Shet. Shet lang talaga. Ano ba tong eksena ko. Hahaha tsk
Titig na titig parin sakin yung dalawa tapos ouch inismiran lang nila ako mga king ina. At ayon nga nagpatuloy pa sila!
"So what now Alex? You should come, No, you must come!" Giit na naman ni ate mong girl na panget.
Oo panget, panget sya kasi nakabangs sya. Ayoko sa may mga bangs para silang mga katropa ni Dora. Hahaha!
So ako eto nakilugar narin na animong nnunuod ng bangayan ng dalawang pogi at panget syempre ako ung bida so ako yung maganda diba? Keri hahaha.
"I already said I cant, period! Now if you still have anything to say pwede after school nalang kasi o malalate na ako?" Sabay tingin sa relos nyang kulay itim. Oo nga bebe Alex malalate na talaga tayo.
Habang ako keri keri lang sa panunuod sa kanila total di pa ako nakapagayos naglabas ako ng salamin sa bag ko at ayon nagkilay ang lola nyo. Charot ang ganda ko! Hahahaha!
Di ko namalayan umalis na pala yung babaeng tropa ni Dora at omgggg eto na naman tinititigan na naman ako ng bebe ko shet? Ang ganda ko talaga!
"Tch. Walang manners." Bulong nya pero rinig na rinig ko yon! Para sakin ba yon? Wala raw akong manners? Peste nag aral ako ng GMRC nung elementary at yun ang pinakahighest sa card ko tapos sasabihan akong walang manners king ina! Isumbong kita sa teacher ko e! Pero hindi, dahil gwapo kat matambok hindi na pasalamat kat gusto kita! Ayyyy hahaha!
Kasabay nang pagbulong nya nagpamauna na syang maglakad sakin. So ayun andun na naman ako na parang kabute sa likod nyang nakasunod. Pangit ba ako tignan pag ganito?
"Hoy Alexxxx!!!!" May sumigaw. Nakakabingi. Ang lakas. Pesteng Mica! Kaloka.
Tumigil si bebe at syempre napatigil rin ako. Lumingon sya kay Mica at syempre lumingon rin ako. Ano na naman ba Mica kita mong nag momoment ako sa likod ni bebe eh tsk. Wala ka talaga sa lugar!
"What?" Tanong ni Alex nung nakalapit na si Mica sa harap namin. English ang king ina.
"Ay sorry hindi ikaw si Alexanda ang tinutukoy ko chupi!" Wow ang taray ng bespren mo. Hahahaha! Nagulat naman si bebe sa sinabi ni Mica st yun nga kita mong nainis na sya agad. Hahaha
"Binasted ko na sya bes, masyado kasi syang gwapo para sakin." Ani ni Mica sakin. So ako tumingin muna ako kay bebe bago kay Mica at magsasalita na sana ako kaso sumasagot rin pala tong si bebe.
"Wow ikaw pa talaga ang nangbasted, ang ganda mo naman?" Ani Alex kay Mica. Hahahaha wtf tama bebe tama ka. Hahahaha!
"Oo naman maganda ako diba Bes?" Tanong sakin ni Mica. King ina hahahaha. Sakin pa tinanong. Eh alam nyo naman na pag ganda ang pinag uusapan.
"Hindi bes, ako lang ang maganda Pero-" hindi pa ako tapos magsalita. Sumabat na sya.
"Mga puta, magsama kayo!" Sigaw nya sa harap namin sabay takbo palayo. Grbe sya hahaha hindi pa kasi ako tapos e, sasabihin ko sanang pero andun narin sya sa unang porsyento ng kagandahan ko. Charot haha
"Hahahahahahaha" sabay tawa ko at nakitawa rin si bebe. Ommmggggg hahahaha ang cute cute nya tumawa ang pogiii! Ang sarap kainin ng pisngi nya! Lalo na yung labi sarap laplapin. Char! Hahaha!
"Tumatawa karin pala a? Hahahaha" sabi ko sakanya ngunit napalitan agad pagtataka yung muka nya. Shet ano na naman ba?
"Tch." Sabay lakad papalayo. At ayun na naman yung makasalanang mga mata kot napako na naman sa pwit nyang matambok. Isnabero.
BINABASA MO ANG
My Love Alex
RomancePaano pag si Girl and Boy magkapangalan? Tapos si Girl kalog? At si Boy Snob lang? Tara nat simulan ang kwelang istorya ngunit may bahid rin ng romantikong kwento nina Alex at Alex! Xoxo, gaga