March 27, 2010.. sa ganap na ika-11 ng gabi.
Labintatlong taong gulang na ako.
Labintatlong taong nabuhay na palaging minamata.
Labintatlong taong nagtitiis na nakikita ang matandang manhid.
Labintatlong taong dapat pala’y binawasan ko ng isa ng sa gayo’y kinahapunan ng nasa ikalabindalawa pa rin ako ay may nairegalo ako sa sarili kong napakaganda.
Sa wakas, yung matanda ipinasok na siya sa loob.
At ako, ipapasok ko siya sa ibang dimensyon.
Humipat ako sa pagkakataong ito, ibinalot ng mga itim na tela ang magakabilaang kamao. Habang akay-akay ang punung-puno ng bigat na gamit sa aking likuran.
Nagdilim na ang buong subdibisyon, nagpapahayag.
,,................
Inaasahan ko na ‘to. Ang pangangastigo ng mga tao sa impyerno kong tahanan.
“Hindi ba’t kaarawan mo ngayon?” sasampal ako ng labintatlong manok upang tumilaok na. Patulugin ang mga hangal at panggap na kaluluwa sa bahay.
“Lalabas. Magpapahangin. Salamat” Tumakbo ako habang maraming tunugan ang umalingawngaw mula sa nangangayaw kong akay.
.............
Nasa ikatlong palapag ang matanda. Andito ako sa may damuhan ng kanilang bakuran. Dahan-dahang hakbang, maya-maya’y may patutulugin lamang ako ng mahimbing. Isang mapanlinlang na tupa, kakalbuhin ko ang balat. Ilalabas ang dapat na makita ng lahat.
Sa tarangkahan sa bandang likod ay ang magsisilbi kong pakpak patungo sa kanya.
Inakyat ng tahimik, mahirap na kung iimik. Isang hakbang ng talampakan, kapit sa magkabilaang bakal sa magkabilaang alalay.
Para sa katarungan, kakayanin ko ‘to.
Narating ko na, nabalot ako ng pawis. May nakasusukbong kaba.
Nakakatakot ang matanda, ang kanyang mga mata.
Walang ingay kong iniangat ang bintana hanggang sa mapasok ko na ang kaloob-looban ng bahay.
Kailangan ko ‘tong gawin.
Ibinaba ko ang gamit at kumuha ng isang napakakitid na patalim.
Humakbang palapit sa matanda at kumuha ng isang silya.
Pinagmasdan ang kanyang bagabag na pagtulog. Hindi ba’t sabi ko sa inyo ay mabuti ako? Dapat kong mapahimbing ang kanyang pagtulog. Dahil….
Dahil Mabuti ako.
Nagyuyugyog ang parehong kong mga tuhog sa tugtog ng hangin. Nagngatngat habang nagkakalampagan ang mga sanga sa labas ng bahay. Nakakatawa nanaman, malamang uulan at sasabay sa awit ng matamis na agos ng tubig.
Ano bang dahilan na nais ko siyang tabihan at patuloy lamang na papikitin?
Ayoko siyang dumilat. Ayoko. Manlilisik nanaman ang kanyang mata na ikinatataranta ko.
Lumapit ako ng ilang dipa mula sa kanyang mukha at pumikit. Pumikit ng matagal at huminga ng malalim sa kanyang mapanlinlang na mukha.
Dumilat, dumilat ng kaunti at muling huminga.
Pagdilat ko ay…
,,..Hinga. Malalim na Paghinga. Huminga.
Nakadilat na rin siya!
Nakakatakot! Nilulunod nanaman niya ako sa bangungot. Titig na titig ang buong-buo niyang itim sa mata. Sa akin sila’y naninindak.
Huminga akong malalim at lumayo. Tinakpan ang pasigaw niyang mga labi.
Dahan-dahang binunot ang proteksyon mula sa mapaniil na katauhan ng matanda.
“Shh… wa-wala naman akong gagaweng masama sayo lolo. Kailangan mo ‘to. Makakaraos ka pagkatapos nito, pangako” patuloy siyang nagpupumiglas. Mukha ba akong manloloko? Nakakainis, walang tiwala sa akin ang mga tao. Bakit ganun! Masama bang inakyat ko na nga siya mula sa ibaba para lamang ibsan ang kanyang mga paghihirap.
“Haa!! Ano ha? Akala mo mapapatay mo ako sa mga titig mo?! Hindi! Hindi mangyayari yun. Uunahan na kita! Pero alam mo, tutulungan lang naman kita e” malumanay kong parating.
Patuloy siyang umuungol pero walang lakas. Nababasa ng mga laway ang aking palad at naliligo sa luha ang kanyang unanan. Lalo kong idiniin ang aking kamay sa kanyang mukha at nilamutak ito.
“Ikaw! Ikaw na hindi nagpapatulog sa akin pagsapit ng gabi! Ikaw na dapat na matulog na lamang!”
Lumuluha ng mulat na mulat ang matanda. may maliliit na pagtaas ang kanyang mga kamay bilang paghingi ng tulong. Pe-pero! Ako pa ba ang masama? Hindi ba’t siya ang naging mapangmata?
Mahigpit kong hinawakan ang patalim na halos pati sarili kong mga kamay ay nangangayaw sa sakit. Inilapit sa isang mata ng matanda at itinusok dito.
Tama ka, mula sa gilid ay iniikot ko ito sa tamang perpektong pag-ukit. Natutuwa nanaman ako. Nawawala ang takot ko habang buong nginig siyang nagbibigay reaksyon. Nagkareaksyon na siya, marapat niya akong pasalamat sa paggising sa kanyang diwa. Dahan-dahan kong iniangat ang malambot na parte ng kanyang mata, iniwan ang balat. Inilagay sa garapon na nais kong ilibing sa limot. Maging alaala ng kalupaan na kanyang iniwan.
Lumipat sa kabila niyang mata at patuloy na isinagawa ang naturang gawi. Nakakagalak sa pakiramdam. Ang sarap sarap habang wala na siyang magawa kung hindi ang umungol. Umungol ng wala man lang katunog-tunog. Tinanggal ko na ang aking kamay sa kanyang labi.
Pareho kaming mabilis ang silakbo ng mga damdamin.
Nagpaunahang wakasan ang paghihirap ng bawat-isa.
At sa bandang huli…
Mapalad na ako ang nagwagi.
![](https://img.wattpad.com/cover/14802404-288-k297245.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Saykopat
Terror“Wala akong problema, yung taong nasa loob ko. Siya! Siya ang may sakit!” Babasahin mo ‘to dahil sadista ka sa sarili mo. Babasahin mo ito dahil gusto mong madepress at ma-stress. Babasahin mo ng buong puso. Kung mapagtantong hindi kanais-nais, ay...