Faye's POV
"Galurs? Jase? Anong ginagawa nyo dito?"
Naabutan namin sila ni Kuya Fort sa labas ng bahay. Wala akong naaalalang usapan namin kahit sino sakanila. Ang alam ko lang talaga si Kuya Forty lang ang date ko ngayong linggo eh.
"Hindi pa ba halata Faithy? Aakyat ng ligaw yang dalawa na yan sayo. Masyado namang maganda ang bunso namin." Sagot naman ni Kuya Forty. Nauna na syang pumasok samin sa loob ng bahay. Naiwan kami sa labas. Ano bang trip ng dalawa na ito at sabay pa silang pumunta dito?
"Sila Felix pala. Pupunta din mamaya. Kasama sila Alice at Leigh." Sabi ni Glaiza. "Here. For you." Tapos may inabot sya sakin na paper bag then nung buksan ko yun. Parang naging bituin yung mata ko.
"Gummy bears? Wow. Thanks Galurs. The best ka talaga." Napayakap nalang ako bigla sakanya. Para akong bata diba? Hihi.
"Anything for you my loves."
"Naks. Thank you."
Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya. Nakita ko yung ngiti sa labi nya na talagang masaya sya. Hihi.
"Faith.. para sayo." Oh. I almost forgot. Nandito nga din pala si Jase. Bakit nawala sa isip ko. Inabot nya din sakin yung dala nyang paper bag. Tapos nung buksan ko. Gummy bears din. "Naunahan lang ako magbigay. Hehe. Pero okay lang kung..."
"No. Tatanggapin nya yan Jason." Kinuha ni Glaiza yung paper bag at inabot sakin. "Kainin mo lahat yang dala namin ha. Naku ka. Hindi na mauulit yan pag hindi mo inubos yan."
"Tama sya Faith. Hindi ka na makakaulit samin. Haha."
Ayan. Napagkaisahan na nila akong dalawa. Haha. Pero nakakatuwa silang tignan. Hindi sila nagtatalo.
"Kayong tatlo. Dyan lang ba kayo? Isasara ko na tong pinto?" Usal ni Kuya Forty. Nakapamaywang pa nga sya. Haha. Daig pa babae eh. Haha
"Papasok na din kami Kuya. Sandali lang kasi."
"Dito kasi sa loob manligaw. Wag dyan sa labas."sagot nya pa. Pasaway talaga ang Kuya ko.
"Walang nanliligaw sakin!!" Sigaw ko. Di ko alam kung narinig nya pa. Nakapasok na sya sa loob eh.
"Walang nanliligaw. Pero may minamahal na right?" Bulong sakin ni Galurs.
"May nagmamay-ari na ng puso ko." Sagot ko sakanya. Napangiti ako ng magtama ang mata namin. Shocks. Kinikilig na naman ako. Hihihi. Yung tinginan at ngitian ni Galurs eh. Iba talaga. Haha. Nakakakilig.
"Sino?" Tanong nya pa.
"Faith Marie Joy. Balak nyo ba dyang magpapapak sa lamok?" Sasagot pa sana ako kasi si Kuya panira ng moment. Haha.
"Papasok na po. Tara na nga guys. Baka maghimotok doon si Kuya sa loob."
//
General's POV
"Jase, naaalala mo pa ba yung kinanta mo noon para kay Faithy?" Tanong ni Alice.
Nasa garden sila ngayon at naglatag ng sapin ang magkakaibigan.
"Ay naaalala ko yun. Haha. Ang kyut mo dun Jason. Swear. Kilig na kilig sayo si Faithy nun eh." Sabat naman ni Leigh.
"Kumakanta ka pre?" Tumango si Jason sa tanong ni Dominic. "Mahilig ka sa kumakanta no Faith? Pansin ko lang naman. Haha."
"Ay naku. Sinabi mo pa." Gatong naman ni Alice. "Pero teka. Wag nyong ilayo kay Jase ang usapan. C'mon dude. Sing foe us.. or for Faith?" Makahulugang sambit ni Alice.
"Beshie!!" Saway naman sakanya ni Faith.
"Joke. Haha. Sige na Jase."
"Fine. Pero konti lang ha."
"Yes." "Amaziiing!" Pumapalakpak pang sabi ni Alice at Leigh.
Sinimulan ni Jason na i-strums ang guitar na inabot ni Dominic sakanya. Na gitara pa ni Glaiza.
Jason:
🎵Para bang isang kanta
Na di matapos tapos
Di mahuli ang melodiyaBawat letra ay kapos
Mabagal ang bawat galaw
Walang kagana-gana
Ang mga diskarte ay hilaw
Palpak lahat walang tumamaHabang kumakanta si Jason ay napapatingin si Glaiza kay Faith. Tahimik lang itong nakikinig sakanya. Napangiti sya dahil kita nyang walang kahit na anong emosyon ang makikita sa mukha ni Faith.
Habang sila Alice at Leigh naman ay nakasandal na sa isa't-isa at ineenjoy ang pagkanta ni Jason.
"Uy, magaling din sya ha." Puri ni Dominic.
"Kinanta nya kay Faith yan?" Bulong naman ni Felix sa katabi nyang si Alice. Tumango lang si Alice bilang sagot nya. "Infairness. Ang galing nga nya."
"Tumpak. Nung hindi pa nakikilala ni Faith si Galurs.. si Jase ang paborito nyang singer. Hehe." Pagbibida ni Alice.
"Huy Alice.. wag mong ilaglag si Faith. Haha."
"Sus, wala na nga sakanya yan diba. Haha. No worries friend."
Ang buhay ko'y sablay
Pag di ka naka-alalay
Pero pag nandito ka
Lahat nag-iiba
Araw ay gumagandaSa piling mo ang kalahati ay buo
Lumalaki ang kapiraso
Gumagaan ang mabigat
Dumadali kahit mahirap
Ang kulang ay napupuno
Lumilinaw kahit na malabo
Kumpleto sakto mismo ang pag-ibig mo, ooAng sarap sarap ng feeling
Sa piling mo ay nasa akin ang lahat
Lahat Lahaaat
Lahat Lahat LahaaatPara bang pelikula
Punong-puno ng drama
Sobrang boring ng eksena
Kapag hindi kita kasama
Ang buhay ko'y bitin
Pag hindi kita kapiling
Pero pag nandito ka
Lahat nag-iiba
Araw ay gumagandaSa piling mo ang kalahati ay buo
Lumalaki ang kapiraso
Gumagaan ang mabigat
Dumadali kahit mahirap
Ang kulang ay napupuno
Lumilinaw kahit na malabo
Kumpleto sakto mismo ang pag-ibig mo🎵At sa huling stanza ng kanta.. pumikit si Jason bago istrums ang gitara.
"Yezz. Ang gwapo mo dun Jase. Haha. Aminin mo Leigh diba?" Pumapalakpak na papuri ni Alice.
"Bakit ako tinatanong mo? Kay Faith mo kaya yan tanungin. Haha."
Tumingin si Alice sa kaibigan nya at saktong nakita nya itong nakatingin sakanya and Faith rolled her eyes.
"Wag ako Alice ha." Sambit ni Faith.
"Eto naman. Wala pa nga. Depensa agad besh? Haha."
"Wait lang guys ha." Tumayo si Faith. "Samahan mo ako Galurs sa loob. Kuha tayong makakain."
Tumayo din si Glaiza at hinawakan sya sa kamay ni Faith.
"Kailangan magkahawak kamay? Ganern?" Mapang-intrigang tanong ni Alice.
"Tse. Inggit ka lang. Pawahak ka din ng kamay dyan kay Felix oh. Haha."
"Ah ganyanan tayo Faith? Gusto mo ba laglagan tayo?"
"Sus! Alam na ng lahat hindi mo na kailangan sabihin. Haha." Sabat naman ni Leigh.
"Amaziiiiing!! Haha." Natatawang sambit ni Alice.
Hindi na sila pinansin ni Faith. Pumasok na sila sa loob para kumuha pa ng makakain nila sa labas.
Pinagmasdan lang ni Jason na pumasok ang dalawa.
"Okay ka lang Jase?" Tanong ni Alice.
"Yeah. I'm fine. No worries, Alice."
"Good Jase."
Ngumiti si Jason at muling nilingon ang pinto papasok sa loob ng bahay nila Faith at saktong palabas na ulit sila Glaiza at Faith doon na nagtatawanan at masayang tignan.
//
BINABASA MO ANG
Last Night With My Super Crush
FanficA short story for my Super Crushes Glaiza De Castro and Dj Faye 😊