Chapter 3

89 3 0
                                    

Dedicated to ate @beeyotch. Yep. Sya kasi ang favorite kong author, inspiration and idol ko din sa paggawa ng mga stories. Haha. Lagi nga akong papansin dyan sa twitter tapos isang beses nyang na'favorite yung tweet ko, parang tumalon yung puso ko. Loveyou ate beeyotch :)

-------

Nakasakay na kami sa kotse nya. Napakabait talaga ng lalaking to. Hindi man lang ako pinagbukas ng pinto ng kotse nya e. Sabagay di naman ako girlfriend. Speaking of girlfriend. Teka makulit nga to. Hahaha

"Shit. Nagdadrive ako, pag tayo nabangga dito." Sinundot ko kasi sa tagiliran. Haha

"Sus. Laki lang ng tiwala ko sayo 11 years old ka pa lang marunong ka na magdrive e."

"Kahit kelan ang kulit mo." reklamo nya na nakangiti naman.

"Dane may girlfriend ka na ba?" tanong ko, wala e curious ako.

"Bakit mag-aapply ka? Aray" Nasapok ko nga. Anong mag-aapply daw?

"Hindi nga. Yung seryoso naman kasi? Pag meron ipapakilala mo saken ha."

"Naku, baka mapagod ka kapag pinakilala ko lahat sayo. Haha Alam mo naman gwapo ako. Tsss hirap maging gwapo, kanina pa lang nung papunta ko sa office mo, parang tutunawin ako sa tingin ng mga employees mo." napakayabang talaga ng Dane na to. 

"Grabe. Gano ba kalakas ang aircon mo sa katawan. Ang hangin kasi."

"Totoo naman a. Gwapo ko talaga kasi. Madami talaga akong girlfriend, puro laro nga lang. Ewan ko ba sa kanila,kahit na alam na laro nga lang, sineseryoso pa din."

"Inamin mo din na totoong mahangin ka. Grabe ka Dane ha, pianaglalaruan mo lang mga babae." Pero totoo naman kasi gwapo si Dane. Ayoko lang sabihin sa kanya, baka lalo pa kasi syang humangin.

"Aba hindi a, magaling lang talaga ako makipaglaro kaya ganun. Sila nga yung naghuhubad lagi sa harapan ko, Aba e ano magagawa ko? Lalaki lang naman ako." Kainaman nang dahilan yan ng mga lalaki.

"Yuck, kadiri ka."

"Hello. Unique 22 na kaya ako, Natural lang ang mga ganung gawain. Anong gusto mong gawin ko?"

Krrring.krrrring

"Hello danielle"

[Ano nakahanap ka na ng magtuturo sayo humalik?]

"Ang ingay mo, Wag ka nga magulo kasama ko si Dane"

[Sorry naman. A alam ko na kay Dane ka na lang magpaturo.]

"Ayoko nga. Ayaw. Ayaw. Ayaw "

[E kanino mo gusto. Sa aso? a magtitinda ng taho? Kung ako sayo kay Dane na lang, ang gwapo kaya nyan. Tsaka kilala mo pa.]

"Hindi ko alam. Wala na ba talagang ibang choice?"

[Yung aso nga o kaya sa magtataho. hahaha. O diba kay Dane na nga lang.]

"Oo na. Oo na. Bye na."

 toot. Tooot.

"Hahahahahaha" Napalingon naman ako kay Dane tumawa kasi bigla ng malakas, may sapak talaga.

"O ano namang tinatawa-tawa mo dyan. Ha dane?"

"Wag ka nga maingay. Kasama ko si Dane. Pfffft. Hahaha e nakaloudspeaker naman. Hahahahahah" Grabe mamatay na ata to sa katatawa, Sinabunutan ko nga.

The Only Way He'll Talk To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon