Blog Entry #2
061014
May nalaman ako roon sa babaeng weird na napansin ko kahapon sa school. Tulad niya, weird at pang-mangkukulam din ang pangalan niya. Lucresia.
Haha. 'Di naman ako stalker 'no para alamin 'yun agad-agad. Basta may something lang sa'kin na something. That something urged me in ask my friends what her is name was.
Oo, mali ang grammar ko. Pagpasensyahan mo na. Pogi eh, mahina sa academics. Pang-contest lang ako. Mehehe. Hayaan mo na lang liblog na mag-english ako. Para naman may napupuntahan ang pinag-aaralan ko sa English. Kahit konti.
So yeah, I sees Lucresia today. She was bullied by the rude girls. They said that she is weird and ugly. So, I came in like a wrecking ball, and pinigilan ko silang mag-away. Pinagsabihan ko silang layuan si Lucresia dahil kung hindi, hindi ko na sila rereplyan sa text. Pero nahirapan din akong sabihin 'yun kasi sila 'yung nagpapaload sa'kin. Lol
Lumayo na sila na parang Team Rocket sa Pokeporn. Ayy, Pokemon pala. After that, Lucresia said thank you to me while her eyes were not nakatingin sa'kin. Bakit ganun siya?
Tinanong ko siya at sabi niya na umalis na ako. Pero 'di ko siya pinakinggan. Sinabi niyang 'wag daw akong tumingin sa mga mata niya dahil may mangyayaring masama sa'kin.
'Di ako naniwala sa kanya at pinilit na matingnan ang kanyang mga mata. Successfully, I saw her eyes but her eyes were teary.
Minulat niya ang mga mata niya at nagkatinginan kami. Ang weird lang niya. Tinulak niya ako bigla palayo na naging dahilan para mahulog ako sa sahig. Dali-dali siyang tumakbo at sinundan ko siya. Sinundan ko siya sa CR.
May masamang mangyayari raw sa'kin, sabi niya. 'Di raw kasi ako nakinig sa kanya. 'Di raw ako naniwala.
Yeah. Ugh. Uh. Teka, liblog, may something sa katawan ko. Kinakati ako. Wait, kamutin ko lang. Ahh. Syet. Ge maya nalang.
-Wyle Xygner
BINABASA MO ANG
Diary ng Pogi (Blog pala, hindi Diary)
RomanceDiary--este blog ng mga misadventures ng isang pogi. Isang poging hindi nalalayo kay Zac Apron at kalokalike si Daniel Patilya 'pag nakashades. Matuwa (sana), matawa (please) at ma-inspire (sana!) sa kwentong walang kwenta, sa basurang maganda at sa...