Chapter 4

54 2 4
                                    

After ng break, dumiretso na kami sa classroom. Mukhang nagkakagulo na naman kasi ang ingay-ingay nila. Pumasok nalang kami doon. Bigla kong narinig yung boses ng aking dearest twin.

"Hoy Zaldy, alagaan mo yang kambal ko, nakoooo."

"GF ko? GF ko? Grabe naman 'to. Play lang yan," sabi ni Aljo.

"E kahit na, mamaya may scenes na hindi kanais-nais baka kung ano pang gawin mo sa kanya."

"Baliw ka kamo. Mabait ako."

"Mabait your face Aljo," tapos 'di na kumibo si Zaldy. Ay nako. Ugali nga naman ni Bry. 'Di niya yan tatantanan.

Napatingin sa gawi ko si Bryan at napansin ako.

"O, ayan na ang aking dearest twin. Zaldy oh," pang-aasar niya.

"Tantanan mo ako Bryan George, pahalik kita kay Mariel eh, HAHAHA."

*PAK*

Binatukan ako ng halimaw.

"Leche ka," sabi ko habang hawak ko batok ko. Ang sakit eh.

"Of all people naman kase!"

"E siya bebeloves mo diba?"

*PAK*

Another batok.

"Hoy. Nakakarami ka na ah."

"Behlaaaat." :P Tapos umalis siya.

Sakto namang pumasok ang teacher namin for the next subject.

--Zaldy's POV--

Mula nang natapos ang homeroom ay hindi na ako makapag-isip ng matino. Kanina ako pa iniisip yung musical na 'yon.

Bukod sa lead ako ay ang kapartner ko ay si Maj. Haaaay buhaaay.

If you're wondering why am I so affected with this musical thingy is because I like her. I don't know how, why or when, but it just came to me one day that I'm starting to like her. It started when I became close to her. We became close because we were once seatmates. It was awkward at first but then we had this group work and poof, the awkward atmosphere was gone.

Ay pucha. Paenglish-english na naman ako! Ayyy. Nahahawa na ako sa bestfriend ko, si Rain. XD Pero okay yun, naeenhance ang aking skills. :)

Pero yun nga, may gusto ako kay Maj hanggang ngayon. Kaya ako kinakabahan sa musical na yan. Baka mamaya magstutter ako o baka sumablay ako. Kahihiyan 101 yun.

Haaay. Klase na naman. Tssss. Napapaisip na naman ako sa musical na yan. Kung ba't kasi 'di agad ako nakatanggi. Pero on the other hand, okay yun, kasi madalas kong makakasama at makakausap si Maj, lalo na sa practices. Haaay. Dream come true din yon. Hahaha.

"BASA!"

"Huh?" napatingin nalang ako bigla sa teacher namin na nanlilisik na ang mata na akala mo kakainin ako ng buhay. Eee. Scary. :O

"I see that you're not listening to me Mr. Basa," tapos binigyan ako ng isang kakaba-kaba at kapawis-pawis na glare. Aaaah. Patay na naman ako neto. Ayokong bumaba ang conduct ko. -.- Kahit na sabihin nating ako ang Top e pwede yun mapalitan. Pero okay lang, kasama ko naman sa musical si Maj. >:D

After ng class kay Ms. Aswang, 'di pa kami pinauwi kasi may meeting daw.

"Okay guys, sshh na po," sabi ng class president namin, si Maan.

"So ayun nga, musical ang gagawin natin para sa Theater Booth. Sabi ni Sir Buen, ang practices natin ay every dismissal sa afternoon. 1 hour practice yon."

"Acting practices lang ba yon?" tanong ni Pots.

"It depends sa scenes."

"May story na ba tayo? Sinong gagawa ng script?" tanong naman ni Rain.

"Itatanong ko palang po kay Sir. Okay. Yung mga bands po, yung mga songs na tutugtugin niyo dapat love songs and happy songs. Kailangan niyo na din ipractice kahit kayo-kayo lang para wala ng problem."

Then yung mga song and dance numbers, it depends sa scene. Madali nalang yan. May magchochoreograph naman eh. Tsaka madali lang daw yung kukunin nating songs. Now, questions?"

"Love story ba talaga siya?" tanong ni Maj. Tutol yata siya. -.- </3

"Opo, si Zaldy na nga yung partner mo eh." sabay ngiti ni Maan.

"Ah. Okaay." Ayaw niya yata talaga. </3

"MaJoy," narinig kong tawag siya ni Bryan.

"Oh?!"

"Ba't nagrereklamo ka diyan?"

"Na alin?"

"Diyan sa play."

"'Di ah. Masama ba magtanong?!"

"Oo. Pag ang tatanungin mo e alam mo ang sagot!"

Di na nakaimik si Maj. Haha. Ugali talaga ni Bryan. Sus.

"Maan, pwede na ba umuwi?" tanong ni Lorenz, habang nakataas yung kamay.

"Ah oo. Basta bukas, may practice po."

Then, bigla nang nagsilabasan ang mga classmates ko. Nako. May mga date ata 'to eh.

Lumabas na ako. May nakita akong lalaking nakatambay sa labas. Familiar yung mukha niya.

Ah. Yung nasa Class B. Simon ata. Teka, anong ginagawa niya dito? O.o Sa pagkakaalam ko kasi, magkasama daw sila ni Maj kaninang recess. Oh no. Hindi p'wede. -.-

Nasa gitna ako ng medyo pagpapanic nang marinig ko ang boses ni Rain.

"Maaaaaaaj! May naghihintay sa'yo sa labaaaas!"

Tumingin ako kay Simon, bigla siyang ngumiti. Hindi sa'kin, yuck gay. Napangiti siya pagkarinig ng name ni Maj.

I wish it's not what I think it is. -.- Baka hindi ko kayanin pag nalaman ko kung anong meron sa kanila.

________

A/N:

Ayan. Sorry natagalan bago mag-update. -__- Sorry din kung maigsi yan.

'em currently doing Chpt. 5, sana mapost ko siya mamaya. xD

Ayan na ang shocking revelation ni Aljo. xD E kasi wala akong mailagay, kaya ayan. xD :))

THANK YOU!

Because of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon