Room 103

94 4 0
                                    

Chloe Margaux Gonzales' POV

After two hours natapos din kami tumulong dun sa theatre. Grabe. Daig pa ni Achilles ang isang taong mute. Buti di napapanisan ng laway yun at buti rin na nakatiis ako sa two hours ng katahimikan.

Pagdating ko ng tapat ng room namin nakita ko si Kurt. Napatingin siya sa akin at ngumiti tapos may inabot s'ya sakin. Shirt. Uniform nila para sa archery.

"Uh. Sayo muna, nakita ko kasing sinulatan ng pinsan ko 'yang blouse mo" ngumiti ako sa kanya at kinuha yung shirt. Infairness 'di akalain. Buti pa to. Di kagaya ng cousin n'yang super sarap patayin.

"Salamat."  pa-sweet kong sabi sa kaniya at ngumiti.

"Sigurado ka bang pinsan mo si Achilles?" tanong ko dito. I know. kakasabi n'ya lang sakin pero ang layo kasi ng ugali nila though parehas silang gwapo pero iba pa din e.

"Ha? Oo. Wala namang ampon or illegitimate samin." medyo nagtataka at natatawang sagot nito

"Magkaiba kasi kayo. SIge, magpapalit lang ako. Salamat ulit" at ngumiti naman ako ulit

Tapos nagmadali na ako para makapag palit agad at makabalik na sa klase. Tss. Bumalik pa ako eh 15 minutes nalang tapos na at mag be-break na. May apelyido pala 'to sa likod. Pero yaan na. Choosy pa ba ko? 

.

.

.

.

.

*KRINGGGGGGGGGGGG*

sa wakas break na din. -.-

Nilapitan ako ng isang maganda kong classmate pero mas maganda parin ako. XD

"Hi, I'm Lorraine Skye. Skye nalang para mas maigsi" pagpapakilala n'ya. Sabay abot ng kamay n'ya. Tinaggap ko naman.

"Chloe Margaux. Chloe nalang." tapos ngumiti na naman.

"Pwede bang magtanong?" tanong niya.

"Ano pa ba sa tingin mo ginagawa mo? Nasagot?" pagtataray ko naman. Duhhhh. obvious naman na kaseng nagtatanong siya diba? -.-

"Eto naman." sabay mahinang hampas sakin. Aba. Close tayo? "Itatanong ko lang naman kung saan mo nakuha yang shirt na suot mo."

"Ninakaw ko." sagot ko. naguluhan naman siya. "Joke. Tingin mo sakin? Magnanakaw? Pinahiram sakin nung may-ari malamang."

"Ah" tapos inangkla niya na yung braso niya sa braso ko. "Sabay na tayo mag lunch. Friends na tayo Chloe ha?"

"K. sabi mo e." sino ba ko para tumanggi? Wala naman akong kaibigan dito.. T.T Shuffle shuffle pa kasi silang nalalaman -.-

Nakapila na kami dito sa canteen. Isa nalang turn ko na. Sa wakas. Natapos din s'ya sa inoorder n'ya kung sino man tong nasa harap ko.

"Ate isang carbonara at sandwich. Tsaka isang lychee na mogu mogu."

The usual. Hindi talaga ako nagkakanin. Masyado kasing mabigat sa tyan.

Naghanap na kami ni Skye ng mauupuan then kumain na.

*nom*

*nom*

*nom*

*nom*

Nauna na si Skye umalis. Wala pa daw kasi s'yang assignment sa bio. Buti nalang kahit brat ako masipag pa din.

Y.O.L.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon