Chapter 24

150 7 1
                                    

Nakaupo ako ngayon habang inaayusan ang dalawa kong anak upang presko silang tingnan ngayon dahil babantayan sila ni Chelsea. Nagprisinta din sya upang may kasama daw ang mga bata dahil nga aalis ako.

Naghanda na ako sa pwedeng ibatong mga masasakit na salita saakin ni Xyrel. Hindi ko sya masisisi kung magalit man sya. Natakot lang ako sa kapakanan ng aking mga anak.

"Chelsea ikaw na ang bahala sakanila huh, Don't forget to feed them when they are hungry"-saad ko ng nakarating si Chelsea.

"And you babies don't make tita Chelsea stress okay. Wag masyadong kikilos okay, baka mapagod kayo."-saad ko at pinaulanan  nila ako ng halik sa mukha.

"Okay mommy, we will be good to tita"-saad nila at yumakap, napatingin ako kay Chelsea at nahuli ko syang nakangiti duon at napansin kong tila ba maiiyak ito,kaya pinanlakihan ko sya ng mata.

"I will go chelsea, wag mong basta basta bubuksan ang pinto pag may kumatok."-bilin ko sakanya at nakipag beso.

Lumabas na ako at napabuntong hininga, hindi ko alam kung anong nakahandang pangyayare ang magaganap mamaya.

Sumakay na ako at inayos ko ang aking pantalon at longsleeve, i look to my self and sit properly. Bulta bultaheng kuryente na ang dumaloy saakin ng masilayan kung muli ang building na dati kong nakasama sa araw araw. Dito ko unang nakilala ng lubusan si Xyrel.

Bumaba na ako at isang mahabang buntung hininga ang pinakawalan ko. I need to breath deeply. Piling ko ay kinakapos ako ng hininga.

"Ma'am kayo po pala yan. Lalo po kayong gumanda. Babalik na po ba kayo?"-yan ang bungad saakin ng ni kuyang guard ng pumasok ako.

"Ay hindi po may bibisitahin lang po ako"-saad ko at yumuko na upang maiwasan ang iba nya pang tanong.

Lalong gumanda ang building na iyon. Mas makinang na ito at lalong prisentable. Ilang kakilala ko pang binati ako pareparehas lang ang kanilang tanong"Uy lalo kang gumanda""babalik kana ba?" Yan ang parati nilang sinasabi tuwing may makakasalubong ako.

Sumakay na ako ng elevator at hinintay na bumukas iyon. Ng nasa tamang floor na ako ay iniluwa ako ng lift at dahan dahan akong naglakad.

Ganto din ang naramdaman ko nung una kong nakatungtong sa floor na ito. Tila ba napaka bigat sa pakiramdam kung ikaw ay naruon. Ng nasa tapat na ako ng pinto ay kinabahan na ako ng husto kaya napapikit ako. Ngunit sa pagpikit kong iyon ay ang mga anak kong masaya ang lumitaw kaya nabuhayan ako. Naalala ko nga palang makikipagkita ako sa kanilang ama, sasabihin ko nga palang may anak syang naghahangad na makasama ang kanilang ama.

Binuksan ko iyon ng dahan dahan at gaya ng dati ay bookshelf at desk ang bumungad saakin. Unti unti akong pumasok hanggang sa nakapasok na ako, naglakad ako duon at nakita ang isang lalaking nakalongsleeve at may hawak na kopita.

"Your back"-saad nito sa isang malamig na untas. Nagbago ang kanyang katawan,kung noon ay maganda iyon mas lalo pa itong gumanda ngayon. Tila ba hinubog iyon ng napakagandang proseso.

"X-Xyrel"-kinakabahang untas ko.

"You look so different now"-saad nito at lumapit saakin ng babahagya.

"B-Bakit moko pinapunta dito"-hindi ko pinahalatang nangangatog na ako dahil sa presensyang binabato nya saakin.

"Atat ka ata. May naghihintay ba saiyo"-may laman ang minsahe nyang iyon.

