Part 4: Bakit? Bakit ganito?

1K 5 2
                                    

Ang hirap talaga. Nadurog ang buong mundo ko. Di na ako makatayo sa kinauupuan ko. Wala na akong lakas. Wala na. Naiiyak nalang talaga ako. Hanggang iyak nalang ang nagagawa ko.

Nakita ko sila Ella at Mae hinahanap ako. Di ko alam ang gagawin ako, Di nalang ako nag react. Narinig ko sumigaw ang Bestfriend ko, " NICK! "

Grabe. NICK?! Ang sakit. Hindi niya ginamit yung tawagan namin. So ganun ganun na nga lang? Mas naiyak ako, naramdaman ko may humawak sa likod ko.

Mae: Bestfriend, bat ka nagkakaganyan? Wag ka naman magbiro ng ganun oh. 

Ako: Bakit ako nagkakaganito? Mae, Manhid ka ba o sadyang nagtatangahan ka lang? Matagal na kitang mahal, hindi mo ba nararamdaman? Simula dati palang, Minahal na kita. Pero hindi ko na pinansin kasi alam kong may mahal ka ng iba at ayaw ko maging dahilan ng pagaaway nyo. Kahi-

Mae: Paano yung girlfriend mo dati..?

Ako: Wala, Halos niloko ko. Wala ako magagawa eh, Mas minahal kita kesa sakanya. Kahit hindi tayo, mas lumigaya ako dahil sayo. Grabe. Lahat ginawa ko na para sayo, Hindi mo parin napansin? Sobrang sakit na para sakin Mae, Sobrang sakit na.

Mae: Alam mo naman na may-

Ako: Oo, alam ko na may boyfriend ka na. Kaya nga hindi ko agad pinagtapat sayo eh, Ayaw ko kasi makigulo sainyo. Ayaw ko maging dahilan ng pagaaway niyo. Minsan, hinihiling ko na sana ako nalang. Sana ako na lang mahalin mo. Alam ko sa sarili ko na mas mamahalin kita. Alam ko sa sarili ko na mas liligaya ka. Bakit hindi mo ba ako magawang mahalin? Ano bang meron siya na wala ako?

Mae: Pero Bestfriend lang ang turing ko sayo..

Ako: YUN NGA EH! Napakamalas ko, Napakatanga ko. Minahal ko ang Bestfriend ko. Alam mo kung bakit? Hindi hadlang para sakin yun. Hindi ako tumigil. Minahal parin kita, Kahit alam kong wala akong pagasa. Naghintay ako, umasa ako na balang araw mamahlin mo ang isang katulad ko. Saklap noh? Nagmamahal ako sa isang taong, Kaibigan lang ang turing sakin? Bestfriend ko pa! Inisip ko kung ano mangyayari pagtapos nito, Siguro lalayuan mo ako. Hinanda ko na sarili ko, Basta ang importante, malaman mo na mula nung umpisa pa lang, minahal na kita. Ang importante, malaman mo na may tao pang nagmamahal sayo ng sobra't totoo. 

Umalis na ako. Hindi ko kinaya ang sakit. Hindi ko na rin hinintay na sumagot siya sa mga

sinabi ko kasi ayaw ko na umasa. Pero okay na rin, nasabi ko na sakanya lahat. Kuntento na ako.

Tas may biglang tumawag sakin..

Mae: Illest!

Lumingon ako.

Mae: Magiingat ka. (Sabay alis)

Medyo natouch ako dun. Medyo sumaya. Lumipas ang araw, di ko na siya nakakausap. Hindi na siya nagpaparamdam sakin, para bang tinanggal na niya ako sa buhay niya. Ano na gagawin ko? Nawala na siya, Nawala na ang Bestfriend ko. Nawala na ang Babaeng minahal ko ng sobra, Nawala na ang halos lahat sakin. Wala na.. Wala na.....

Bestfriend: Based on a true love story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon