Namulat ako sa isang halik, pawang lunsaran ng matamis na amoy ang dumikit. Sa gilid ko'y napagmamasdan ko ang isang dilag na may pakurbang imahe ng labi.
Sa akin siya'y naglalambing. Wala akong nagawa, hindi ako nakapalag. Hindi s'ya nakakabastos bagkus ay nakakakiliti ang kanyang mga haplos.
"Kamusta naman ang prinsesa ko?" ani n'ya habang mula sa aking pinaglalagyan ay tuluyan na akong tumindig. Patagong namumula ang mga pisngi sa malwag n'yang tinig
"Hindi napapalagay sa t'wing sasapit ang dilim" tuwid kong pinagmasdan ang malamlam n'yang mga paningin. Sa ilalim ng mga 'to ay may nakaguhit na mga itim na linyang ganaping nagpaparikit sa kanyang sumisingkit na mga bituin.
Buong gabi akong mulat, ni hindi ko kayang pumikit sapagkat patuloy akong nababagabag ng maruruming imahe. Nang maiinit na saglit, ang mga nakakakiliting halik, at ang talamsik ng mga tubig na naghahasik.
"Wala nanaman tayong katuturan dito. Hanggang kailan ka ba magiging ganyan?! Hanggang kailan mo ba ako sasalubungin ng mga nakakalito mong salita? Hanggang kailan mo pa ba pasasakitan 'yang sarili mo?" palagian n'yang tanong sa akin. Iniharap n'ya ang kanyang likuran mula sa aking kinauupuan. Tama, paulit-ulit na lang akong gan'to.
Walang hanggang dumadaing sa tila istatwang katauhan sa harapan ko na matagal naman na akong tinalikuran. Hindi kailanman kikibuin at pagtutuunan ng pansin.
Walang makikinig sa kahangalang laging ipinagsisiksikan sa isipang puno na't okupado ng mga naunang kasinungalingan.
"Hanggang sa matanto mong naghihirap ako dahil wala namang nais umunawa sa akin. Nakakapagod nang makinig sa isang anak na kung umasta'y dinaig pa ang mga baliw, hindi ekspertong mang-aliw, hndi kailanman tumugma sa saliw!" nagngingitngit ang kalooban ko. Totoo bang nasasaktan ako?
Kagaya niya'y, manhid ang paligid para sa akin. Walang mag-aatubiling kumaripas at salbahin ako kung sakaling tarakan ang pagal kong sarili ng desisyong paglisan.
Wala naman. Wala pa ren. Iisiping pang-nakaw atensyon lamang ang lahat.
"Lutong-luto na ang isipan ko sa mga pinagsasabu mo, tignan mo nga 'yang itsura mi. Lagi ka na lang bagabag, hindi mo ba kayang umakto ng naaayon sa kung ano ang dapat!" patuloy n'ya akong binubulyawan. Tumayo s'ya, at tulad ng dati ay tatakbuhan n'ya nanaman ako.
Minsan nga'y marapat ko na ata s'yang ibalot sa aking mga bisig at patakan ng kapirasong nilalaman ng aking kalooban.
Pero, nahihirapan ako.
Ayokong gumuho sa harapan n'ya.
"Madalas nga po akong bagabag...... da-dahil sa mga kalampag.... Opo! Maiingay sila tuwing gabi, yu-yung mga kalampag" nakakapanlumo kong surot sa kalayuan.
Ipinipilit ko, naghihirap sa sikip ang aking dibdib. Saan pa ba? Dapat ko ba bang basagin ang bawat mahagip ng aking paningin, paano na lamang kung ang katalastasan ko ang aking madakma? Papayagan ba ako ng aking mga palad na basagin s'ya.
Baka, hindi ba?
"Naguguluhan na ako sa'yo!" bumunot s'ya ng sigarilyo, ang mabisyo.
Sa isang hipatan ng poot ay naabot n'ya ang rurok, binuksan ang labi't pinaagos ang puting usok mula rito. Nagpaikot-ikot sa pagitan ng dalawa kong mata ang kalikutan ng mga ito.
"S-si.... Si papa" nakakahindik kong bulong. Ang bawat kataga ko'y nanginginig.
Sa pagrurumentadong maaaring maganap, saan ako magkukubli? Paano na lamang kung magliyab, baka ang paninindigan ko'y mali.
"Oh anong meron kay Papa mo?" walang pagkatono n'yang sagot. Tuyo ang emosyon, hindi naaayong patungan ng retorika. Itinapon n'ya ang unang piraso ng kasalanan sa aking paahan.
"Ts-tsaka si ate" ipagpapatuloy ko, ipagdidildilan.
Mababalewala ba kung sakaling hindi n'ya pakinggan? Paniwalaan? O tanggapin? Sapagkat hapo at balot ng karumihan ang kanyang pag-iisip, tatakbo pa ba ito ng matino?
Malabo.
"Ano nanaman? Kung tungkol sa pagkukunsinti ng papa mo 'yan sa bisyo ng ate mo, alam ko na yan. Kaya kung 'yun lang din naman 'yung paulit-ulit mong isusumbong, sawang-sawa na ako sa inyong lahat!" padabog s'yang umakma ng pananakit. Nais n'yang latayan ang kapatpatan ko, kasabay ng pagkayurak ng aking damdamin. Baka nga, dapat kong tanggapin.
Ayan na, nagsawa na s'ya. Lalabas nanaman s'ya mula sa luntian kong lagusan. Ipinihit niya ang kaliwaan at iniangat na ang isang talampakan.
"Naglalaro sila pareho ng apoy sa t'wing lumilisan ka!" ipinilit kong ihabol ang katotohanan at alam kong narinig n'ya yun.
Ngunit walang pinagkaiba sa mga nakalipas na kwento. Sa mga patuloy kong ipinagdudukdukang tanging naging abo.
Iniwan n'ya nanaman akong masalimuot.
Napapakunot.
Natatakot.
at nagbabalak ng bagong kasagutan sa aking bagong kalahok.
Mali ang Pagbabago.
BAKA....
Mali sa mundo ko 'yun.
BINABASA MO ANG
Ang Saykopat
Terror“Wala akong problema, yung taong nasa loob ko. Siya! Siya ang may sakit!” Babasahin mo ‘to dahil sadista ka sa sarili mo. Babasahin mo ito dahil gusto mong madepress at ma-stress. Babasahin mo ng buong puso. Kung mapagtantong hindi kanais-nais, ay...