"A-Anong pinagsasabi mo"-saad ko at kinabahan ng lalo ng unti unti syang lumapit. Sa paglapit nyang yun ay mas naging klaro saakin ang pag babago ng kanyang mukha. Mas nadipina ang kanyang jawline, ang matangos nyang ilong at mapupungay na mata. Gusto kong hawakan ang kanyang mukha at dampian ang labi nyang mas lalo atang pumula ngayon.

"Why you left me?"-tanong nya at tumalikod saakin.

"Xyrel"-tanging pangalan nya nalang ang nabanggit ko.

"You left me hanging"-humarap sya at nakita kong pula ang kanyang mata-" iniwan mo ako ng walang wala. You are my strength, you are all to me. Pinaubaya ko na sayo ang puso ko. Ikaw ang pinagdesisyon ko kung pano mo hahawakan ang puso ko."-napapikit sya at sumungaw dun ang kaninang namumuong luha sakanyang mata.

"I feel so empty when you left me. Kinamuhian ko ang lahat dahil tila ba lahat sila ay hindi kayang sabihin kung nasaan ang babaeng pinakamamahal ko. Bakit moko iniwan? Because we are just a fuckbuddies? Nung ikakasal ako sa ibang babae ay hindi iyon matutuloy dahil ang plano ko ay ipagsisigawan kong ikaw ang mahal ko. But fuck! My brother is such an asshole. Nangialam ang gagong iyon. Dahil sa pangengealam nya ay nailayo nya ang mahal ko"-lumaha na sya at pulang pula.

Walang akong nagawa kundi ang umiyak na lang din habang pinakikinggan ang kanyang hinaing saakin. Gusto kong malaman kung ano ba ang lahat.

"Tapos malalaman ko pang may anak ako sayo? Nilayo mo sila saakin."-napatakip ako ng aking bibig ng hampasin nya ang kanyang mesa at guluhin ang kanyang buhok."Tinanggal mo ang karapatan ko sa kanila, sana ay narinig ko ang unang iyak nila, sana ay nandun ako nung naglilihi ka palang. Pero wala! Hindi ko man lang nakasama paglaki ang aking mga anak. Its a fucking 5 years Xzia. Limang taon ko silang hindi nasilayan.Limang taon mo silang nilayo saakin. Hindi ko man lang alam kung ano ang gusto nila."-ginulo nya ang buhon nya at iyak ng iyak.

"I-Im so sorry Xyrel. Natakot ako d-dahil baka hindi mo sila m-matanggap."-napahagulgul nalang ako dahil hindi kona kaya.

"Sa limang taon nayun ay nabaliw ako. Araw araw kong iniisip kung saan ako nagkulang upang hindi mo maramdaman na mahal kita. Kaya pala may araw na dumating sa buhay ko na tila ba may bago,parang may dumating pero hindi ko alam kung ano. Yun pala ay ang anak ko na pala, anak ko na ipinagkait saakin. What the fuck!"-saad nya at lumuhod saakin.

"X-Xyrel tumayo ka a-ano ba!"-saway ko at itinatayo sya.

"Maybe this time you can give me the chance. Gusto ko silang mahawakan, una ko palang nakita si Fritz ay alam ko ng anak ko sya. He really looks like me."-saad nya at hinawakan ang kamay ko. Desperado sya na makita ang aming anak.

"Pagbigyan mokong maiparamdam ko sakanila ang pagmamahal ng isang ama. I wanna make them feel so complete"-saad nya at tumayo.

"Hindi ko ipinagbabawal. Matagal ko ng gustong sabihin ngunit natatakot ako nabaka hindi mo matanggap ang ating anak"-ang sarap pala sabihing anak namin,dahil alam mong kumpleto.

"I wanna meet them and give everything to them"-saad nya at hinalikan ako. "Antagal kong hinintay na muling madampian ang labing ito"-napangiti ako dahil Hindi ko akalaing sa lahat ng sakit na dinulot nya ay mahal ko pa rin sya.

Maybe This Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon