Emielyn's POV
Ok class, Magbigay kayo ng Sampung Batas na ipinatupad ni-----
"Hay! Boringgg! Bulong ko sabay hikab, Habang nagdi-discuss si Professor Dy.
" Blaaah...Blaahh...Blaaahh....."
Bakit Batas ba naman kasi ang topic e.
Teka.....
Hindi kaya.....
OMYGODDD!!!!
"Trip ng Prof namin na Tumakbo bilang Presidente!" Hihihi natatawang bulong ko.
"Ms Perez!!"
Tinawag ako ni Ma'am kaya napatayo kaagad ako.
"Yes, ma'am?"
"Are you with us?" Tanong ni ma'am.
"Oo, naman po" palusot ko.
"Sigurado ka bang nakinig ka?"
"Oo, naman po ma'am sabi mo pa nga tatakbo ka bilang presidente nakangiting sabi kopa. Wag kang magalala ma'am madaming susuporta sayo magpapagawa ako ng mga banner para sa susunod na eleksyon."
"Huh?" Tila nagtatanong na mukha ng guro at hindi parin maintindihan ang sinasabi.
"Ma'am wag ka namang ganyan. Diba sinabi nya yun guys!? Diba!?" Nagtatanong na sabi ni emielyn.
"Haaahahahaha!!"
"Astig ka talaga!"
"Hahahaha idol!!"
"Iba ka talaga!"
"Ang lawak ng imagination mo hahahaha umabot sa ibang planeta hahah!!"
Bumunghalit ng tawa ang lahat.
"Emielyn Kate Perez! GET OUT OF MY ROOM!!!"
"Pero ma'am yun naman talaga ang sinabi mo" nagmamakaawang tanong ni Emielyn.
"Ms Perez! Ano bang pinagsasabi mo!?, Wala akong sinasabing ganyan!" Galit na wika Ni Ma'am Dy.
"Psst! Hoy! Hindi ito ang tamang oras para magpatawa tignan mo si Prof sasabog na sa galit" natatawang bulong ni Kath.
"Uy! Kung wala ka pang planong bumagsak mag sorry kana kay prof." Wika ni sharmie.
"Ano ba! Tatahimik kalang ba diyan!" Si Shaine.
"Kate naman tignan mo si ma'am oh sasabog na sa galit magsalita ka naman." Wika ni Bethlea.
"Ayaw mong ma-dissapoint sila tita at tito diba? Ano pang ginagawa mo diyan, speak now!" Inis na wika Angel.
Galit na galit na ang guro sa kanyang ginawang pagpapahiya sa klase habang si Emielyn ay hindi makasagot at biglang tumahimik dahil sa ginawa niyang pagsagot-sagot sa guro.
'Biglang nagsalita ang kanilang prof.'
"Kayong pito! Anong pinagbubulong-bulangan diyan!! At ikaw MS PEREZ! Anong pinagsasabi mo! Nakikinig kaba talaga sa akin habang nagdi-discuss!? O kung saang planeta nanaman yan lumilipad ang isip mo!"
Napayuko na lamang si Emielyn dahil sasabog na sa galit ang kanilang guro."Lord, anong gagawin ko?, ayaw ko pong bumagsak magagalit sila mommy at daddy sakin" naiiyak na bulong sakanyang sarili. "Ano ba kasi ang ginawa mong kalokohan Emielyn Kate!
Ayan tuloy galit na sa akin si Prof." Kausap sakanyang sarili."Oh! Kayong pito diyan tatanongin ko ulit kayo anong pinagbubulungan niyo kanina!?" Sigaw ni Prof Dy.
"Nothing Prof." Wika ni angel.
"Ah--eh-- w-ala po prof" nakangiting sabi ni Sharmie.
"Oo, prof wala po talaga." Nangiginig na untag nila.
"Kayong Pito! Akala niyo Hindi ko narinig!? Tinanong ko lang baka kase magsasabi kayo ng totoo!" inis na sigaw ni ma'am
"KAYONG PITO!! GET OUT OF MY CLASS!!"
"Pero ma'am sorry napo"
"Prof wag po"
"Prof hindi na namin uulitin."
"AYAW NYONG MABAGSAK DIBA!? UMALIS NA KAYO NGAYON NA! BAKA MAGBAGO PA ISIP KO AT MAGIGING BLANKO ANG GRADES NYO SA AKIN! PASALAMAT KAYO! PINALABAS LANG KAYO! HINDI KATULAD SA IBA BINABAGSAK KO KAAGAD! UNANG ARAW PALANG GANYAN BUNGAD NYO SA AKIN! GO OUT NOW! AT IPAGPATULOY KO ANG PAGDI-DISCUSS!"
"Tsk! Yes prof"
"Lalabas na HO! Kami"
"Sige prof we'll go out now!"
YOU ARE READING
A FANGIRLS DREAM
TeenfikceIsa ka ba sa mga tagahangang babae na naghahangad na makita o makilala ang kanyang iniidolo pano kung kayo ay itinadhana sa isa't-isa?