Chapter 4: Who you?

20 0 0
                                    

“Haahaay! Nakakabagot na weekend!” pabuntong hiningang ani ni Val habang nakahiga sa sofa at nanonood ng T.V.  Tatlong pelikula na ang napanood niya, at yun lang ang ginawa niya sa buong umaga. Pagkagising niya, at pgkatapos niyang kumain ng agahan, nanood agad siya ng T.V. at kumain ulit. Ganoon talaga ang buhay pag tinatamad.

 Kumakain si Valerie ng chips habang nanood ng T.V. nang mag text ang mama niya na magpapasama mag grocery sa mall. “Makapang-grocery na nga!” ani niya at dali-daling bumangon sa hingaang sofa at nagbihis.

Nang makarating si siya sa mall, huminto muna siya malapit sa sinehan at tiningnan ang mga posters ng mga showing na palabas. Sinuri niya lahat ng mga nakadikit na posters at napabuntong-hininga nang makita ang showing na movie ni Channing Tatum. Hindi lang pala mga K-Pop ang crush nito, pati rin pala mga westerns. Sino namang hindi magka-crush kay Channing Tatum, eh pati mga lola nagagwapuhan yata sa kanya.

Habang tinititigan niya ang poster, biglang may tumabi sa kanyang lalaki na may dalang pearl coolers at tiningnan din ang poster na tinititigan niya.

Matangkad ang lalaki at singkit ang mga mata. Medyo kayumanggi ang kulay nito at medyo makapal ang mga labi. Hindi alam ni Val kung ano ang nationality nito kasi hindi naman ito kasing puti ng mga koreanong kilala niya.

“Ah siguro Thai to” ani ni Val sa kanyang isip habang tinitingnan head to toe ang lalaki. Maya-maya, lumingon ang lalaki sa kanya at nginitian siya. Sa mga ngiti nito, naalala niya ang EXO member na si Kai. Magkaparehas sila ng ngiti, yung ngiting cute na may pagka seductive.

“Ah…eh…hehe” ngumiti rin sa Val na halatang na-aawkward sa lalaki.

“Hi!” ani ng lalaki.

Namula ang mga pisngi ni Val ng magsalita ito, at dahil sa pagkahiya niya, nag response nalang siya ng ngiti at nagtungo dali-dali sa mama niyang naghihintay sa grocery.

“Ba’t ang tagal mo? Ikaw talaga Valeria Juana!” ani ng mama niya na nakukunot noo. Nababagot na pala ito sa kahihintay sa anak.

“Mama hindi po yan ang pangalang bininyag niyo sa’kin. Ano ba? Nakakahiya ha!” bulong ni Val sa mama niya at lumingon sa paligid upang tingnan kung may mga nakarinig ba sa sinambit ng kanyang ina. Hindi naman pinansin ng kanyang mama ang sinabi niya at pinatulak nalang sa kanya ang cart na may mga groceries. Pagkatapos nilang mag grocery, nagpa-iwan muna si Val sa mall upang tumingin muna ng mga libro sa book store.

Habang nagski-skim siya ng mga aklat, nakita niya ulit ang lalaking nakita niya kanina. Gusto niyang lapitan ito kaya nagpa as if siya na naghahanap rin ng aklat sa shelf na pinaghahanapan din ng lalaki.

Tumayo si Val sa tabi ng lalaki at kumuha ng aklat. Pa as if siyang nagbabasa pero nakatingin pala ang mga mata niya sa aklat na binabasa ng lalaki. Naka Hanja, oh Korean writings, ang mga nakasulat sa aklat nitong binabasa. Maya-maya ay kumuha ulit ito ng libro na Kanji, oh Japanese writings naman ang naka-imprinta. Binabasa ito ng lalaki na parang naiintindihan niya ang bawat kataga nito.

Dahil sa mukhang naiintindihan naman ng lalaki ang bawat aklat na kinuha, nagsimulang magtaka ulit si Val kung ano talaga ang nationality nito. Tiningnan  niya ito head to toe, at sinuri kung anong klaseng tao ito.

“Hmm… Ano kaya siya? Korean? Japanese? Thai? Vietnamese? Malaysian? O baka Alien?” ani ni Val sa kanyang isip, at nang tiningnan niya ulit ito sa mukha. Nang matitigan niya ito  sa mukha,napagtanto niyang nakatingin rin pala ito sa kanya.

Awkward moment! Nahalata pala ng lalaki na tinitingnan siya na Val, at dahil dun, bigla ulit lumabas ang pagka best actress ng dalaga.

“Aah… I’m a sales clerk here. What are you looking for?” ani niya na kunwaring sales clerk daw sa bookstore.

What is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon