Heir

539 27 31
                                    


"Pabili pa ako ng dayrikrim, Soy. Tig-sampu."

Ngumiti ako kay Aling Belen habang inaabot ko ang binili niyang pandesal.

Suki ko na siya dito. Siya ang pinakamaagang dumadating bago dagsain ang bakery. "Sandali lang po, ha."

Lumingon ako sa looban ng tindahan. "Bong, mantiklya daw. Paabot."

"Popo kya."

Lumabas na ng tindahan si Bong dala ang paper bag na maliit. Tumungtong sa upuan para maabot ang estante namin. Siya na ang nag-abot noon kay Aling Belen. Siya na rin ang kumuha ng bayad bago pumasok sa uli loob.

Napangiti ako. Bata pa lang, mauutusan na.

"Talagang tumangkad na ang batang yan. Akala ko noon..."

Ngumiti lang ako. Di na tinuloy ni Aling Belen ang sasabihin niya pero alam ko na yon.

Ampon namin si Bong-bong. Apat na taon na noong napulot ko siya sa kalsada noong nasa callcenter pa ako. Alas dos ng madaling araw, nakita ko siyang nakahandusay doon malapit sa may tulay. Madungis saka mabaho pa. Payat at mukhang di na kumakain. Akala ko nga manika, dalawang taong gulang na bata pala.

Akala nga amin di na siya tatagal. Kasama ko pa noon si Aling Belen nang dinala namin siya sa ospital. Mabuti nalang at mabuti ang Diyos at himalang nakarecover siya. Simula noon ako na ang nag-alaga sa kanya.

"Wala namang kumukuha, ano Tisoy?"

"Mabuti naman po at wala." Kung meron man, hindi ko na rin siya ibabalik. Walang matinong magulang ang papabayaan nalang nang ganoon ang anak nila.

Isa pa, marami naman kaming nag-aalaga sa kanya.

"Good morning po, Aling Belen!" Bati ni Mila nang madatnan kami. Galing lang siyang trabaho. Call center agent din.

Mabilis siyang pumasok sa tindahan at nilapag ang bag sa isang tabi. "Kuya Tisoy, keri na. Pahinga ka na. Dadating na si Pepeng saka si Loydi maya-maya. Si Baby Bong gising na?"

"Oo nasa loob, kasama ni Kiko at Max,nag-aalmusal. Magbihis ka kaya muna."

Kasama ko si Mila sa ampunan dati. Nauna lang akong lumabas sa kanya. Pagkatapos ko ng highschool,nagtrabaho ako habang nag-aaral sa Maynila. Paglipas lang ng dalawang taon, sumunod na rin siya dito.

Isa-isa na ring nagsunuran ang iba ko pang mga kapatid. Oo mga kapatid. Di kami magkakadugo pero ganoon ang turing namin sa isa't-isa. Wala namang pag-pipilian, iyon lang naman ang paraan namin para makatungtong ng kolehiyo at magkaroon ng maayos na buhay. Ang lumuwas pa-syudad at makipagsapalaran dito.

"Ok na nga ako," sagot ni Mila. Inirapan pa niya ako nang mapatingin sa ayos ko.

"Dyusko Kuya. Masisira na naman yung display natin pag dumagsa na naman ang mga hitad dito! Pwede magdamit ka!"

Napatawa ako. Yung tinutukoy niya ay yung mga border dyan sa harap. Mga kolehiyala na nag-aaral sa katabing eskwelahan.

Hindi ko alam kung anong meron sa mga babaeng yon at saktong ala sais i media ng umaga, nagtatakbuhan na dito sa tapat ng tindahan namin. Nag-uunahan. Lalo na kung ako ang nagbabantay tapos walang pang-itaas.

"Di ba Aling Belen? Ganyan kaya hitsura niyan habang nagmamasa ng dough ng pandesal. Nakalabas din yung mga pandesal sa tyan."

"Aba'y kaya pala masarap."

Napaubo ako. Pati si Aling Belen pala.

Nagpaalam ako at pumasok na sa loob. Naabutan ko pa ang mga naalmusal ang mga nakakabata samin.

NocturneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon