Tinitingnan ni Val sa malayo ang magkasamang kumakain na sina Kyle at Sang Min. Di niya makuha kung ano talaga ang relasyon ng dalawa. Sa bawat galaw nila, iniimbistigahan niya kung ka anu-ano ang dalawa.
Magkapatid ba sila? Magpinsan? O magakaibigan lang? Sa lahat ng predictions niya, ang magkapatid o magpinsan ang ayaw niya. Ayaw niyang masaniban ng masamang espirito ni Kyle ang mabait pero weird na si Sang Min.
“Naku! Kailangan ba talagang magkakilala silang dalawa? Ang malas ko naman” bulong ni Val habang pinagmamasdan ang dalawang kumakain.
Habang tinititigan niya sila, biglang may tumapik sa likod niya. Nagulat siya ng madama niya ito kaya nilingon niya kung sino ito.
Nagulat siya nang makita si Aesha na naka pulang blouse, naka short, at naka sunglass na parang model. Pero hindi ang outfit ng kaibigan ang ikinagulat niya. Nagulat siya dahil baka nakita nitong pinagmamasdan niya si Kyle.
“Hoi teh! Sino yang tinitingnan mo diyan ha?” ani ni Aesha na itinaas ang sunglass kaya nakita ang pagtaas nito ng kilay na senyales ng pagka curious.
“Aaaah! Wala! Na curious lang ako sa restaurant na yan” sagot ni Val at hinila ang kaibigan palayo sa tapat ng restaurant. Hinila niya ito upang hindi nito makita si Kyle, at baka akalain pa na nagstastalk siya sa binata.
Habang hinihila ni Val si Aesha, lumingon ito sa Korean restaurant na minamasdan ni Val kanina.
“Teka… Pamilyar sa’kin yun ha” ani ni Aesha na tinutukoy ang isang lalaking kumakain malapit sa pintuan ng restaurant.
Aminado si Val na si Kyle ang pamilyar na taong tinutukoy ni Aesha kaya hinila niya ito ulit hanggang makalayo sila sa restaurant.
“Ano ba? Bakit mo ako hinihila?” reklamo ni Aesha kay Val na hinahawakan ng mahigpit ang kanyang kamay.
“May maganda kasing blouse dun sa department store. Ipapakita ko sa’yo” kunwari ni Val.
Hindi naman nagtanong pa si Aesha at nagpahila nalang sa kaibigan.
Pagkatapos nilang mag window shopping sa department store, umuwi agad sila sa kani-kanilang mga tahanan dahil sa curfew hour na pinasasabatas ng mga magulang nila kahit mga matanda na sila.
Pagdating ni Val sa bahay niya, nag online agad siya at nag facebook. Inupload niya ang mga selfie na ginawa nila ni Aesha habang nagsusukat ng mga damit sa fitting room. Nang ma upload na niya ito, may nag like agad na friend – Si Sang Min! Maya’t maya, nag message ito sa kanya.
Kim SM: Hi Miss!
Valeriscious: ?
Kim SM: Kumusta? :-)
Valeriscious: Okay lang. Ikaw?
Kim SM: Mabuti at okay ka. Okay lang din ako. :-)
Sa gitna ng conversation nila ni Sang Min, tatanungin sana ni Val kung ka anu-ano nito si Kyle. Pero nang magtype na sana siya ng tanong, naisip niyang wag nalang. Ayaw niyang malaman ni Sang Min na magkakilala pala sila ni Kyle, dahil baka pag nalaman niya ito, baka kung anu-ano pa ang sabihin ni Kyle tungkol sa kanya, at baka mag end pa ang friendship nila ni Sang Min.
Maya’t maya, nag message ulit si Sang Min sa kanya.
Kim SM: May Korean restaurant kami sa TZ Mall. Pwede kang bumisita doon kung gusto mo. Nandun lang ako palagi. :-)
Nang mabasa ni Val iyon,naisip niyang baka magkaibigan lang sila ni Kyle. Baka suki si Kyle sa restaurant ni Sang Min kaya nagkakilala sila. Pero nag-iba ang mood niya nang malamang may-ari pala ito ng isang restaurant. Bigla siyang nag self pitty nang malaman yun dahil nasa lupa siya, at nasa langit naman ang bagong kaibigan. Natakot siya na baka apihin siya nito dahil mayaman ito, at dukha lang siya.