Oo, may mahal ng iba ang bestfriend ko. Saklap noh? Pinaglaban ko siya, halos niloko ko na
ang girlfriend ko dahil sakanya, naghintay ako, umasa ako, nangarap ako. Lahat napunta sa
wala.
Ewan ko ba, pero parang wala na akong lakas. Ayaw ko na magpatuloy sa buhay, Pero hindi parin ako sumuko. Naghintay parin ako kahit masakit na. Umasa parin ako kahit alam kong imposible.
Kasama ko sila nung isang araw, anniversary ng school namin. Sweet nila, Grabe. Di ko alam
kung paano ko nagagawang magpanggap na masaya kahit deep inside, sobrang sakit na. Ang
saya - saya nila. Makikigulo pa ba ako? Hahayaan ko nalang ang Bestfriend ko sakanya, Masaya naman siya sakanya eh.
Yun ang akala ko, Pero dumating sa point na sobrang nasasaktan na yung Bestfriend ko. Ito naman ako, to the rescue. Kinausap ko agad yung lalaki..
" Ano ba talaga problema mo tol? " Sabi ko.
" Ano bang pinagsasabi mo? " Sagot niya sakin.
" Sobra mo ng nasasaktan Bestfriend ko, sa tingin mo matutuwa ako dun? " Sabi ko ng pagalit.
" Bakit ba lagi nalang ako? " Sagot niya ng medyo maangas.
" Dre, umaayos ayos ka. Mahal ka ng Bestfriend ko, wag mo yun sayangin. Mabait ako dre. Pero pag ako nagalit, mag tawag ka na ng kakampi mo, wala akong sinasanto. Lalo na kapag Bestfriend ko ang sinaktan niyo. Bestfriend ko yang sinasaktan mo, Mapapaaway ka ng wala sa oras. "
At yun, napagayos ko sila. Deep inside ayaw ko, pero wala ako magagawa eh. Mahal siya ng Bestfriend ko, dun siya masaya. Edi dun din ako. Lagi ko nalang sinasabihan yung lalaki na iingatan niya ang bestfriend ko.
Minsan, gusto ko sabihin sakanya. Gusto ko sabihin sakanya lahat ng nararamdaman ko, lahat ng paghihirap ko. Pero kapag sinabi ko, alam ko naman magbabago ang lahat eh. Alam ko naiiwasan niya ako, Sino nga ba naman ako? Di hamak na bestfriend lang.
" Kung alam mo lang gano kita kamahal, kung alam mo lang gano kasakit na. Kung alam mo lang kung gano katagal na akong naghihintay. Kung alam mo lang na gusto na talaga kita mayakap. Ano nga ba ang meron ako? Wala. Wala akong kwentang tao. Wala kang maipagmamayabang sakin. Napakabobo ko, Napakatanga. Oo, Bestfriend mo lang ako. Sino nga ba naman ako? Pero alam mo, Itong napakabobong, napaktangang Bestfriend mo, mahalnamahalka. At alam ko sa sarili ko, Mas liligaya ka sa piling ko. Mas mamahalin kita, Mas mararamdaman mo ang pagmamahal ko. Alam ko sa sarili ko na hindi ka na mahihirapan, Alam ko sa sarili ko na kapag naging tayo, wala kang pagsisisihan na ako ang minahal mo. "
Ok game! Sasabihin ko na! Kaya ko to! GAME GAME GAME!
Sakto nakita ko siya, Eto na. Bumilis na tibok ng puso ko.
" Oy! Illest! (Tawagan namin) " Sabi ko.
" Bakit? " Sumagot siya.
" May sasabihin ako sayo mamaya after class. " Sabi ko ng medyo kinakabahan.
" Sige sige, ano nanaman yan? " Sagot niya ng medyo curious.
" Mamaya nga dba? Excited? " Sagot ko ng pabiro.
" HAHAHA! Sige sige, mamaya ah? " Sagot niya at pumasok na siya sa classroom nila.
Ito na Nick, ito na. Kayanin mo. Tapangan mo loob mo. Malapit na mag dismissal. Bumaba na ako, at nakita ko siyang inaabangan ako.
" ILLEST! Ano yung sasabihin mo? " Sabi niya sakin.
" Kasi ano.. Wala na akong load, hindi muna ako makakagreply sayo.. " Sagot ko.
" Ah ganun ba, sige ayos lang yun. " Sagot niya at umuwi na siya.
" ANO BANG PROBLEMA MO NICK? ANDYAN NA EH! LIBRENG LIBRE NA! ANDYAN NA YUNG PAGKAKATAON, NAGPAKATORPE KA! NAPAKADUWAG MO TALAGA! BAKIT KA BA GANYAN? LAGI MO PINAPALAGPAS ANG MGA PAGKAKATAON NA MINSAN LANG DUMATING. MAGISING KA NA NGA! MATUTO KA NA! " Sabi ko sa sarili ko.