Part 3: Ang pagtatapat.

1.2K 8 3
                                    

Bakit ba hindi niya ako magawang mahalin? Ano bang meron siya na wala ako? Mahal ko din

naman ang bestfriend ko ah, mas mahal ko pa yung bestfriend ko kesa sa minahal ko yung

girlfriend ko. Mas minahal ko pa yung Bestfriend ko kesa sa kasalakuyang Boyfriend niya.

Kaya ko naman gawin ang lahat ng makakaya ko para sakanya eh, bakit hindi ba hindi niya mapansin?

Siguro nga ganito ang buhay ko, Lagi talaga akong nasasawi. Lagi talaga akong nasasaktan.

Siguro wag na ako magmahal, siguro mabubuhay nalang ako ng single. Kakayanin ko naman siguro. Pero di talaga eh, Mahal ko talaga siya. Mahalnamahal. Mas liligaya ako kapag kasama ko siya. Mas liligaya ako kapag mahal niya ako, Mas liligaya ako kapag alam kong akin siya, at ako sakanya.

Birthday ko na, Di ko na inaasahan na magiging masaya to. Ang inisip ko nalang, makakasama

ko bestfriend ko ngayon. Magiging masaya na ako dun. Makita ko lang siya, Makita ko lang

ang mga magagandang niyang ngiti, kahit hindi ako ang dahilan, buo na ang araw ko. Pero

masaya din naman ang birthday ko, Umagang umaga palang nakita ko na agad bestfriend ko.

Hooray! :"> Hahahaha. Yun na ang pinakamagandang Birthday gift na natanggap ko. :">

Hindi ko ba alam, pero pag nakikita ko talaga siya, sumasaya na ako, bumibilis tibok ng puso

ko. Hay, Inlove na inlove na talaga ako sakanya.

Birthday party ko, kasama ko ulit siya. Medyo may nangyaring masama sakin, pero kinaya ko. 

kasi nandyan siya sa tabi ko. Kinausap ko ang aking munting kaibigan, parang bestfriend na rin

na si Ella. Pero bago yun, may tinanong siya sakin.

Ella: Inlove ka na sakanya noh?

Ako: Pano mo napansin?

Ella: Halata eh.

Ako: Oo, matagal na akong inlove sakanya. Gusto ko ng sabihin kaso natatakot ako kasi baka

mawala siya sakin.

Ella: Kaya mo yan, andito lang ako para sayo.

Ako: Salamat Ella.

Di tumagal, Umuwi na sila. Mas naunang umuwi ang Bestfriend ko. Hinanap ko pa nga siya eh,

Kaso paglabas ko paalis na siya. Hayyy. Sayang naman, gusto ko pa naman siya makasama.

Tulad ng sabi ko kanina, may masamang nangyari sakin. Di ko na sasabihin. Ayun, Umuwi na sila. Pero nagstay sila Ella. Sinamahan nila ako sa bahay ng Bestfriend ko.

Ella: San ka pupunta?

Ako: Kela Mae, ipagtatapat ko na. 

Kahit sobrang hina ko, kahit wala akong lakas, pinilit kong pumunta sakanila para ipagtapat

ang nararamdaman ko.

Tinext ko siya...

" Illest, Labas ka naman. May sasabihin lang ako. "

Lumabas siya, nandun kami sa may playground..

Ako: Naalala mo ba ung time na may nagbigay sayo ng letter? Yung nakalagay na ikaw ang prinsesa niya sa buhay? Yung inakala mong Secret admirer? Ako yun Illest, Ako yun. Matagal na kitang minamahal.

Mae: Matagal ko ng nahahalata..

Yun lang ang sagot niya sakin. Naglakad ako palayo, papunta kela Ella. Nung malapit na ako

sakanila, napaupo ako sa damuhan. Umiyak ako, ng sobra sobra. Sobrang sakit.

Tinanong ako ni Ella kung anong nangyari sakin,

Ako: Wala siyang pake Ella, WALA SIYANG PAKE! 

Patuloy parin ako sa pagiyak, hanggang sa lumapit siya.

Mae: Hoy, Tumayo ka nga dyan!

Bigla akong tumakbo palayo, kahit nanghihina ako tumakbo ako palayo sakanila. Gusto ko umiyak. Gusto ko mapagisa. Ayaw ko na. Gusto kong mamahinga. Sobrang sakit na. Di ko na inakala na ganun ang mangyayari.

Napaupo nalang ako sa isang tabi, Iyak ako ng iyak, Tulala. Iniisip kung mawawala siya sakin,

Iniisip kung kakayanin ko na mawala siya. Nasabi ko sa sarili ko..

Ako: Ito na bang katapusan ng Friendship niyo Nick? Ito na ba ang gusto mo? Nasabi mo na.

Nasabi mo na nag matagal mo ng nararamdaman. Magiging masaya ka ba, kasi ngayon na alam niya na? O magiging malungkot ka dahil kahit alam niya na mahal mo siya, eh iba naman ang mahal niya? Kakayanin mo ba kung lalayuan ka niya? Dapat inisip mo muna bago mo to ginawa.....

.

.

.

.

Okay lang, Kahit sobrang sakit, kahit sobrang hirap. Titiisin ko. Ganito din naman dati eh,

Sobrang sakit din. Mas sumakit lang ngayon. Titiisin ko. Basta ang importante, Alam niya na

mahalnamahalkosiya.

Bestfriend: Based on a true love story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon