Hunter's Vow

234 13 8
                                    

Warning :Language and Sexual Content.

Si Vanessa.

Limang taon nang mawala sa akin ang ang asawa ko. Sa araw-araw na ginawa nang diyos, nanalangin ako sa isang himala na babalik siya sakin. Babalik siya at magkakasama kami uli. 

Hindi ko akalaing tutuparin Niya iyon. May puso din pala ang nasa itaas.

"Sigurado na ba, to Boss. Baka fake news na naman tayo." Sabi ni Melchor. Driver-bodyguard ko siya simula nang mabuo ang bagong konseho ng mga hunters. Sa totoo lang, di ko na kailangan. Pero bago na protocol ngayon. Dahil isa na ko sa namumuno, ako ang dapat maging ehemplo.

"Oo." Tumango ako. "Totoo na ito. Galing sa source ko nakuha."

Hindi namatay sa sunog si Vanessa. Nakuha siya ng mga bampira at doon ginawang isa sa kanila. Hawak siya ng isa sa mga nobles bago nakita at nakilala ni Nia. Si Pierre naman ang nagsabi sakin.

Kailangan kong magpasalamat ng husto sa mag-asawang yon. Sa kabila parin ng lahat, di parin nakakalimot sa mga pinagsamahan namin.

Iilan lang ang nakakaalam na may kumonikasyon ako sa mga bampira. Na malapit din ako sa mga ilang matataas sa kanila.

Kailangan kong itago yon. Karamihan sa mga nagiging hunters, may malalaking galit sa mga bampira. Malaking gulo kapag nalaman na ang isa sa pinuno nila may malapit na relasyon sa mga yon.

"Boss, exicited lang ha... Ambango ngayon. Bagets na bagets... Yihh."

"Tumigil ka dyan, Melchor. Sisipain kita." Angil ko.

Sinuklay ko ang buhok. Sinigurado kong mukha akong malinis ngayon. Madalas magalit si Van noon kapag mukha akong yagit.

Huminga ako nang malalim. Hindi ako sigurado kung matatandaan pa niya ako.

Bampira na si Van. Wala namang kaso sakin. Kaso kapag na infect na pwede magkaroon ng problema sa memorya. Ilang taon na rin kaming di nagkikita kaya nag-aalala ako sa magiging reaksyon niya.

Isa pa, nasa ilalim siya ng most wanted namin. Si Donovan. Kilala ang bampirang yon sa pambra-brainwash ng mga tauhan. Sinasamba na nga ng ilan yung gago bilang diyos-diyosan.

Sana lang at hindi malala ang nangyari kay Van.

Binaba ako ni Melchor sa isang mataong lugar. Squatters area. May nakikita pa akong mga tambay sa kanto na nag-iinuman. May mga bata na kahit gabi na ay naglalaro pa sa daan.

Napangiwi nalang ako. Pero sigurado naman dito yung lugar. Tama ang address.

"Ikaw ba yung susundo galing sa Main?" Salubong sakin ng isang lalaki pagkatok ko sa isang bakal na pintuan. 

Hunter sigurado. Pero ngayon ko lang nakita. 

Kung sabagay, hindi naman lahat ng recruitment ng mga hunters dumadaan sa akin.

Tatlo kaming naghahati-hati sa pagiging Pinuno. Para masigurong nasa balanse ang lahat.

Wala naman akong reklamo. Mas gusto ko yon dahil di ko pasan lahat ng responsibilidad.

"Na-Nasaan na yung nakuha niyo." Tanong ko. Sa totoo lang nangingig na ako. Dala na rin siguro ng edad. Saka sabik na sabik akong makita uli ang asawa ko.

Inilabas ko ang sulat. May pirma na yon. Planstado na lahat. Kumpleto sa dokumento para wala nang lusot pa. Hindi ako pwedeng magkamali ngayon. 

"Ayos ah. Mukhang malakas ka sa taas." Sabi ng lalaki habang binabasa ang papel. Nakangisi pa siya nang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. 

NocturneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon