Paano

7 0 0
                                    

Paano ba tapusin ang di nagsimula?
Paano ba baguhin galaw nitong tadhana?
Paano ba babangon sa pagkakadapa?
Paano ba humiling ng isang himala?

Paano na papawiin yaring luha
Paano na ngayong ika'y wala?
Paano maibabalik ang saya
Paano ipipinta ang tawa?
Paano magigisnan ang sigla
Paano na ako, pano na sila?

Paano imumulat ang mga mata
Kung paggising ko'y wala ka na?
Paano pakikinggan ang kanta?
Kung lungkot ang laging madarama...

Paano sisimulan ang di nakasanayan?
Gaano karaming tapang ang kailangan?
Bakit hindi ganun kadali
Ang mukhang simple lang?

Kailan matatamo yaring inaasam?
Saan matatagpuan mga kasagutan?
Ilang panahon pa ang lilipas na lang?
Upang magawa kong ika'y kalimutan...
(2009)

TulaLaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon