Gusto ka ng sistema ko
Gusto kita sa mundo ko
Bakit 'di pwedeng maging simple ang mundo?
Yung gusto kita, gusto mo ko...At sa pagkakataong ito
Maari na bang maging normal?
Natutuwa, nalulungkot, Nasasaktan, nagmamahal...Tanong ko dati pa
Pano ba maging masaya?
Nang makausap makilala kita
Ah ngayon alam ko na.
Sa pag-aalala, sa atensyon
Sa pagbigay ng mga bagay na Marahil wala sa intensyonAt pano ba maging malungkot
Sa kasunod nitong saya
Nalaman ko rin noong wala ka.Sabi mo alagaan ko ang sarili ko
Dahil kailangan nila ko.
Pano kung sabihin ko ikaw naman ang kailangan ko...Hindi mo naman talaga kailangan tumugon
Hayaan mo lang akong
Mahalin ka kahit walang direksyon...
(09/24/2017)