Dead Man's Wonderland

730 39 41
                                    


"Labs, pangako, uulitin natin to pag maayos na ang lahat."

Ngumiti siya sa akin. Nawawala na naman ang mga mata niyang singkit.

Gandang-ganda ako sa kanya kapag ngumingiti. Kaya nangangako akong habangbuhay, hinid na iyon mawawala sa mga labi niya. Araw-araw na magkasama kami, papasayahin ko siya.

"Maayos na ba ang lahat?"

"Opo Father." Sagot ko.

Mabuti at may kakilala kami. Dati din siyang hunter bago pumasok sa seminaryo pagkatapos mag-retire. Ka-close siya ng pamilya ni Van, kaibigan ng tyuhin niya. Nahugot naman namin ang mga kailangan papeles ng mabilisan dahil sa koneksyon namin sa munisipyo.

Heto na. Madalian man, wala nang atrasan ito.

Kinuha ko ang mga singsing sa bulsa. Silver yon. Kaya ko namang bumili ng mas mahal pero  bilang hunter, at si Van galing din sa pamilya ng mga hunters, may simbolo para sa amin ang pilak.

Tumango siya nang humudyat na ang pagsisimula. Ito na ang pinakamasayang araw ko.

"Vanessa, tinatanggap mo bang maging asawa ang tsonggong nagkatawang taong ito?"

Nanlaki ang mga mata ko. Nakaabito na't lahat-lahat, may saltik parin. Hindi na talaga mabubura ang pagiging hunter sa sistema.

Humagikgik lang si Van. Namula ang mukha. Kitang-kita iyon lalo na't nakaputi siyang damit na hanggang tuhod.

"Opo father." Sagot niya.

Para akong lumipad sa langit at bumagsak sa paanan niya. Handa na akong mamatay ngayon.

Akin na siya.


Nagmulat ako ng mga mata. Bumababa na ang epekto ng ginamit ko kanina. Nanginginig na ang buong kalamnan ko. Naghahanap na uli.

Humigop ako nang hangin at tumayo mula sa kama. Napangiwi ako nang bahagya. Masangsang pero medyo nasasanay na ako na amoy ng kwarto. Amoy patay na daga na talaga dito. 

Sa bagay, ako rin naman. Kailan ba ako huling naglinis?

Humarap ako sa salamin at sinipat ang sarili. May sarili akong bahay pero mukha na akong palaboy. Ilang araw na akong walang ahit. Mahaba na din ang buhok kong naninigas na.

Maayos parin naman ang katawan ko. Pumayat pero andon parin ang hitik na muscles na nakuha ko sa pagiging hunter ko noon. 

Kitang-kita parin ang mga peklat mula sa butas ng ginawa ng mga balang pumasok sa akin. Muntik ko na yung ikamatay. Meron pa ngang naiwan, sa may baga, malapit sa may puso. Delikado na hugutin kaya hinayaan nalang sa loob ng katawan.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang maliit na picture na nakadikit sa salamin. Kuha nung araw ng kasal ko. Namin.

 "Asawa ko..."  

Napangiti ako. Ang ganda niya talaga.

Nakaputi siya doon. Hawak ang limang sunflower na ninenok sa sementeryong nadaanan namin. Wala nang oras para bumili pa sa flower shop dahil nagmamadali na kami.

"Van."

Dalawang taon na nang mawala siya. Dalawang taon na rin akong ganito. Pwedeng ibawas ang ilang buwan kong pagtulog sa ospital dahil sa nangyari. Hindi ko nga alam kung bakit nagising pa ako matapos yon.

Wala na rin naman silbi. Wala na ang dahilan ko para mabuhay.

"How long could you live like this, Bullet?"

NocturneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon