Blog Entry #6.

309 8 6
                                    

Blog Entry #6

061814

Nakapasok na ako ng school ngayong araw. Namiss ko 'to. Pero mas namiss nila ako.

9 am pa ang klase ko. Sila naman, mga tropa ko, 7:30 am. College na nga pala kami, liblog. Magkakaklase kami tuwing T-Th.

Friday ngayon, pero parang may kakaiba. Basta. Hindi kasi nila ako pinapansin. Bakit ganun sila? Lagi naman kaming nagpapansinan kahit hindi kami magkakaklase ah.

Nagkasalubong nga kami kanina nina TyTy at Cameron. Magka-akbay sila habang nag-uusap. Alam kong nakita nila ako na paparating pero hindi pa rin. Hindi pa rin nila ako pinansin. Tinawag ko sila pagkalampas ko pero wala. Hindi sila lumingon.

8:30 am. Napa-aga pala ang pasok ko ngayong araw. Naglakad-lakad ako. Naglakad pa nang konti. Konti pa. Hanggang sa makarating ako sa part ng school na hindi ko pa napupuntahan.

Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Tumingala ako kasabay ng pagpikit ng aking mga mata. Napakasarap ng hangin. Napakapresko. Nagsasayaw ang mga puno sa aking paligid. Itinaas ko ang aking mga kamay at hinayaan ang masarap na hangin na yakapin ako.

(Ooops, hindi ito commercial ng Whisper o Modess ha.)

Umupo ako sa damuhan sa may puno ng Narra. Inilagay ko ang aking bag sa tabi ko. Humiga ako sa damuhan at inilagay ang aking mga kamay sa ilalim ng aking ulo.

Hindi ko alam kung bakit ba ngayon ko lang nadiskubre itong lugar na ito. Ipinikit ko ang aking mga mata.

Minulat ko ulit.

Pumikit muli.

At minulat.

Pumikit.

De joke. Natulog ako nun, liblog. Napasarap nga ang tulog ko eh. Pero mas masarap pa rin ako. Ahehehe.

Nagising akong hubo't hubad. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang hipon sa harapan ako. Isang babaeng hipon. Isang manananggal na hipon. Hawak niya ang polo at pants ko. Tinanong ko siya kung nasaan ang briefs ko. Sabi niya, kinain na raw niya.

Itinapon niya ang school uniform ko at biglang lumapit sa akin. Gumapang siya sa ibabaw ko. Naka-up na rin si kwan ko. Ang mga titig niya, nakakasuka. Siguro kung maganda 'to, papatulan ko 'to pero hindi. Kitang-kita ko ang dila niyang umiikot sa paligid ng kanyang labi. Akmang lalamunin na niya ako at sisirin ng halik nang...

Nagising muli ako. Hinabol ko ang aking hininga at ilang beses na muntikan nang maduwal sa napanaginipan ko. Mabuti naman at suot ko pa rin ang school uniform ko. Binuksan ko ang polo ko at binilang kung 36 pa rin ba ang abs ko. Walang labis, walang kulang. Walang nangyari. Tiningnan ko ang aking relo at totoo nga, late na late na late na late na ako. Grabe bh3.

Lunch break na nung nagising ako. Tumakbo ako papunta sa department building ko, sinilip ang nag-iisa kong klase sa araw na ito. Wala. Wala na sila.

Pumunta ako sa school para matulog. Ang cool naman ata nun ne?

Naka-amoy ako ng kaingin. At doon ko nalaman na paparating pala si Lucresia. Tinakpan ko ang aking ilong at yumuko. Hindi ko na siya tiningnan pa sa mata, baka kung ano ulit ang mangyari. Ang awkward pati, parang kanina lang, rapist siya sa panaginip ko tapos ngayon, kaingin na siya. Haha.

Nagmumura ang lipstick niya ngayong araw. Nagpuputok din ang malaki niyang pimple sa ngipin. Ay de, sa gitna ng ilong pala. Mukha tuloy siyang si Rudolph na may bawang sa leeg, hindi bell.

Sinabi niyang napili raw ako para i-represent ang klase sa Mr. Truelagen. I don't has no doubt why I was choosen as to represent our class for the pageant. I questionated her in who is represent for Ms. Juicecolored.

She say dot it will be Jebs. My one and only Jebs. Hart hart na ituuuu.

Hanggang sa muling pag-update ng tamad at poging author,

Wyle Xygner

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng Pogi (Blog pala, hindi Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon