Days? Weeks? Months? Gaano na ba katagal simula ng umalis sya? Nung iwan nya ako? Ang tagal na din pero hanggang ngayon naaalala ko pa ang lahat ng sinabi nya sakin. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na isang araw magigising akong nasa tabi ko na sya ulit at ngingiti sakin at kakantahan ako ng paborito kong kanta.
Her voice is my favorite sound. Namimis ko na sya. Namimis na kita Glaiza. Please comeback to me now. Tatanggapin pa din kita no matter what. I still want you. I still love you. Please.. bumalik ka na.
Sa mga panahon na nangungulila ako sakanya. Si Alice ang madalas kong nakakasama at nakakausap. Lagi naman. Hindi na nakakapanibago. Minsan nga gusto na nya akong tuktukan dahil sa tigas ng ulo ko daw. But she ended up hugging me. No choice sya. Nasasaktan ang kaibigan eh.
Si Jason din. Hindi na sya tumigil sa pagpunta samin at sumama sa mga lakad namin ni Alice. Talagang seryoso sya sa sinabi nyang maghihintay sya sakin hanggang sa makalimutan ko si Glaiza.
Pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Mahal ko sya at hindi ko magagawang kalimutan nalang sya ng ganun.
//
"Faithy, wait lang ha. May kukunin lang ako sa kotse. Mauna ka na sa loob." Si Jason.
Nandito kami ngayon sa Resto-bar nila Aless at Empoy. Kasama din namin si Alice pero nauna na sya sa loob. Excited eh. Lagi kaming nandito. Minsan nakikibalita kila Felix kung tumawag na ba si Glaiza sakanila. Pero hindi pa daw. Wala pa ring paramdam hanggang ngayon.
"Uy Faith. Manunuod ka ulit?" I nodded. Si Dominic yung sumalubong sakin. "Baka umiyak ka na naman ha?"
"Hahaha. Sira. Hindi na noh. Kaya ko ng kontrolin yung feelings ko." I tap his shoulder.
"Just make sure. Haha. Ayaw ko pa naman ng may babaeng umiiyak."
"Aw. Kyut mo Dom. Don't worry sasabihin ko yan kay Leigh. Para sagutin ka na nya. Haha."
"Hala Faith.. huwag. Nakakahiya."
Napasmile ako. Ang torpe talaga ng isang to. Magkaiba talaga sila ni Felix eh. Si Felix kasi malakas ang loob na sabihin yung nararamdaman nya.
"Okay fine. Pero huwag mong sasaktan yung kaibigan ko na yun ha."
"Oo naman Faithy. No worries."
//
After ng unang set nila Felix. Umupo muna sila sa table namin para makibonding saglit habang inaayos pa ang second set. Sa second set ata kasama nila si Jason na kakanta. Yes, kumakanta sya minsan kasama sila Felix. Napapayag nilang kumanta si Jason kahit matagal na nya tong tinigil. Pero mabuti na yung binalik nya yung bagay na talagang nakakapagpasaya sakanya.
"Hintayin mo yung next song ha. Para sayo yun." Bulong sakin ni Jason.
Ngumiti ako at napatingin kay Aless na nakatingin lang din samin kanina pa. Medyo nakakailang ang tingin nya sakin. Hindi naman sya ganyan dati nung nandito pa si Glaiza eh. Ewan ko ba. Parang hindi na nya ako trip ngayon. Biglang may nag-iba.
"You okay Faith?" Bumalik ako sa ulirat ng marinig kong magsalita si Jason ulit.
"Yeah. I'm okay. Sorry. May naalala lang ako."
Ngumiti sya. "Okay. Sa stage na kami ha. Pakinggan mo ako." He kissed me on my forehead at sumunod na sya kila Felix.
"Goodevening everyone." Intro ni Jason. Marami na din syang fans dito since nung unang gabing kumanta sya. Naghiyawan yung mga babaeng customer nila. "Itong song na to. Para ito sa babaeng special sa buhay ko." Napa-iwas ako ng tingin sakanya. "Sana... maramdaman nya din ako. Sana maging akin na sya."
I closed my eyes. Bakit ba ganyan ka Jase? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo? Ang gulo eh!
Narinig ko na yung pagkanta nya. Kinakanta na nya ngayon ang Be my lady. Naririnig ko yung iba na malapit samin na sumasabay sa pagkanta.
"Gusto mo sya?"
Gulat akong napalingon sa gilid ko. Si Aless.
"Ano yun?"
"Sabi ko.. gusto mo ba sya?" Bakit parang ang seryoso ng mukha nya? "Faye, I'm asking you. Do you like him?"
"Why?"
"Just answer my question Faye."
"He's my friend." I answered. Pero sa tingin ko hindi sya kuntento sa sagot ko. "Aless, may problema ba tayo?"
"Wala naman Faye. Gusto ko lang kasi malaman kung bakit talagang umalis si Galura dito."
"Dahil kay Sos?"
Yun naman talaga diba?
"I don't think so."
Sabi ni Aless bago umalis sa table namin at lumabas ng bar. Teka.. pati ba naman daw sya iiwanan ako ng may tanong sa isip ko? Ano bang nangyayari? Bakit hindi sya naniniwala sakin na si Sos talaga ang dahilan? Ano bang problema nya sakin? Si Glaiz ang nang-iwan at hindi ako. Sya ang umalis hindi ako. Bakit parang sakin pa galit si Aless? Sabagay. Kaibigan nya yun eh!
//
"Hello? Glaiza? Shocks!! Nasaan ka? Yeah.. yeah.. nasa restroom ako ngayon. Oo walang ibang tao. Si Faith? Nasa labas sya."
Glaiza? Teka.. familiar sakin ang boses na yun. Si Aless. Nandito ngayon sa isang cubicle ng restroom. Hindi nya ako napansin kanina na pumasok dito.
"Oo. Nasaan ka? La Union? Umuwi ka sa inyo? Bakit? Hindi ka nagpapaalam sakin. Calm down? Glaiza naman! Kung may problema ka sana sinabihan mo ako agad."
Kausap na nya si Glaiza at kung hindi ako nagkakamali nasa La Union sya ngayon. Nagkaroon ako ng pag-asang makikita ko ulit sya. Napangiti ako bigla. May chance pa. Nanatili lang ako sa pwesto ko. Gusto ko pang marinig silang mag-usap.
"Magsabi ka nga sakin ng totoo? Si Sos ba talaga ang nakakausap mo noon? Gaaad Galura. Wag ako! Alam kong kadarating lang nila ngayon dito sa pilipinas. Nagkita kaming dalawa at sinabi nyang hindi pa kayo nagkakausap ulit. Then sino nga? Alright. Dyan na tayo mag-usap. Pupunta ako bukas na bukas din. Oo walang makakaalam. Sige na. Magpahinga ka na. Bye."
Lumabas ako sa cubicle ng marinig kong nagsara na yung pinto. Tama ba ang rinig ko? Hindi si Sos ang nakakausap nya? Pero yun ang sinabi nya sakin. Si Sos ang dahilan kung bakit sya aalis. Bakit? Bakit kailangan nyang magsinungaling na naman? Ano ba ang totoo sa mga sinabi nya sakin noon? Ano ba? May totoo ba talaga doon?
BINABASA MO ANG
Last Night With My Super Crush
ФанфикA short story for my Super Crushes Glaiza De Castro and Dj Faye 😊