Pagbalik

9 0 0
                                    

Noo'y sa isang lugar
Madilim at tahimik
Ako'y nanatili
Ang lugar kung saan
Ako mismo ang pumili
Hindi marinig, ayaw pakinggan
O sadyang walang sinasambit
Hindi makita, ayaw maramdaman
O talagang walang makalapit
Mundong akala ko'y
Walang makahihigit
Hindi masasaktan
Hindi makapananakit.

Isang araw
Kayo ay dumating
Sa lugar na iyon
Ako ay sinagip
Pinilit makita, pinilit marinig
Hinayaang maramdaman
Hinayaang makalapit.

Ngayon ako ay narito
Maaring masaktan
O bumuo ng pagkatao.
Minsan nais ko pa rin
Sa lugar na iyon ay magpunta
Ngunit di nangangamba
Pagkat aking nababatid
May naghihintay sa aking pagbalik.....
(11/22/2004)

TulaLaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon