Ako nga pala si Nick, simpleng tao lang ako. Simpleng lalaki, may kaya sa buhay.
At higit sa lahat, Inlove. Oo, inlove ako. At sa Bestfriend ko pa, ang hirap noh? Pero kahit ganun, hindi parin ako sumusuko. Naghihintay at umaasa parin ako na dadating ang araw na matutunan niya din akong mahalin. Ganun naman talaga diba ang buhay diba? Dapat masaktan at mahirapan ka muna, kung natiis mo to, may magandang mangyayari. Pero bakit ganun? Nagtiis na ako, hinintay ko na siya, pero bakit hindi niya parin ako magawang mahalin? Dito nagsisimula kwento ko.
Second ako nung nakilala ko siya, Mae ang pangalan niya. Di ko alam, pero nung una ko
siyang makita, nagiba agad tingin ko. Pero hindi ko nalang pinansin, kasi alam ko naman
na magmumukha lang akong tanga at masasaktan ako, sino nga ba ako? Wala naman pdeng ipagmayabang
sakin eh.
Hindi tumagal at naging close na rin kami, Mas nahulog ang loob ko sakanya. Pero hindi pde,
meron akong girlfriend. Ayaw ko magloko, ayaw ko siyang masaktan. Mahal ko din naman siya. Pero ano na magagawa ko? Puso ko na ang nagsabi, mas mahal ko siya. Pero wala eh, Sabi rin ng Utak ko na wala rin akong pagasa. Pinabayaan ko na lang.
Hindi ko na pinansin ang nararamdaman ko, Hinayaan ko na lang to. Mas binigyan pansin ko
nalang yung girlfriend ko ngayon, minsan nga iniisip ko na si Mae yun.
After a couple of months, naging mas close kami and naging mag Bestfriend na kami. Medyo masaya ako, pero ang sakit parin. Kasi ano nga ba ako sa buhay niya? Di hamak na Bestfriend lang. Pero ayos na yun. Kahit papaano, importante ako sa buhay niya.
Naging malabo na rin ang relasyon namin ng Girlfriend ko, lagi nalang nagaaway. Mas humigit
pa yung mga oras na nagaaway kami kesa sa masaya kami. Kaya wala na, Bumitaw na ako. Kahit labag sa loob ko bilang isang lalaki dahil ako yung nanligaw, ako yung nakipagbreak. Mahal ko talaga kasi yung bestfriend ko eh. Mahalnamahal.
Isang araw, nakita ko may kasama ang Bestfriend ko. May kasama ang babaeng mahal ko. Grabe, Ang sakit. Selos ako. Nadurog ako. At alam niyo kung ano nalaman ko? Boyfriend niya pala yun. Sobrang sakit, Naiyak ako. Nawala ako sa sarili ko. Parang gusto ko ng mamatay, gusto ko ng mawala. Parang nahulog pababa sa pinaka mataas na building, una ang ulo, nasagasaan ng truck, at pinag pyestahan ng mga langgam. At sa kasawiang palad, Buhay pa ako. Yung Bestfriend ko, Yung bestfriend ko na lihim kong minamahal, Yung bestfriend ko na laging nagpapasaya sakin, Yung bestfriend ko na laging nasa tabi ko, Yung bestfriend ko na ang kakampi ko sa buhay, Yung bestfriend ko na pumoprotekta sakin,
May iba palang mahal......