Blog Entry #3.

347 12 7
                                    

Blog Entry #3

061114

Hindi ako pumasok sa school ngayon, liblog. Alam mo kung bakit? Syempre, hindi 'no. Hahaha. Ang sama kasi ng pakiramdam ko. Kagabi pa. Hanggang ngayon, nilalagnat pa rin ako. Plus, may ilang marks sa katawan ko. 'Di ko nga alam kung ano 'yun. Ugh.

Dapat naniwala na lang ako kay Lucresia. Dapat 'di na ako tumingin sa mga mata niya. Ang kulit ko kasi. Napakakulit ko. Nakakainis.

Napakaboring ng araw ko. Buti na lang at bumisita ang barkada rito sa bahay. Pangalan ng tropa? Ano pa, e di, "Kryptonite". Kami ata ang campus crush at head-turners sa school.

Sinalubong ako nina Cameron, Hyuki at Qwerty na may dala-dalang good news at bad news. Sinabay pa nila ang panlalait sa'kin. Nawala raw kasi 'yung kagwapuhan ko nang magkasakit ako. Ang galing talaga nilang magjoke kaya mahal na mahal ko 'tong mga 'to eh.

Magkakaibigan na kaming tatlo nina Cameron at Hyuki simula pa nung kinder. Magkakasama kami sa tawanan at sa iyakan. Syet, ang cheesy ko.

Si Cameron, siya ang genius ng tropa. Magaling sa lahat ng bagay lalo na sa Math. Ang problema lang niya, 'di niya mabilang ang pinagsasabayan niyang girlfriend araw-araw.

Si Hyuki, half Bumbay at half Japanese. BumPanese. Joke. Pero totoo, half Japanese talaga siya, half paper din. Hahahaha. Chinito at habulin din ng chicks 'tong si KiKi.

Si Qwerty, bago lang 'yan sa tropa. Napulot, este nakilala namin sa bar ngayon-ngayon lang, siguro kahapon lang. Joke. Nakilala namin 'yan nung second year high school kami. Lasing na lasing 'yan nun at walang pambayad sa lahat ng inorder niya. Bilang matulungin, binayaran na namin at isinama na siya sa bahay--sa bahay ko. Ang hide-out naming magtrotropa.

Nalaman naming kaya pala naglasing noon si Q-Ty kasi naghiwalay ang mga magulang niya at unang beses niya 'yung maglasing. Ngayon, dun na tumitira si Q-Ty sa lola niya. Dahil may itsura naman siya, pinasok na namin sa tropa. Pero syempre, ako dapat ang pinakapogi.

Madalas na pumupunta sila rito. Wala kasing tao lagi rito sa bahay, ako lang. Inabandona na ako ng mga magulang ko. Si Nanay, namatay sa isang car accident nung grade 4 ako. Si Tatay naman, sumama sa ibang babae matapos ang ilang buwan nang mamatay si Nanay. Binigay na sa'kin itong bahay kapalit ng pag-iwan nila sa'kin at pagkawala nila sa aking mga mata.

Napakaswerte ko kasi mayaman ang pamilya ko. Pero nakakalungkot din, kasi ako lang ang karamay ko. Nakukuha ko ang lahat ng aking gusto sa isang turo lang.

Ngayon, may karamay na ako sa lahat ng bagay--ang mga kaibigan ko. Sila ang tinuturing kong pamilya.

Nag-sleep over ang mga kumag sa bahay. Magkakasama raw sa hirap at ginhawa e. Mukhang may balak pa silang mag-inuman. Mukhang may balak pang manood ng Pokeporn ang mga kumag.

Ge, bukas na lang. Manonood din ako ng Pokeporn e. De, joke. Tutulog na ako at sana'y magaling na ako bukas.

Get well soon,

Wyle Xygner

Diary ng Pogi (Blog pala, hindi Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon