Chapter 1

134 4 3
                                    

I'm Unique Gail Mendrez, 20 years old. Fresh Grad, pero may trabaho na agad ako. Ako na yung nagmamanage ng company namin. No Boyfriend Since Birth, Promise. 

7 months na ang lumipas simula ng mamatay ang bestfriend ko, she's not just my bestfriend but more like a sister. Kaya sobrang nasaktan ako at nalungkot nung nawala sya at ang sanang magiging pamangkin ko o inaanak ko. Sobrang naawa ako sa lahat ng nangyari sakanya na wala man lang akong nagawa kundi ang i'comfort at palakasin lang ang loob nya pero hindi pa rin nya kinaya.

 Isa lang ang sinisisi ko sa nangyari sa kanya, pero bago namatay ang bestfriend ko sinabi nya saken na, Wag ko daw sisihin ang lalaking may kasalanan nun, sa halip ay linisin ko na lang daw ang pangalan nya at sabihin kung ano ang totoong nangyari.

Ang akala ko mabait na ko, pero sobrang bait pa rin talaga ng bestfriend ko dahil kahit ganun na ang nangyari hindi pa din nya nagawang magalit sa letseng lalaki na yun, mas inuna nya pa rin ang kapakanan nito.

Sobrang tagal kong pinag-isipan kung paano ko ba lilinisin ang pangalan ng bestfriend ko. Hanggang sa naikwento ko kay Danielle, pinsan ko lahat ng nangyari. 

"Simple lang edi hanapin mo lang yung lalaking yun, ano nga bang pangalan nun? Tapos sabihin mo lahat ng nangyari." Danielle

"Axzel Blade De Castro. Alam mo namang sinubukan ko nang kausapin diba? 1 week pa lang after ng pagkamatay ni Jade sinubukan ko nang kausapin, pero pagkakita pa lang sa itsura ko, kung ano-ano na agd ang sinabi. Napakayabang talaga nun. Hindi ko lang alam kung bakit nainlove dun si Jade"

Flashback

Ang alam ko laging tumatambay si Blade sa Red Diamond Bar, kaya pumunta ako dun. Ayokong pumasok sa loob, kaya ang ginawa ko na lang inintay ko sya ng mahigit 3 oras sa labas ng bar. Alam nyo bang sobrang pinipigilan ko yung galit ko kasi nag promise ako kay Jade na kapag kinausap ko si Blade mahinahon lang.

Ang mahirap kasi, yun yung unang beses namin na pagkikita dahil never ko syang nakita o nakausap noon. Dahil kapag dapat ipapakilala saken sya ng bestfriend ko e nagkakataon na palagi akong busy o kaya may pupuntahan ako. Sa picture ko lang sya nakita.

"Blade" lumingon lang sya saken tapos nagderederetso na ng lakad papunta sa kotse nya, lasing ata. Kaya sinundan ko at hinigit ko yung braso. Ang totoo hindi ko alam kung anong tawag sakanya ni Jade kung Axzel ba o Blade, pero mas madaling sabihin yung Blade kaya yun na lang.

"Blade teka lang."

"Ano? Sino ka ba? Kunwari matinong babae, kunwari desenteng manamit, kuwari manang style pa. Pero ang totoo nasa loob ang kulo! Mas malandi pa pala. Anong gusto mo ha? Ako? Sorry hindi kasi ako pumapatol at nakikipag-usap sa kunwari matinong babae pero ang totoo malandi naman!

Nagtimpi ako ng sobra sa totoo lang gusto ko ng bugbugin tong lalaki na to. Gusto ko ng sampalin, kundi lang talaga para kay Jade.

"Teka lang naman, hindi naman ako ganung babae, may gusto lang ako s-----"

O____O Shit

"O ano? Enough na ba yung halik ko? O baka naman you want more than that? I'm sorry pero mas prefer ko pa yung mga slut dyan sa bar, kesa naman sayo. "

And then he left. Agad nyang pinaharurot yung kotse nya. After 3 hours ng pag-iintay yun lang yung mapapala ko. Gusto ko talagang magwala nung time na yun. Imagine yung first kiss ko? Sa kanya napunta. Gusto ko ng magbigte. I swear.

The Only Way He'll Talk To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon