Room105

76 1 0
                                    

Chloe Margaux Gonzales POV

"Sobra ka na ha, kanina mo pa ako inu-utos-utusan ha. Tulak kita dito e." pagrereklamo at pagbabanta ko.

"Tumahimik ka nga! Lalong sumasakit ulo ko sayo e." sabi/sigaw n'ya.

"Ang ulo parang tiyan. Sumasakit pag walang laman." Siniringan niya lang ako.

Tiningnan ko naman kung saan kami tumigil. Sa err, luma at nakakatakot pero maganda, kasi mukhang pang-spanish era yung itsura nung 2 floors na library. Paano ko nalaman? Sa laki ba naman nung nagsusumigaw na sign na library siya. Nagsimula na maglakad si Achilles papasok kaya sumunod ako sa kan'ya

"Ba't ka sumusunod?" tanong niya.

"Iwan na kita dito? Geh bye." Tinanggal ko yung pagkaka-akbay niya sa akin na umaalalay sa kanya para hindi siya matumba.

"Pasok ka na. Nakakahiya naman sayo." sabi niya

"Dapat lang mahiya ka. Pasalamat ka nga hinatid pa kita. Pasalamat ka din mabait sakin  SI KURT note that SI KURT ang mabait sakin hindi ikaw, sa bus palang pinabayaan na kitang mangisay at mamatay dun." -.-

"Psh."

"Ang haba ng sinabi ko yun lang ang isasagot mo? oh come on."

"Shut up."

"Utusero! Edi shut up. Akala mo naman ganda mo kausap eh mas mahaba pa ang toothpick kaysa sa sinasabi mo."

Naglalakad pa kami nung may kung anong dumikit sa may paa ko. Nasipa ko yung aso! Pug siya na maliit. waah kawawa naman bat ko ba kasi sinipa? nakakagulat naman kasi yung itsura niya.

"Waaahhhhhh!! Akiiiiiii!!!"

"Si Hugo lang yan. At bat mo sinipa?!"

"Sorry naman. Kagulat kasi e." Kinuha ko yung pug tapos kinarga ko. Buti di nagalit sakin XD

Nasa kaloob-looban ng library na pala kami. Nakita ko yung makitid na metal spiral staircase

"IAAKYAT KITA D'YAN?!"

"WAISSSSHHHHH! Shut up!! Shut up!! You dont have to shout!"

"Okay fine!"

"Kaya ko na."

"Thuhhhhhh, with a capital T. Maglakad nga hindi mo kaya umakyat pa kaya." -.-

Ang ginawa ko, sa harap ko s'ya tapos hawak ko siya sa damit, sa may braso na part.

"Aishhhh. Masyado na kong nahihirapan sayo ha."

"Whatever."

At sa wakkkkaaaasss. Natapos din ang mala-suicide na pag-akyat sa hagdan! Waaaahhh.

Pag-akyat namin akala ko matatahimik ang kaluluwa ko, akala lang pala. Umatake ang OCD ko. Ang kalat ng kwarto niya. Mga books sa sahig. Kalat kalat na damit. Messy study table. Magulong cabinet na nakabukas. Bowl na may laman pa na cereal. Puro alikabok. TOTAL MESS.

Pagkatapos kong suriin ang miserable niyang kwarto. Nakita ko si Achilles na natutulog sa kama. Gwapo talaga siya tahimik at may attitude problem lang. Pero komportable siyang ganito kagulo? -.- Parang gusto ko maglinis kahit hindi ako marunong.

Pinulot ko na yung mga libro sa sahig. Nilagay ko na sa shelf niya dito sa kwarto tapos inayos ko din yung table niya, dun ko din muna pinatong yung bowl na may laman pa. Niligpit ko din yung mga damit niya na mukhang hindi nagamit tapos nilagay sa cabinet. Inutusan ko si Hugo na siya ang bahala sa mga damit sa sahig. Tinumba ko yung lalagyan ng maduduming damit para maipasok ni Hugo. Inabot ata ako ng isang oras para gawin lahat yun. Gising na din si Aki.

Y.O.L.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon