"Anu ka ba naman baby,sabing mauna ka na e,gabi na"-natatawang pahayag ni Quiren kay tori...Imbes na sundin niya ito ay nanaig ang kilig na nararamdaman ni tori dahil tinawag na naman siyang baby ni Quiren,Oo at sanay na siyang tinatawag siyang baby ngunit di pa rin kumukupas ang kilig na nararamdaman niya rito.Ngunit sa kasamaang palad ,kapatid lang ang turing sa kanya ni Quiren,dahil mas matanda ito ng 5 taon sa kanya...
"Quiren naman e,may sasabihin nga ako sa iyo diba"-nakangusong sabi ni tori habang nakayuko,nahihiya siya dahil ipagtatapat na niya ang tunay niyang nararamdaman kay Quiren...
Dahil kapag pinatagal niya pa ay baka mabaliw na siya ,at baka maisipan pa niyang tumira na lang sa mental hospital...
"Hayy naku sabing kuya ang itawag sakin e,kulit neto...oh ano ba sasabihin mo baby?"-nakakunot noong tanong ni Quiren...
"A-ahm kasi Quiren ...a-ahm ano eh ano...."-kinakabahan niyang sabi dahil,first time niyang magtapat...
"Hahaha baby puro ka ano eh..haha cge na sabihin mo na"-natatawang sabi nito.At inakbayan siya..
"Anokasegustokitaaymalimahalnamahalkitaquiren"-mabilis niyang sabi....
"Ano??..Baby naman bilis mong magsalita eh,linawin mo nga"sabi ni Quiren at tinanggal ang pagkakaakbay kay tori at pinaharap sa kanya..
"Quiren ,im falling....ayy hindi pala...Quiren..mahal kita,matagal na"-nakayuko niyang sabi.....
Katahimikan ang bumalot sa kanila ng biglang nagsalita si Quieen..
"Umuwi ka na,Gabi na"-cold na sabi nito.Kaya tumulo ang kanyang luha..
"Pero-----------------"
"Leave"-mahina ngunit maotoridad nitong sabi...
"Quiren naman eh"-sabi niya habang tumutulo pa rin ang kanyang mga luha,dahil alam niyang hindi siya mahal ng lalaki....
"I SAID LEAVE TORI!!"-mariin nitong sabi at pinipigilang magalit.....Naiiyak na talaga siya ng sobra sobra dahil sa tinawag siyang tori...hindi siya sanay na iyon ang tawag nito sa kanya.....kaya tumakbo siya ng mabilis habang patuloy pa rin na tumutulo ang kanyang luha...
----------------------
Thats it!!!!
Hehe grabe habang tinatype ko toh parang anytime tutulo na yung dugo sa ilong.....tengene nosebleed si ako....
