Nasa isang book store ako ngayon. Nagtitingin-tingin lang ng books at kung may magustuhan man edi bibilhin na din. Ang tagal naman kasi ni Alice dumating. Kanina pa ako naghihintay sakanya. Kumain na nga din ako ng lunch kakahintay sakanya. Filipino time nga naman.
Sa paghahanap-hanap ko may isang book na nakakuha ng atensyon ko. Game of thrones. Nakakacurious naman ang isang to. Medyo makapal din. Ang daming pages nito. Naku sigurado ako kapag binili ko to.. matatagalan ako bago matapos ang 10 chapters ng librong to.
"Mahilig ka din sa libro?" Napatingin ako sa nagsalita at para bang tumalbog na naman ang puso ko sa tuwa. Iisang tao lang ang nakakapagpatalbog ng puso ko ng ganito.
"G-glaiza?"
She smiled. Ano ba naman yan Faith. Umayos ka nga. Nauutal ka na naman eh.
"Nagulat ba kita?" She asked. Bakit ba ang nice, nice nya? Sobra.. yung tipong madadala ka nalang din sa ngiti nya at pananalita nya. My gosh. "Relax. Ako lang to." Hinawakan nya ako sa magkabilang braso ko. Halooo. Lalo akong hindi mapakali. Ano ba naman yan Faith.
"E-hehe. A-anong ginagawa mo dito?" I asked her.
"Napadaan lang. Hmm. Actually, nakita kasi kita. Akala ko namamalik-mata lang ako. Hindi pala. Ikaw talaga yan Faye." Hala. Natatandaan nya pa ako. Parang isang gabi lang kami nagkausap dalawa tapos saglit lang dahil busy sya at kailangan na naming umalis ni Alice nun eh. "Maganda yan."
"H-ha?"
"Sabi ko.. yung libro na hawak mo. Maganda yan. You must read that one. I promise. It's the best story."
"T-talaga?"
"Yeah. Tara.. samahan na kita sa counter to pay that book. Ako ng magbabayad." Hinawakan nya ako sa kamay at hinila papuntang counter. Shocks. Hindi pa nga ako nakakarecover sa paghawak nya sakin sa braso ngayon naman sa kamay. Luh. Para na akong nasa cloud 9 eh. Pwede bang wag nalang matapos ang araw na to? Ang saya ko kaya ngayon. Kasama ko sya. Para lang akong nananaginip ng gising ngayon. At kung nananaginip man ako please don't wake me up. Gusto ko pa syang makasama.
After namin bayaran yung book...
"S-salamat dito. Sa susunod ako naman ang manlilibre."
Ngumiti sya. "No worries Faye. You are my friend now."
"Teka.. tama ba rinig ko? Friend? Tayo friend na?"
She nodded. "Ofcourse. Ayaw mo ba?"
"Hindi ah. Choosy pa ba ako sayo? From Fan to Friend. Malaking bagay na sakin yun, Crush...." natakip ako ng bibig ko. Hala. Natawag ko syang crush eh. Kinikilig ako teka lang. Haha.
"Haha. Okay lang kung tawagin mo akong ganun. Sanay na ako." Napahawak pa sya sa batok nya. Teka lang ha.. ako lang ba o ang hot nya sa ganun? Oh Faith. Iba na yan ha. "Anyways.. I have to go. May pupuntahan pa ako. See you around,Faith. Ingat ka."
The nagbeso sya sakin. "Ikaw din. Mag-iingat ka."
Pinanuod ko lang sya habang palabas sya ng mall. May pahawak kamay na nga tapos may pabeso pa si Super Crush. Ano Faith? Buhay ka pa ba? Ano? Sagot? Nababaliw na ata ako. Nababaliw na sakanya. Hays Galurs.
//
"WAAAAAAH. ALICE, HINDI KA MANINIWALA SA SASABIHIN KO." Sigaw ko pagkapasok namin ng bahay nila.
"Na ano? Nagkita kayong dalawa ni Glaiza? Sows. Alam ko na yan."
Napatigil ako sa pagdi-daydream ko at tinignan sya. "Paano mo nalaman?"
"Eh nagkakaganyan ka lang naman kapag sya na ang pinag-uusapan. Tsaka nakita ko sya kanina sa mall. So naisip ko na baka nagkita kayong dalawa. Iba na din tama mo talaga dyan kay Glaiza no?"
Tumabi ako sakanya at yumakap sa braso nya. "Eh friend. Support ka nalang. Sakanya lang ako nagkakaganto no. Alam mo naman yan diba."
"Halata nga Faith Marie. Kaloka ka."
Nakakapanibago din naman kasi ako. Kahit ako naloloka na din sa sarili ko eh. Pero anong magagawa ko? I like her. I adore her. I think I......love her. Totoo, mahal ko sya at wala namang masama doon. Hinahangaan ko sya."Alis na ako. Inaaway mo naman kasi ako eh." Kunwaring pagtatampo kay Alice.
"K. Ingat ka dyan fangirl." Wow may bago na akong name ngayon. Fangirl na. Haha. "Anyway, may pinapasabi pala sya kanina."
Mabilis pa sa ninja moves ni Galurs na bumalik ako sa pagkakaupo at tumabi kay Alice. Para akong nakarinig ng bonus sa trabaho sa sobrang excited kong malaman ang sinabi nya.
"Ano yun?" Tanong ko sakanya.
"Yan.. kumikinang na naman yang mata mo. Pinapasabi nya na pumunta ka daw bukas sa Resto-bar ni Empoy. May gig daw sya doon."
"Di nga? Sinabi nya talaga yun?"
"Tignan mo ang isang to. Kakasabi lang eh. Oo nga. Nakalimutan nya daw kasing sabihin sayo kanina dahil nagmamadali na sya."
"Samahan mo ako ha. Baka kasi hindi ko kayanin mag-isa. Haha. Dala ka na din ng mga 10 oxygen. Baka kailanganin ko. Haha." I joked. Pero seryoso.. baka hindi ko kayanin mag-isa pag ganun. Ininvite ako ni crush sa gig nya. Friend na nga kami talaga. Hala.
"Umuwi ka na nga Faye. Umuwi ka ha. Baka mamaya sugurin mo na si Glaiza sa bahay nun. Naku. Iba na talaga iisipin ko sayo."
"Wala pa naman sa plano ko yan Alice. But soon. Hehe." Tumayo ako at lalabas na ng bahay nila. "Samahan mo ako ha."
"Oo na. May choice pa ba ako? Sige na Faith Marie. Umuwi ka na."
"Byie Alice. Love you friend."
"Tse."
Ang sweet naman ng kaibigan ko. Haha.
Umuwi ako sa bahay ng may ngiti sa labi at parang lumulutang sa tuwa. Napakasaya ng araw na to for me. Walang pwedeng makasira nito kasi... si Galura friend ko na ngayon. Ayiiieh. Kinikilig ako swear. Kahit ako naguguluhan na rin sa sarili ko. Haha.
BINABASA MO ANG
Last Night With My Super Crush
FanfictionA short story for my Super Crushes Glaiza De Castro and Dj Faye 😊