Chapter 5

41 1 0
                                    

--Maj's POV--

After ng meeting namin para sa musical play, hindi pa din ako mapakali. Ewan ko kung bakit, pero parang may nafifeel ako na may mga mangyayaring hindi kaexpect-expect.

Hay. Ano bang nangyayari sa'kin! Tsss. Nababaliw na yata ako. Ganito ba sintomas nun? Ohmygahd.

Nasa kalagitnaan ako ng pagaayos ng gamit ko nang sumigaw ng pagkalakas-lakas si Rain.

"Maaaaaaaj! May naghihintay sa'yo sa labaaaas!"

May naghihintay sa'kin? Sa labas? O.o Sino yooooon?

Ohno please sana wag si Mama. -.-

Tatanungin ko sana kung sino yon, pero pagkakita ko sa facial expressions ng mga kaibigan ko ay parang nahuhulaan ko na kung sino yung naghihintay sa'kin sa labas.

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ko, inaya ko na mga friends ko na bumaba na.

"May naghihintay nga sa'yo oh."

Hindi ko nalang siya pinansin. Tss. Aasarin na naman nila ako. Badtrip naman oh. Gagala pa naman sana ako.

Pagkalabas ko ng room, hindi nga ako nagkamali ng hula. Siya nga yung naghihintay. Sino pa ba? Edi si Simon.

Lumapit siya sa'kin.

"Hi Maj," then ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. Shet lang.

"Uh, hello?" may kausap lang sa telepono Maj? Hay nako. -.-

"Uhh, may gagawin ka ba later?"

"Ah eeh, m-may assignments kasi kami ee," kahit wala. Excuses mo Maj. Tss.

"Ah, ganun ba? Okay," tapos yumuko nalang siya. Baket parang bigla akong naguilty at nakonsyensya sa sinabi ko? -.-

"Ah, Simon, unti lang naman yon e, saka madali lang," tapos tumingin siya sa'kin then ngumiti.

"Talaga?" naglighten up agad yung mukha niya. Parang siyang bata na binigyan ng lolipop. Ang saya-saya niya. Ang cute niya. :)

"Pwede ka bang magdinner sa bahay?"

"Dinner sa bahay?"

"Dinner sa bahay?"

Nag-echo yung sinabi niya sa'kin.

Parang gusto ko nang magback-out. Ayoko na. Ayokong kumain sa bahay nila. Natatakot ako. Baka mangyari din yung nangyari dati kila Van.

*flashback*

Kasalukuyang nasa bahay ako nila Van. Inimbita niya kasi ako sa bahay nila para magdinner.

Not that na hindi ko pa natatry magdinner sa bahay nila, pero iba kasi 'to eh. Sa 4months nang kami, ngayon ko palang makakaharap ang parents niya. First time 'to, mula noong pang naging kami.

Sa States kasi nakatira ang parents niya, e ngayon umuwi, kaya ipapakilala na niya ako sa kanila as his girlfriend.

Pagkapasok ko palang sa bahay nila ay ramdam ko ang kaba. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may feeling ako na hindi nila ako magugustuhan. Sana naman mali ang kutob ko. Jusko Lord, tulungan mo ako. T.T

"Everything will be alright," bulong sa akin ni Van habang pinisil ng unti yung kamay kong kanina pa niya hawak-hawak. Eto ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya eh. Yung pagmemake sure na okay ang lahat, na hindi magkakaproblema. Hay. Sana nga Van.

"Good Evening po, Tito, Tita," sabi ko habang inaabot ko yung kamay nila para magmano.

"What are you doing?" painis na sabi ng mama niya.

"Uhm, I was just--"

"D'you know that it is rude to do that?!"

"Ah eh," wala akong mahagilap na salita. Rude na pala ang pagmamano? Diba sign of respect yun? Baliktad ata mga utak neto eh. Labo meeen.

"Ma, magbebless lang po si Maj," mahinahon na sabi ni Van.

"Bless? We don't do that in the States!" pag-iinarte ng nanay niya. Seryoso, pag nagreklamo pa 'to, babalatan ko 'to ng buhay habang nakasabit ng patiwarik!

"But you're in the Philippines 'Ma!" 'di na napigilang sumigaw ni Van.

"How dare you shout at me! I'm your mother!"

"It's just that, Maj is just trying to show some respect to you," pagpipigil niyang sumigaw. Halata sa tono niyang nagpipigil siyang sumigaw.

"Dear, have you been to America?" tanong sa'kin ng bruha niyang ina.

Umiling lang ako. E hindi pa naman talaga eh.

"Can you afford to go there?" Ang kapal ng mukha netong ina niya ha. Tingin niya sa'kin, poor?! Oo, hindi kami ganun kayaman, pero kaya naman naming pumunta ng ibang bansa no!

"Ma," sabi ni Van.

"I'll handle this," bulong ko sa kanya.

"With all due respect Ma'am, but I think you're insulting me. What did you say? I'm rude? It's a Filipino tradition and it's a sign of respect. What did you ask? If I can afford to go there? Well, OF COURSE. I may not be as rich as you, but I know that I can go to all the countries I want. I just haven't went to the States, yet you're undirectly saying that I'm poor? Well, I haven't been to America, but I have been to Europe, Australia and some other parts of Asia. If you'll continue to insult me, then I'd better be going," after ng dramatic speech ko at pagtataas-noong kumausap sa impaktang bruhang yon which happens to be the mother of my boyfriend ay lumabas ako sa bahay nila at tumakbo ng tumakbo. Narinig ko pang tinawag ako ni Van, pero hindi ko siya pinakinggan.

*end of flashback*

"Maj? Are you alright?" tanong sa'kin si Simon with a worried look.

"Uh, yeah. I just remembered something, sorry."

"Okay lang. Uh, pwede ka sa dinner?"

"I don't know. I'll try."

"Oh, okay. Pero sana makapunta ka, just text or call me and I'll be there to pick you up."

Tumango nalang ako.

____________

A/N:

Okay. Nosebleed akosa chapter na 'to. xD

Di ko alam kung bakit ganyan yung mga sinabi ni Mja jan, pero basta, gusto ko eh. xD

@MAJ: Everyday I shock talaga xD

HI SA MGA PAULINIANS NA NAGBABASA :)

Because of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon