Glaiza's POV
Habang kausap ko si Faith kanina sa phone.. sobrang saya ko. Gumaan ang nararamdaman ko. Gumaan yung bigat na dala-dala ko.
Makita ko lang sya ng malayuan masaya na ako. Kuntento na ako doon. Masilayan ko lang sya nagiging okay na ang lahat.
Halos isang linggo na din akong umalis para puntahan si Sos at sobrang namimiss ko na si Faith. Gustong-gusto ko syang lapitan kanina para yakapin pero hindi ko magawa. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong huwag na syang iwan at huwag ng umalis.
"Galing ka na naman sakanya?"
Napatingin ako sa nagsalita. Si Kathleen. Nandito ako ngayon sakanila tumutuloy.
"Glaiza, alam mo namang kailangan ko ng tulong mo diba? Ikaw lang ang makakapg convince kay Sos na magpagamot pa at ituloy ang buhay."
You heard it right. Si Kathleen ang nagpunta sa bar at hindi si Sos. Kathleen is Sos twin sister. Hawig na hawig sila kaya hindi namalayan nila Aless na hindi si Sos ang nakausap nila. Pati kasi ang boses parehas.
May sakit si Sos at kailangan nyang magpagamot sa ibang bansa. Pero ayaw nyang umalis sa bansa ng hindi ako kasama. Aaminin ko.. nung iniwan nya ako ng walang dahilan sobra akong nasaktan. Kung kailan kasi hulog na hulog na ako sakanya saka sya mawawala. Pero nung nalaman kong ito ang dahilan.. yung may sakit sya? Parang naawa ako at nung sinabi sakin ni Kathleen ang tungkol sa pagpapagamot nya... at ayaw nyang umalis ng bansa, napaisip ako. Kahit nasaktan ako kailangan ko pa rin syang tulungan. Kaibigan ko pa din sya.
"Puntahan mo sya sa kwarto nya. Hinihintay ka nya kanina pa. And please. Wag kang magsasabi ng kahit anong tungkol kay Faith. Masasaktan ang kapatid ko."
"Bakit ba kailangan pang magpanggap Kath? Pwede ko namang syang tulungan ng hindi ako nagtatago ng lihim sakanya eh. Pwede naman yun diba?"
"Hindi mo ba narinig yung sinabi ng doctor? Hindi sya pwedeng mastress. Please Glaiza, after naman ng lahat ng ito.. matatapos na din. Magiging malaya ka na. Kayo ni Faith. Ito lang ang pakiusap ko sayo. Si Sos nalang ang meron ako at ayaw kong mawala ang kapatid ko. Ikaw ang kailangan nya."
"At si Faith ang kailangan ko. I'm sorry Kath.. willing akong tulungan si Sos pero hindi sa gantong paraan. Ayaw kong magsinungaling sakanya."
"And what's your plan now? Tell her the truth? Na meron kang ibang mahal at hindi talaga sya?"
"Totoo ba?"
Abot langit ang kaba ko ng may marinig kaming magsalita.. napatingin kami sa pinto ng kwarto and we saw Sos. Nanghihina sya.
Lumapit ako sakanya agad at inalalayan syang makaupo.
"Sos, bakit ka tumayo? Makakasama sayo ang mapagod diba?"
"Kath, I'm okay. Lalo na ngayon at nandito na si Glaiza. Thank you so much Kath for doing all of this for me."
"Basta para sa kapatid ko. Gagawin ko ang lahat.."
Nakikinig lang ako sakanilang dalawa. Kita ko sa mga mata ni Sos yung paghihirap nya dahil sa sakit. Mabait si Sos compared kay Kath na sobrang taklesa kung magsalita. Magkaibang-magkaiba sila ni Sos. Kung anong kinabait ni Sos ay syang kinamaldita ni Kath.
"Kath, pwede bang mag-usap muna kami ni Glaiza?"
Tinignan ko si Kathleen. Medyo hindi maganda ang mood nya ngayon. And I think galit na naman sya sakin.
BINABASA MO ANG
Last Night With My Super Crush
FanfictionA short story for my Super Crushes Glaiza De Castro and Dj Faye 😊