Blog Entry #5
061714
Sabi ng poging author nito, entry #5 na raw, wala pa ring nangyayari sa bida at sa love niya. So here.
Hahahaha. Hello liblog! Namiss kita, sobra! Sobrang busy ko kasi sa school eh, ang daming nagpapicture at nagpapa-autograph sa 'kin. Tapos ilang araw ko ring binasa 'yung mga fan mails nila.
Ilalagay ko rito 'yung ibang letters kasi baka may mainggit at sunugin lahat. Kaya eto:
Hi Kuya Wyle,
It's been a wyle. Lumipat talaga ako ng school mo para lang makita kita at para parehas tayo ng hanging nilalanghap. Sana okay ka lang. Sana mapansin mo ako, Kuya. Baliw na baliw na ako sa 'yo kuyaaaaa! Labyu!
-Kathryn Bernardo
Sabi nila, artista raw itong si Kathryn Bernardo. But who cares? Pagnasaan niya lang ako.
Ito pa ang ilan:
Dear Wyle,
Ilang taon akong nagpapansin sa 'yo ngunit hindi mo ako pinapansin. Ano bang problema mo, ha? Basta tandaan mong nandito lang ako palagi para sa 'yo kahit na may jowa ako ngayon. Secret lang 'to ah. Pwede ba akong maging Nicole mo, aking Adrian? Ay tae, wala ka nga palang gf kaya ikaw ang maging Nicole at ako ang magiging Adrian. Charot!
Nagmamahal,
Charo.
---
kHuyA wYLe,
I laBsZX yHuO pHoeSZx tO da MoOn eND bAcK. KhUnG iThaTanOng mHoe, nAg-AArAlx aKhoEw sHzA SwAGg UnIvERsiTy & wOrkS aT 'EDi Sa Puso MoEwz.' GoD bLeSS yhOu WyLeh!
-MaRYjAnE_bHeiNtEsZaisX_bHoEWszKhOeW
Dyusko po. Kapagod itype 'yung jejemon.
Pero may isang sulat na bukod-tangi sa iba.
Wyle! Tae ka! Sabi ko kasi sa 'yong 'wag mo 'kong titingnan sa mata eh! Ang kulit kulit mo talagaaa! Next time, kung titingin ka man, 'wag mo nang gawin or better, magshades ka. Hahahahahaha. Tumingin ka pa, may mangyayari na sa 'yong hindi mo magugustuhan.
Miss na kita. Miss na kitang patayin sa isip ko! Haha.
Rest in peas! Bwahaha
-Lucresia
Namiss niya ata ako kasi nga nagkasakit ako nung minsan tapos busy ako these days. As in, hindi na ako naggagala pagkatapos ng klase. Walang malling. Walang gimmicks. Walang fun.
Bukas, free na ako sa lahat kasi natapos ko nang lahat ng dapat kong tapusin. Natapos ko na lahat ng schoolworks ko. Ang saya-saya. Wala sanang singko, kahit tres lang, okay na.
Miss na miss na miss na miss na miss na nila,
Wyle Xygner
BINABASA MO ANG
Diary ng Pogi (Blog pala, hindi Diary)
Roman d'amourDiary--este blog ng mga misadventures ng isang pogi. Isang poging hindi nalalayo kay Zac Apron at kalokalike si Daniel Patilya 'pag nakashades. Matuwa (sana), matawa (please) at ma-inspire (sana!) sa kwentong walang kwenta, sa basurang maganda at sa...