Blog Entry #1.

979 15 9
                                    

Blog Entry #1

060914

Oo, hindi nagsusulat sa diary ang mga lalaki pero para maiba naman, sinubukan ko na. Iba naman ito sa diary na iniisip mo eh. Blog entry ito. Mas moderno, mas cool, mas bago at mas madali.

Unang araw ko ngayon dito sa blog. Wala namang nangyaring kakaiba ngayong araw. 'Yung mga babae lang talaga 'pag naglalakad ako sa school eh. Ayun, nagsisigawan. Nagtitilian. Nakakainis na nga sila eh, kasi pa-ulit-ulit na. Hay, kapag pogi nga naman.

Sumigaw 'yung isa, sabi, ang pogi pogi ko raw.

Dumagdag pa 'yung isang kulot na babae, kamukha ko raw si Zac Apron. Napatanong na nga lang ako sa sarili ko kung sino 'yung Zac Apron na kamukha ko raw. Baka naman schoolmate ko? O baka gamit sa kusina. Niloloko ba ako ng babaeng 'yun?

'Yung isa namang payat, kalokalike ko raw si Daniel Patilya 'pag naka-shades. Sino nanaman ba 'yun? Baka nilalait na ako ng mga fans ko ah.

Pero itong isang babaeng ito, ang kakaiba sa kanilang lahat. Iba siya sa mga babaeng nagsisigawan na parang ang tingin saki'y lollipop. Lollipop, hindi 'yung tapon katawan; tira ulo ha. Kasi para silang mga aso na nakalabas ang dila at para bang didilaan na ako, kaya parang lollipop. Lol. lipop. Hahaha

Itong isang babaeng ito, weird. Basta ang weird niya. Ang taba niya pero hindi naman ganoon kataba. May braces siya sa ngipin. Ang dami niyang burloloy sa katawan. May kwintas pa nga siya na ang nakalagay ay isang bawang na parang panglaban niya sa aswang. Weird talaga parang mangkukulam. Ang tanging gusto ko lang sakanya ay 'yung buhok at freckles niya. Ang cool ng hair eh, color purple tapos may konting blue. Raker.

Tapos 'di pa siya tumitingin sa'kin. Nakatungo lang siya. Natatakot atang mainlab sa'kin.

Sobrang weird niya. Anak ata siya ng manananggal eh. Siya lang kasi ang hindi naniniwalang pogi ako. Lahat ng babae rito sa school, gusto akong tikman. Pati nga 'yung ibang lalaki sa tabi-tabi eh. Hay. Kalungkot kulangot. Naaawa ako sakanya. Hahaha

Okay. Mag-do-DOTA lang ako ha. Pagkatapos, may gagawin ako rito sa kwarto. Manonood pa ako ng porn. Ay, poképorn pala. Porniture nalang. Ay, basta. 'Wag na nga. Badtrip.

-Wyle Xygner

PS. Dahil hindi ka nga diary, hindi 'diary' ang itatawag ko sa'yo. At dahil isa kang blog, 'liblog' nalang itatawag ko sa'yo. Li-blog ha, hindi bilog or li--. Basta. Hahahahahaha. Libag. Babay liblog! Sana sipagin akong magblog bukas.

Diary ng Pogi (Blog pala, hindi Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon