Room 106

101 2 2
                                    

Chloe Margaux Gonzales'  POV

Tumatakbo parin ako. Wow. May marathon? Hunger games? charot. Wala nang mga chakang stupidyante sa hallway kaya okay lang na mukha muna akong shunga. Wala namang makakakita. Tumakbo ako sa may pool area may shower kasi dun. Next time nga magdadala na ako ng extra na uniform. Naligo na ako, sandali lang kasi nakaligo naman na ako kila Aki. Nakabalik din ako ng room. Buti nalang ICL yung unang subject. Vacant yun. Oras para gumawa ng assignments/project/reports na due for that day. Gamit na gamit yung ganyan ko dati pero ngayon hindi na. obvious naman diba? Ginagamit ko nalang yung time na yun para maligo. XD

Pumunta ako ng canteen para bumili ng kape. Kinikilig pa din ako dahil dun sa kanina. Landi talaga. Nahahawa na ata ako kay Skye. Nandito na ako sa tapat ng room kaya binuksan ko na yung pinto, dahan dahan pa para kung may teacher man. Pagtingin ko naman wala. Buti naman. Umupo na ako dun sa upuan namin ni Skye. Brace myself. Puro tanong na naman yan.

"Hoy nasaan ka kagabi? Bakit ka hindi umuwi? Nakatulog ka ba? Sinong kasama mo? Bat mo siya kasa---"

"Skye. Pwede wait? Iku-kwento ko naman e. Daig mo pa nanay ko."

"Syempre di ka pa mapapagalitan di ka pa umuuwi eh." sabi niya.

"Whatever." tapos I rolled my eyes. tapos kinuwento ko na yung mga nangyari. Wala po talaga kaming teacher. Mga tamad

"Waaaaahhhhhhh!!! Gusto ko rin ganyan kami ni Kurt. Wahhhhhhhhh!" nagdaydream pa siya.

"Yuck Skye. Daydreaming eh?"

"Yuck ka dyan. Cute nga e."

"Good morning class, Vacant niyo na rin yung subject ko. Tomorrow na yung acquaintance party niyo. Pajama party po yun ibigsabihin overnight yun. Magpaalam na kayo okay?"

"Yes ma'am." sagot nila in chorus.

Infairness. Maganda yung idea.

(After 1 hour.)

Papunta na ako ngayon ng Cafeteria para kumain malamang. Um-order na ako tapos umupo na sa usual seat ko. Patapos na akong kumain nung..

"Oy." *Poke* Si Kurt yan 'di ko pinapansin.

"Oy" poke ulit. Wala pa din.

"Chloeeeeeeeee." *pout*

"Heh. Pinahirapan ako ng pinsan mo." 

"Sorry na. Sabi ko naman sayo ako na maghahatid pero sabi mo ikaw na...." *pout*

Lumapit ako sakanya tapos kinurot sa pisngi.

"Oo na."

"Yaaaayyyy." tapos kumain na siya.

"Paano ka pinahirapan ni Aki?"

"Number 1: pinahirapan niya akong ibaba siya papunta ng parking. Number 2:Yung pagakyat papunta ng kwarto niya sa napaka sikip na hagdan. Number 3: Pinaglinis niya ako ng kwarto niyang madumi. Num--"

"Wait, what? Ikaw? Naglinis? Wehhh?"

"Grabe ka. Oo naglinis ako dun."

"Wait, Hindi ka pa ba late?" tanong niya. Npatingin naman ako dun sa cellphone ko.

"WAAAHHH. Late na ko, bye!"

"Chloe. Thank you." *smile* nagsmile nalang din ako tapos tumakbo na naman ako. hilig kong tumakbo ngayon ah? 

Nagklase na naman. pero 2 subject lang yung may pumasok na teacher. Sandali nalang. Maari bang pagbigyan. ay mali. kanta pala yun. sandali nalang aalis na yung prof. wooooooo

Y.O.L.OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon