Room 102

100 2 0
                                    

Chloe Margaux Gonzales' POV

New boring day. As usual nadito na naman ako at nag aantay ng school bus with my hair braided the Katniss Everdeen way tapos nilagay sa harap and my black chanel sling bag. At dahil wala akong ma-Flashback maghihintay lang talaga ako dito.

Hintay

Hintay

Hintay

Hintay

Hintay

Sa wakas. Dumating din ang school bus na pang-elementary-ng idea. Usual routine dun ulit ako umupo sa dulo kagaya ng pwesto ko kahapon. Pero this time hindi na talaga ako matutulog.

"Fourth year na pala siya," napansin ko sa kulay ng ID lace niya.

Later, inaantok na talaga ako wala na akong magagawa iniba ko nalang ang pwesto ko. Ngayon nakatungo na ko pero yung arms ko dun nakapatong sa upuan sa harap ko. Gets? Para hindi n'ya na masulatan ang beautiful face ko.

Nagising naman ako kasi naramdaman kong tumigil yung makina nung bus. Bumaba na ako.

At parang kahapon nga lang nangingiti naman yung mga nadadaanan ko sa corridor. Nilabas ko naman agad yung salamin ko pero wala naman akong sulat sa mukha ko. Kaya dedma nalang.

Pagpasok ko ng room pagtalikod ko dun sa prof namin may tinawag s'ya

"Hey Miss Matigas Ang Ulo."

Napatingin naman ako and to my surprise nakatingin s'ya sakin. Napakunot ang noo ko tapos tinuro ang sarili ko na parang nagtatanong kung ako ba yung tinutukoy niya.

Nagtawanan na naman ang mga kaklase ko.

"May sulat ka sa likod." sabi ng kaklase ko.

Sinilip ko ang likod ng uniform ko and to my surprise agad na akong napatakbo papunta sa building ng mga fourth year. Dito kase bawat year iba-ibang building. Bawat room na madadaanan ko sisipain ko yung pinto tapos ii-scan yung mga stupidyante pag wala pababayaan ko na yun doon.

1st room: wala

2nd room: wala parin

3rd room: wal-- teka. sinipa ko ulit ng pagkalakas lakas yung pinto ng room na halos muntik nang bumalik at tamaan ako pero I don't freakin' care.

"HOY LALAKI SA MAY TABI NG BINTANA!" No reaction s'ya pero yung mga kaklase n'ya nakatingin na sa kanya habang s'ya nakatingin parin sa bintana at nasa tenga parin ang earphones.

No choice. Umakyat na 'ko dun sa may upuan n'ya. Naka-elevate kasi yung mga upuan dito. Alam n'yo yung sa harvard? Parang ganun. Pagdating ko sa may gilid n'ya tinanggal ko yung earphone n'ya sa isang tenga at nung palingon na s'ya.

*PAAAKKKK*

yeah. sinampal ko s'ya. Well parang sapok na yun kasi sobrang lakas. Imagine, halos i-ikot ko yung kamay ko para kumuha ng pwersa pang sampal sa kanya.

"THE TWO OF YOU GET OUT! AND MAKE SURE YOU'LL GO TO THE GUIDANCE COUNSELOR!"

Natakot naman daw ako dun sa prof nila. At yung lalaki naman wala lang, tumayo s'ya at lumabas na din kaya sinundan ko nalang s'ya. Dire-diretso lang s'ya papunta sa office ng guidance.

"Alam mo kasalanan mo to eh! Kung hindi ba naman kasi ako sinulatan sa mukha kahapon at ngayon sa likod naman hindi to mangyayari e! Aissshhhh!" sabi ko dito

"Tumahimik ka pwede?!" sabi naman n'ya at sinalpak na ulit ang earphones sa tenga nya.

(GUIDANCE OFFICE)

May nadatnan din kaming isang lalaki at isang babae. College na, nalaman ko dahil sa iba yung uniform nila. Mainam. Hindi lang kami ang nandito. Pero may isa pa 'kong napansin, maganda yung babae tapos gwapo rin yung lalaki. Bagay sila.

"Slapping incident? Uso ba?" sabi ng bombshell naming guidance counselor na si Mrs.--- este Miss Irish Medina na halatang nagpapacute dito sa isa pa naming kasabay netong lalaking to.

Nagsulat na kami ng pangalan dun sa record nung guidance.

       NAME                                               COURSE/YEAR

●Lindsay Tan                                   ●Management/1st year

●Warren Santiago                          ●Architecture/1st year

●Alexander Achilles Wolf             ●4th year HS

●Chloe Margaux Gonzales           ●Grade 9

wow. taray ng pangalan bagay sa kanya yung apelyido n'ya.

"Mr.Santiago and Ms.Tan, you two need to join the Theatre Arts, and that's COMPULSORY. And so do you guys." sabay tingin samin.

"Pero dun nalang kayo sa mga mag-aasikaso ng props and such. Magbabantay din kayo ng pool, soccer field, and the gymnasiun kung saan man kayo kailanganin for 1 month, 2 hours yun every after class. Magbe-benta din kayo ng tickets for the play. Kayo naman kasi, hindi n'yo man lang pinatapos muna yung unang school week. Kaloka. Wala tuloy akong maisip na pwedeng ipagawa sainyo." She's not the usual type of guidance counselors. Pag guidance counselor kasi iisipin mo'ng nakakatakot at masungit pero s'ya? iba.

We're now heading at our school's theater. Dun lang kami for two hours. Tulong lang kami kunyari dun.

Pagdating namin..

"Pinsan mo ba talaga si Kurt Cameron?" tanong ko sa kanya.

"Oo" sagot n'ya naman.

"Bakit hindi kayo magka-ugali?" tanong ko ulit.

"Ewan" sagot n'ya ulit.

"Pupunta ka ba mamaya sa pool for our detention?" tanong ko na naman.

"Oo." as if nga naman na may choice s'ya.

"Nagpi-pinoy henyo ba tayo?" tanong ko ulit

"Hindi." maigsing sagot n'ya na naman.

"Hindi ka man lang ba magso-sorry?" ako

"Saan?" s'ya

"Sa'kin. Sa ginawa mo?" ako

"Hindi" s'ya

"AISSSHHHHH" ako na naman


Y.O.L.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon