinig mula sa katabing cubicle. Iniabot nito ang isang notebook na paniniwala niyang pag-aari niya. “Teka, notebook ko ‘to ha?” ani ni Val at tiningnan ang nag-abot nito sa kanya. “S-S-Sehun?” gulat na bulong niya sa sarili nang makitang kamukha ni Sehun na miyembro ng K-Pop band na EXO ang lalaking nagbigay ng notebook.

“Can I have my notebook back?” ani ng lalaki. Tiningnan ni Valerie ang notebook na dala-dala niya kanina, at napagtantong hindi pala ito sa kanya. Nagkapalit pala sila ng notebook dun sa lalaking nabangga niya, at yun pala ang lalaking kaharap niya ngayon.

“Silly!” bulong ng lalaki.

Narinig ni Val ang bulong nito at biglang tumaas to the highest level ang blood pressure niya.

“Ok class! You have to choose a partner for this subject. That partner will be your partner for the entire semester. He or she will serve as your partner in the activities that we will conduct” sabi ng guro nila.

Dali-daling humanap ng makakapartner ang mga kaklase ni Val, at ganun din siya. Tanong ng tanong siya sa mga kaklase niya kung sino ang makikipag partner sa kanya. Halos tinanong na niya ang lahat, maliban nga lang sa lalaking maangas na nasa tabi niya, ngunit walang makipag-partner sa kanya kasi nga malas siya at may mga kapartner na ang lahat.

”Ok class. Who among you doesn’t have a partner?” ani ng guro.

Itinaas ni Val ang kamay niya at tumingin sa likod kung sino ang mga nagtaas. Walang nagtaas ni isa. Lumingon siya sa gilid niya at nakitang nakataas ng kamay ang lalaking maangas na katabi niya. “What the? Don’t tell me kami ang magkakapartner?” bulong niya sa sarili.

“Ok! Mr?” ani ng guro. “Kim Min Jung, but you can call me Kyle” sagot ng lalaking nagtaas ng kamay. “Ok Kyle, you take Ms. Del Rio as your partner” ani ulit ng guro.

Parang sinakluban ng langit at lupa ang dalawa ng magkatinginan ang mga ito. Nanginginig sa inis si Val; at snob naman ang reaksyon ni Kyle.

Haay naku pag minalas nga naman!

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon