Bakit ba hindi pa maubos ang luha ko?
Para di na makitang mahina ako
Upang kahit iwan at mabigo
Di mahahalatang nasasaktan akoBakit ba hindi pa naubos ang luha ko?
Nang minsang ako'y iwanan mo
Bakit patuloy ang pagpatak nito
Ngayong iiwan mo na naman akoBakit ba Hindi pa naubos ang luha ko?
Para di na iiyak t'wing aalis ang pusa ko
Para di na iiyak pag napuwing ako
Para di na iiyak sa t'wing iiwan moBakit ba di pa naubos ang luha ko?
Para wala nang papatak pag nalulungkot
At pag nasasaktan wala nang tutulo
Na magiging muta pag ito ay natuyoWala nang maghuhugas sa 'king mga mata
At maglilinis sa aking kaluluwa
Ang luhang ninais na mawala
Aking napagtanto lubha pa ring mahalaga!
(12/19/2005)