Room 104

88 1 0
                                    

Chloe Margaux Gonzales' POV

Eto na naman ako ngayon. Naghihintay sa pabagal bagal naming school bus. May ike-kwento pala ako.

*FLASHBACK*

Grabe. Nakaka isang litrong pool water na yata ako. Nakita kong nag-dive na si Kurt kaya alam kong masasagip na ako. Agad niya akong dinala sa mababaw na part at binuhat tapos hiniga niya ako doon sa gilid ng pool.

Ayan na.

Ima-mouth to mouth resuscitation niya na ako!

*Lapit*

*Lapit*

*Lapit*

Bigla kong hinarang ang palad ko tapos itinulak siya.

"Masyado ka namang na-carried away." sabi ko. Binatukan niya naman ako

"Kinabahan ako sayo -.-"

"Joke lang naman yun pero masakit talaga yung paa ko." tapos tinuro ko yung right foot ko. Tinulungan niya akong makaupo tapos binuhat para i-upo doon sa upuan (malamang -.-) tapos umupo siya sa sahig at minasahe yung kanang paa ko.

Pagkatapos nung ginawa niya.

"Kaya mo naman na sigurong tumayo diba?" tanong niya. Tumango nalang ako. Medyo ika-ika pa ako maglakad pero sigurado bukas maayos na 'to. Hindi na masyadong masakit e.

"Thank you" inalalayan niya ako papunta sa locker room. Nagbihis na ako tapos nagpaalam sa kanya. Nagtext naman na ako para magpasundo.

*END OF FLASHBACK*

Pagdating ng bus sumakay na ako. Malamang. May mga nakatayo na ulit na mga stupidyante. Ibigsabihin andyan na si Achilles. The usual again, dun ako umupo sa likod. Si Achilles ganun parin, nasa tenga parin n'ya yung earphones niya pero ngayon siya na yung natutulog. WAHAHAHAHAHAHAHA. Sana wag muna magising. XD

***

Pagkapark ng school bus. Bumaba agad ang mga stupidyante. Kaming dalawa nalang ang natira, buti nalang hindi na nagtanong si Skye. Kinuha ko kaagad ang marker ko susulatan ko sana siya kaya lang nung medyo dumikit yung kamay ko sa mukha niya naramdaman kong mainit siya, tapos medyo nanginginig din. Pino-poke ko yung pisngi niya, pero wala -.- ayaw magising. Nung hindi gumana yung pag poke ko tinampal ko na siya ng mahina. Naalimpungatan naman siya. Gwapo din naman pala 'to pag malapitan at tulog. Pero mamaya na yun.

"Baba na tayo, sasamahan na kita sa clinic. Kawawa ka naman, baka pag namatay ka ako pa sisishin kahit ang sarap mo naman talagang patayin. Alam pa naman nilang ako yung huli mong kasama dito sa bus." ako yan totoo naman e. Masisi pa 'ko dito

"Kaya ko na." sagot niya.

"Sige maglakad ka. Tingnan natin kung hindi ka bumagsak d'yan." nagcross arms pa ko

"Dami pang sinasabi. Lika na." wow lang -.-

"Taray mo ah. Ikaw na nga gagawan ng favor demanding ka pa."

"Tss."

(Clinic)

"Miss iiwan ko na PO tong asungot na 'to ha. Kapag mamamatay na PO hayaan mo siya masama naman PO ugali n'yan e, may klase pa PO 'ko." ghaaad. I'm so polite. -.- XD

O.O <---- Nurse

"Joke lang PO. babalikan nalang PO namin mamaya."

"Okay" siya yan.

Y.O.L.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon