Kinuha ko ang natitirang tubig sa lababo at nilagok ng gahalimaw. Naramdaman ko ang mabilisang pagkaripas nito sa aking lalamunin. Uhaw na uhaw ako!
Malamang ay humagulgol ang sikmura ko sa mga naturang nasilayan, nakakahapo ang paglilinis ng nakaraan.
“San ka nanggaling?” malumanay niyang tanong. Ibinaba ko ng marahan ang basong may bahid na ng kasalanan. Mga pangyayaring kahit patuloy kong hugasan sa pamamagitan ng luha ay ‘di na matatakasan.
“Nagbigay selebrasyon sa nag-iisa kong katauhan” at diretso ko nang inilapag ang naturang babasagin sa lababo. May kaunting pagkalansing ang ginawa nito. Tumitig ako sa kantuhan ng lababo kung saa’y nakapatong ang walang pangamba niyang limang daliri. Ang bawat kuko’y napalilibutan ng itim na pintura habang ang ikalawa mula sa kanyang hinliit ay may nakasukbit na gintong pabilog. Sumisimbolong ang kausap ko ay sadya ng may katipang sa tahanan nila’y huhubog.
“Bakit may dugo ka sa damit?” nagtataka niyang sambit. Nilapitan niya pa ako at pilit na kinikilatis ang aking kasuotan. Sa may laylayan ng aking damit ay patuloy niya akong pinakikiusapan.
“Dahil nasugat ako” inialis ko ang punong-pangamba niyang mga daliri. Nangingiliting itinutulak ang aking mga labi upang mag-usal ng mas makatarungang sambitin.
“Pakiusap, maniwala ka. Nasugat lamang ako nang hiwain ko ang pinakakaala-alalang regalong natanggap ko” muli akong nagsalita, may gumuhit na ngiti sa mga labi.
At tuluyan na akong umakyat sa ikalawang palapag ng may malumanay na mukha. Wala akong naaalalang ginawa ko ngayon. Iniikot ko ang aking mga mata sa paligid at muling tinitigan ang babaeng mapangastigo. Nanginginig? Hindi. Wala akong pagkayanig na ngumiti muli sa kanya.
Masayang-masaya ako. Pareho na kami nung matanda. Pipikit ng walang bagabag sapagkat walang nilalabag. Hindi na namin pasasakitan pa ang bawat isa, pareho na kaming may kasarinlan. Iniwan ko syang tahimik, iniwan ko s’yang mag-isa. Nagpaalam ako sa kanya, kabastusan kung hindi ko gagawing isaayos ang kanyang duguang unanan. Ibinalot ko na rin sa kumot ang buo niyang katawan at sa katunayan niyan, pinabanguhan ko pa ang buong silid.
Patuloy siyang gumagalaw sa ilalim ng makapal na kumot. Nakakairita! Kung kaya’t inihampas ko sa kanya ang aking mga kagamitan. Binabayo ko siya sa lakas at lalong nabalot ng dugo ang kumot tapos tumigil na. Oo, napatigil ko ang makulit na matanda.
Nahimlay na ako at iniwanang nakabukas ang bintana. Nakisabay sa pagal na kaluluwa ng lansangan. Ramdam na ramdam ko ang tagumpay at ang tamis nito.
Pumikit na rin ako, pero dumidilat pa rin kahit papaano.
Tangina! May ungol akong naririnig, ba’t ba sa ganitong oras pa natitipuhang mag-alab ng mga kalibugan sa katawan ng mga tao.
Lagi na lang sa gabi, lagi na lang!
Pipiliting itago sa liwanag pero kung makangawa ang mga bunganga ay para na ring ipinangangalandakan ang mga kababuyan.
Wala pa akong karanasan sa mga ganyan, ang mahaplos ng mga kamay at madampian ng mga labi. Wala pa.
Hindi ko alam ang dulot nitong sensasyon sa bawat isa, na kung bakit may mga kumakawalang maliliit na ungol sa mga bunganga ng nakakaranas.
Nagpatuloy ang palakas ng palakas na ungol, nasa katabing kwarto ko lamang sila. Yung babaeng may singsing at malamang na ang bumabarena sa kanya ay yung lalaking nagbigay nun.
Dahan-dahan kong ibinaba ang aking mga paa sa malamig na sahig.
Lumabas ng silid at lumakad patungo sa pulang pintuan sa kanan.
May maliit na siwang mula dito, mali mang gawin ay lumapit pa rin ako at isinukbit ang mga mata sa kaganapan.
Walang kasuotang mga nilalang ang gumagawa ng ingay. Nakasakay si ate mula sa isang lalaking natatakpan ng kanyang pawisang katawan. Dinaig niya pa ang pagbayong ginawa ko sa matanda. Halos tumupi ang kama sa karipas at paghahabulan nila ng hininga.
Hinihimas ng lalaki ang bilugang umiindayog sa kaitaasan ng babae, habang nagdidiliryo naman ang buong katawan ng dilag sa padiin ng padiin nitong pagpisil.
Kasalanan ‘to!
Minsan, aalisin ko ang aking mata mula sa mga kaganapan pero itinutulak ako ng mga tunog na muli itong tignan. Namamawis ang aking mga paa’t kamay.
Ngu-ngunit patuloy na naaaliw ang aking mata. Nauuhaw at nabubusog sa mga pisakan ng tubig na nasisilayan.
Ramdam ko na rin ang pag-iinit ng aking buong katawan, pinapawisan ng malamig at nagtatayuan ang mga balahibo.
May kumukurot sa sensitibong parte ng aking katawan. Agad ko ‘tong hinawakan at pinigil ang sarili. Minsan, mapapahinga rin ako at pipikit. Napakalalim ng lumulunod sa aking init.
Huling ungol na malakas ni ate! Oo, siya ‘yung kausap ko kanina. Si ate nga.
Bago pa man ako umalis ay tinanggal na ni ate ang kanyang latang-latang katawan sa-sa….
Sa lalaking bigotilyo, makakapal ang kilay at kayumanggi ang kulay.
May katandaan ang mukha neto na lumalayo sa kapanahunan ng isang kabataan.
Hindi rin siya ‘yung lalaking kasama ni ate sa litrato nung mga panahong maligaya siyang naglakad patungo sa altar upang sumumpa.
Kawangis nito ‘yung lalaking una kong pinag-alayan ng pagmamahal.
Kamukha niya yung lalaking, gabi-gabing humahaplos at humahalik sa aking noo.
Kamukha niya yung taong binabalutan ako ng kumot sa t’wing naninindak ang hanging bumubugso.
Kamukha niya yung katauhang nagpasimula ng patapong tahanan na ‘to.
Tangina!
Si…
Si papa? Umupo sa gilid ng kama ang lalaki habang hinihimas ni ate ang kanyang likuran. Nagsindi ‘to ng sigarilyo sabay hithit at buga. Humarap kay ate at hinalikan ito ng mabagal sa labi hanggang pababa sa leeg na kumikiliti naman sa walang kasuotan kong kapatid.
Si papa nga.
Napagbugtong-hininga na lamang ako.
Pakiramdam ko’y binababoy ko na rin ang aking sarili sa naturan kong pagsilip sa kanila.
Pa-iling-iling na bumalik sa kwarto ngunit walang luhang nais tumulo sa mga mata ko. Napangiti lamang ako ng matamlay at napakaraming bagay nanaman ang pumupunan sa nagdidilim ko paningin.
Mga taksil.
BINABASA MO ANG
Ang Saykopat
Horor“Wala akong problema, yung taong nasa loob ko. Siya! Siya ang may sakit!” Babasahin mo ‘to dahil sadista ka sa sarili mo. Babasahin mo ito dahil gusto mong madepress at ma-stress. Babasahin mo ng buong puso. Kung mapagtantong hindi kanais-nais, ay...