OMG! Swerte much my first day. Imagine, first day pa may nanghingi na agad ng number ko? – GM na natanggap ni Val mula sa kaibigan niyang si Aesha.
“Kakainis! Ang suswerte ng first day nila, samatalang ang sakin… Hay naku!” ani ni Val sa sarili matapos basahin a message na natangggap.
Pagkatapos, binukasan niya ang laptop niya at nag log in sa facebook.
“Kakainis! Ba’t puro group selfie ng mga new friends on first day of class ang mga nakakalat sa home page ko!” inis na sabi niya lalo nang makitang may mga hashtag: happy pa ang mga ito.
Habang tinitingnan niya ang mga posts sa home page, biglang sumagi sa isip niya si Kyle. “Asar! Yung maangas na yun!” bulong niya at tinype sa search bar ang pangalan ng binatang naisip.
“Kim Min Jung… Ba’t walang result?” ani niya. “Hmm…Kyle Kim kaya” at sinearch niya ulit. “Huh? Bakit iba ang result? Hindi siya to hah.” Ginoogle translate din niya into Korean alphabets ang pangalan ng binata ngunit hindi parin niya ito makita.”Ah hindi siguro hindi social yun kaya walang facebook, o baka hindi tao yun” dagdag niya na parang nagma-mock sa binatang naisip.
Kinabukasan sa school, hindi na late dumating si Val. Himala, siya pa ang naunang dumating sa mga kaklase niya. Sumunod namang dumating ang hatest person niya – si Kyle! Nakapulang sweat shirt ito at naka headset. Halatang-halata ang matipuno nitong dibdib sa suot. Dinagdagan pa ng headset kaya ayun, total SWAG na kaya napatulala si Val nang makita niya ito. Tila nagslow motion ang mundo nang pumasok ito sa room.
“Shi le jiman?” ani ni Kyle in Korean language na ang meaning ay excuse me. “Is there something wrong with me?”dagdag niya. Napansin pala nito ang malagkit na pagtitig ni Val sa kanya.
“Ah… Sorry.” Ani ni Val at binaling ang pagtingin sa notebook niyang wala namang laman. Pa as if lang ba na nagbabasa, pero ang totoo iniiwasan lang niya ang super awkward na situation.
Ilang segundo ang lumipas at dumating na rin sa wakas ang mga kaklase nila. Maya’t maya ay sumunod na rin ang guro. Sa wakas, nawala na ang awkward situation.
Nang malapit nang matapos ang klase, binigyan sila ng assignment na itatanghal next week. Pinagawa sila ng dialogue na epe-perform nila with their partners. Dahil sa awkward moment na nangyari kay Val kanina, hinintay na lamang niyang si Kyle ang unang mag approach sa kanya, pero natapos nalang ang klase, di parin siya inapproach nito. Ne sulyap o tingin WALA!
“Anong klaseng studyante siya? May balak ba siyang gawin ang assignment o wala?” ani ni Val sa sarili na naglalakad kasunod kay Kyle palabas ng pintuan.
Nang mag lunch break na, tulad parin ng dati ang sitwasyon ni Val. Ganun parin, nakaupo sa isang corner ng cafeteria at kumakain sa baong dala niya. Lahat ng mga tao sa cafeteria ay bumili ng pagkain, siya lang ang hindi kasi nga nagtitipid siya. Isa pa, mahal rin ang mga pagkain dun.
Nang matapos na siyang kumain, kinuha niya ang tsokolateng dala niya, para as if naman may dessert siya. Habang nilalasap niya ang tamis nito ay biglang may umupo sa tapat niya. Si Kyle ito at may dalang rice, adobo, tsaka soft drinks.
Nagulat at nagtaka si Val kung bakit sa kanya tumabi ang binata. Tila pinapalibutan ng question mark ang ulo niya dahil sa pagka curious at confuse.
Habang kumakain si Kyle ay titig na titig ito kay Val na para bang may pagnanasa ito sa kanya. Maya-maya ay ngumiti siya. Cute pala ito pag nakangiti.
Ngumiti rin si Val nang nginitian siya ni Kyle. Pagkatapos, tinuro ni Kyle ang mga labi nito na parang nagsesenyas na gusto niya ng kiss. Ito namang si Val, feeler, nag blush pa, at sinuklay pa ng mga daliri ang buhok niyang malapit sa tenga.