IX.

509 60 7
                                    

IX.

It's been days since Adrian learned about the truth. At nitong mga nakaraang araw ay walang palyang araw-araw siyang nakaririnig ng sigawan. Araw-araw mas lumalakas. Araw-araw mas lumalala. Araw-araw mas lalo niyang nararamdamang nag-iisa siya. He feel so alone. Maybe if he goes in a crowded place he will still feel alone. Kahit na pumasok pa siya sa iba't ibang bars at clubs na madalas niyang pinagtatambayan ay hindi na nawawala ang pakiramdam na nag-iisa siya. It's killing him. His demons were already haunting him. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya at hindi niya na alam kung papaano ilalabas ang mga iyon. Kung mananatili lang iyon sa loob niya ay hindi niya na alam ang mangyayari sa kanya... he might explode like a bomb.

Nakakulong lamang siya sa kwarto niya. Buong araw nakahiga. Buong araw nakikinig sa sigawan na ang pangalan niya ang bumibida. Wala siyang magawa kundi pakinggan kahit rinding-rindi na siya.

Napalingon siya sa study table niya at nakita ang isang pamilyar na papel. Kinuha niya ito at binasa,

"I don't know what you are going through but Adrian, be strong—be brave. Just think of me if you feel alone, I'm with you. Always. We are not that close but please keep this in mind." This one is from Gaia, the flat-chested monster. He still remembers.

Bahagya namang napatawa si Adrian dahil sa naisip niya. Gaia never failed to cause his laughter. She could be his personal clown. Though Adrian always yell at her, honestly, he enjoys her company. Kahit sa sandaling iyon, nararamdaman niyang hindi siya mag-isa. And Gaia's words... those always hit him! He doesn't know why but even she's talking harshly he still likes to listen. Her sermons were comforting. He knows they were somehow connected. Pakiramdam niya ay naiintindihan siya ng dalaga.

Mabilis din nitong napapagaan ang mood niya. See? Tulad ngayon. Now, he's dying to see Gaia's glaring face.

Adrian gets up from his bed and pulled a jacket from his closet. Dinampot niya rin ang cellphone niya bago lumabas ng kwarto niya. Sinalubong naman siya ng malalakas na sigawan mula sa kusina nila.

"Bakit ka ba ganyan, Arturo!? Adrian is my son, our son!"

Well, that's always their topic. He's your son, he's still your child, he's maybe a rebel, but he's still good. Puro ganoon na lamang, nakakasawa nang pakinggan. Hindi niya na lamang pinapansin.

Lumabas na ng kanilang bahay si Adrian at naghintay ng taxi na dadaan. Wala siyang kotse ngayon, his Dad has his keys right now. Hindi niya alam kung mababawi niya pa iyon sa sitwasyon niya pero wala naman na siyang pakialam doon ngayon. Wala na siyang paki sa mga materyal na bagay na ibinigay sa kanya ng tatay niyang iyon. Wait, should he stop calling him Dad now?

Sumakay na ng taxi si Adrian at pinadiretso ito sa apartment ni Gaia. Hindi niya alam kung bakit siya pupunta sa apartment ng dalaga. Hindi pa naman sila ganoon ka-okay. Siguro para mameste? Yeah, right, pepestehin niya ang dalaga.

Nang makarating siya sa apartment ng dalaga ay tuloy-tuloy siyang naglakad at hinanap ang pamilyar na pinto ng dalaga. When he finally found it, walang katok-katok siyang pumasok. It's not locked anyway, how careless for that girl. Hindi niya nakita si Gaia sa loob pero nakita niyang madaming nakakalat na mga papel sa sala kaya halatang may ginagawa ang dalaga rito kani-kanina lang. Maybe she's in the comfort room now.

Napakunot ang noo ni Adrian sa una niyang nakitang papel sa sahig. Isa itong sketch ng mukha ng isang lalaki, isang pangit na lalaki. Tinignan niya pa ang ibang sketches na nagkalat at halos ganoon lahat. Puro pangit! Wala bang talent iyong babaeng 'yon sa arts?

Napaupo na lamang siya sa couch ngunit muli ring napatayo nang makita niya ang isang sketch sa ibabaw ng lamesa. Naiiba ito sa mga nakakalat na papel. This one is drawn carefully and passionately. Every detail is just so perfect, very accurate…

It was him. Gaia turned him into a perfect artwork.

***

Living DystopiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon