Ayokong kamuhian ka
Pero turuan mo akong wag kang mahalin pa
Dahil ang 'yong mga kamay
Ay hawak na ng iba.Subukan ko bang ibaling
Sa iba itong mga mata
Gayong kahit nakapikit
Ikaw ang nakikita.Tatakpan ko ba ang
aking mga tainga
Upang hindi ko marining
Maging ang iyong paghinga.Ititikom na lamang ba
Itong aking bibig
Dahil pangalan mo
Ang laging sinasambit.Burahin mo kaya
Ngayon ang aking alaala
Baka sakaling mabura
Itong aking nadarama.Maglagay ka kaya ng
Harang sa paligid mo
Nasanay kasi akong lagi sa tabi mo
O pumunta sa ibang mundo
Malamang doon di na ko makasunod sayo.Oo nga bakit ikaw?
Ang sagot bakit hindi
Dahil itong puso
Ng rason hindi humihingi!
(05/21/09)