Blog Entry #4.

261 9 10
                                    

Blog Entry #4

061214

Nagising ako sa isang masamang panaginip. Syet lang, napanaginipan ko si Lucresia.

Chineck ko ang aking body temperature. Okay na ako. Magaling na ako. Yey. Nakadagdag ata sa paggaling ko ang panonood ng Pokeporn at ang pagbisita ng tropa kagabi.

Pumasok ako sa school na hatid ng driver namin. Nakapasak ang headset ko sa aking tenga. Hawak ang aking phone sa kaliwang kamay habang sa kanang kamay naman ay dala ko ang aking--uhm, nakakahiya man, lunch box. Oo. Tawa ka pa, liblog.

Forever akong pinagluluto at pinaghahanda ng snacks at lunch ng aking favorite yaya. Sabi raw kasi ni Nanay sa kanya, lagi raw niya akong ipagluto para maalala ko si Nanay. Kahit naman walang lunch box o baon, lagi kong maaalala si Nanay e. Nandito kaya siya sa puso ko.

Dahil forever nga akong nakalunch box, forever ding nakalunch box ang tropa. At ang buong school! Trendy ata ako eh. Haha. Kaya 'yun, walang bumibili ng mga pagkain sa cafeteria. Kasi pati 'yung mga tindera, naglalunch box na rin. As in!

Naglakad ako sa corridor habang tumataas baba. Ang alin? Syempre, ang ulo ko. Ulo saan? Syempre, sa baba. Ayy, sa taas pala. Soundtrip ako. #NowPlaying: All of Me by John Legend.

Nahinto ang pagtaas-baba ko nang may bumatok sa'kin. Syemay, epal e. Busy kaya ako sa pagtaas-baba.

Tumambad sa'kin si KiKi. Naalala ko 'yung good news at bad news na sinabi nila sa 'kin kagabi.

Tinanong ko siya tungkol doon. Sabi niya, mamaya na lang daw niya sasabihin kapag kumpleto na ang tropa.

Tinuloy ko ang pagtaas-baba hanggang sa makarating sa classroom. Wala pang tao. Ang weird. Minsan na nga lang ako umagap ng pasok tapos wala pang tao. What's the happen to it?

41 minutes and 36 seconds passed and they are not belong to the room. I look to my phone and I saw the date. It brought me shockness. What the hell.

Tinawag ko si Hyuki at tinanong kung anong araw ngayon.

Sabi niya, Wednesday naman daw ngayon kaya may pasok kami. Wednesday nga naman.

Sinigawan ko siya at sinabing Wednesday ngayon pero June 12!

Tinanong niya kung ano raw ba ang meron ng June 12. Siguro hindi nito tanda kasi pusong BumPanese talaga 'to. Kung magkakapusong Pinoy 'to, siguro konti lang.

INDEPENDENCE DAY. HOLIDAY. Sigaw ko sa kanya.

Nanlaki lang ang kanyang mga mata at napatawa nang malakas.

Nakakainis. 'Di ko namalayang holiday nga pala ngayon. Nawala kasi sa isip ko 'yung araw kasi nagkalagnat ako pati nagsaya kami kagabi ng tropa. Akala rin tuloy ni Hyuki, may pasok ngayon. Tae. Bulos. Hahaha

What have we does next? We contacted the whole tropa and make alok to them that we will go gimick and have fun. The whole tropa agreed and we all met at the school.

9.07 am. Unang dumating si TyTy (Qwerty). Ang weird ng names nila o ako lang ang weird kasi ginagawan ko sila ng nicknames? Hahaha.

9.24 am. Dumating na si Cameron.

Nagkatinginan sina TyTy at Cam. Tumawa sila nang malakas. BWAHAHAHAHA--like that. Then, they look at me and KiKi.

Nagkatinginan kami ni KiKi. Alam na dis. Agad namin silang binatukan habang tumatawa. Sa lakas ng pagbatok ni KiKi sa dalawa, nagkaroon ng red marks na hugis-kamay sa batok nila. 'Di niyo pala natatanong, pambansang mambabatok 'tong si KiKi. Kaya ito ang lagi kong sinasama 'pag may away o may kampihan sa tropa e.

9.41 am. Pumunta kaming Somewhere Land. Isa itong theme park na para bang Star City.

Nakapunta ako roon nang naka-uniform. Ano kayo? Boom panes. Ano raw ang advantage nung uniform? Syempre, may discount kami ni KiKi kasi may dala kaming ID.

Nilibot namin ang buong park. Sumakay sa rides. Nagtaas-baba na naman ako kasi nagvideoke kami. Naglaro kami sa arcades.

At syempre, nangchicks kami.

So, pwede palang mangchicks ang chicks. Kyot. Wala lang.

Habang naglalaro sa arcade ay sumagi sa isip ko 'yung sasabihin dapat nilang news kagabi.

Tinanong ko sila tungkol doon. Bumuo sila ng bilog kasama ako. 'Yun bang parang nagpaplano

lang sa basketball games. 'Yung mag-go-go team! Lol

Good news: Nagbreak na sina Jebie at 'yung boyfriend niyang ungas.

Bad news: Galit sa 'kin si Jebs. Kasi nakipagbreak daw 'yung gwapo niyang boyfriend gawa ko.

Kasalanan ko bang ma-inlove sa 'kin ang boyfriend ng crush ko? Hay naku.

Masaya na ako kanina e. Tapos malungkot na ngayon. Tinanong ko pa kasi kung ano 'yung news. Ang talino mo talaga, Wyle. Hanep ka, pogi mo.

Gh3. Nighty. Badtrip ako.

Badtrip pero pogi pa rin,

Wyle Xygner

Diary ng Pogi (Blog pala, hindi Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon