XVII.

386 37 0
                                    

XVII.

Cars are passing so slow for Gaia, seems like the speed of their car is in most deliberate way. That happens when she's anticipating for something and she couldn't even able to hide her excitement because of that. Maya't maya ay napapasulyap siya kay Adrian na ngayo'y marahang nagmamaneho, ingat na ingat na animo'y may mangyayaring masama sa kaunting pagpihit niya ng mas mabilis dito.

Madalas nagnanakaw ng tingin si Gaia kay Adrian at sa panghuling sulyap nito sa kanya ay nagpang-abot na ang paningin nilang dalawa. Kung sa animé sana ay may spark nang lumitaw. But because it is not a movie that made by imagination, it simply sends meaningful thumps in their very own hearts

Nag-iwas siya ng tingin at muling bumaling sa nagdaraanang sasakyan sa labas ng bintana. The place is crowded and it suffocates her. Isinara niya agad ang bintana at binuhay ang aircon. Kung dati rati'y mas gusto niyang nilalanghap ang sariwang hangin, ngayon ay hindi na. Hinilot niya ang kanyang sentido bago pumikit at sumandal sa head rest ng sasakyan.

Adrian on the other hand secretly smiled while staring Gaia's face on the mirror. He's fair and she's tan. They looked so perfect and it's making him smile even more.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na sila sa destinasyon nila. Gaia has no idea about it but for Adrian, he prepared a lot since God-know-when. Taliwas sa inasal niya kanina, dahan-dahan niyang inalalayan si Gaia palabas ng pintuan ng kotse. At sa pagkakadikit ng kanilang mga kamay ay pareho silang nakaramdam ng kakaibang kuryenteng dumaloy mula rito. Agad silang napabitaw sa isa't isa.

Gaia looked around. Nasa isang simbahan sila na matagal nang 'di ginagamit. Nangunot ang kanyang noo habang iniisip kung ano ang gagawin nila rito.

"B-bakit..." Luminga-linga siya sa paligid, sinusubukang tignan kung may maganda bang parte rito na siyang gustong ipakita ni Adrian. "Dito mo ako dinala?"

Adrian just shrugged his shoulders while getting something on his pocket. Nang ilabas niya ito ay napataas-kilay si Gaia.

"Handkerchief?" Nagtataka niyang tanong.

"Blindfold." Kinindatan siya ni Adrian bago ito lumapit sa kanya at tinakpan ang mga mata niya. Pagkatapos nitong maitali ang panyo ay marahan siyang itinulak.

Walang alam si Gaia rito at wala rin siyang kasiguruhan kung magugustuhan niya ang makikita niya ngunit isa lang ang sigurado siya. Adrian is good, and trusting him is the best thing to do right now.

Nang naramdaman niyang tumigil na si Adrian sa pagtulak sa kanya ay napakagat-labi siya. She's nervous and excited at the same time, especially when the handkerchief slowly untied by Adrian.

"I hope you will like it."

Kasabay ng pagtanggal ng piring sa kanyang mga mata ay ang pagbungad ng isang napakagandang imahe sa kanyang harapan. Napanga-nga siya. She ran out of words. Napuno siya ng iba't ibang emosyong hindi niya mapangalanan. Natutop niya ang sariling bibig upang mapigilang kumawala ang isang impit na hikbi.

She's on the verge of sobbing when she felt warm hands encircled on her waist. Adrian embraced her from behind that made her feel more comfortable. His warm chest slightly brushed against her back that causes tingles running down her spine. Hindi na niya napigilan pa ang mga luhang namalisbis sa kanyang pisngi.

It seems like they are watching themselves on the mirror. It looked like their actual reflection as Adrian painted on the big wall the exact view of them right now.

Gia, standing... Smiling... And Adrian at her back, his chin was comfortably rested on her shoulders. Even if the wall have slight cracks, the image made it all wonderful. What a beautiful disaster.

Living DystopiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon