Chapter 4

85 4 5
                                    

Hindi lang kami ang pamilya ni Daddy. Hindi ko nga alam kung paano napatawad ni Mommy si Daddy e. Tsaka close na close pa nga ngayon si Tita Des at Mommy.

Hindi daw naman kasi mahal ni Daddy at ni Tita Des ang isa't isa. Aksidente lang daw kasi parehas daw silang lasing nung time na yun, kaso nagbunga ang aksidente na yun. Nagkaroon ako ng isa pang kapatid. Kapatid sa ama na sobrang gwapo, kaso suplado na puro kalokohan ang alam kahit 16 years old pa lang.

Sakin at kay Mommy nga lang mabait si Cyde e. Kay daddy tsaka kay Tita Des naku, puro sakit ng ulo ang binibigay. Pero kahit ganun mahal ko yang kapatid ko na yan. Nasa London nga lang sya ngayon. Tapos minsan bigla na lang susulpot dito sa Manila tas mawawala na ulit. Pasaway talaga.

"O nasan na si Nay Berta atsaka yung pamangkin nya?" nagulat na lang ako kasi biglang umimik si Dane.

"Wala nga e. Nag-iwan ng sulat nasa probinsya daw nila, nagkasakit kasi yung anak ni Nay Berta."

"Ah. Paano yun wala kang kasama?"

"Sus. Okay lang kaya ko ang sarili ko, Tsss ako pa"

"Kahit na babae ka pa rin. Alam ko na dito na lang ako matutulog." 

"Ha? Wag na. Hindi ka pa nga nakakapagpakita kay Tito Kevin at kay Tita YanYan. Mamaya mag-alala pa yun sayo." 

"Para namang hindi pa sila sanay sakin kung mag-aalala pa rin sila. Tanggap na nila na ganto ko."

"Pasaway ka pa rin kahit kelan. Pasalamat ka nga andyan yung mga magulang mo e, ang lapit-lapit na sayo. E yung akin? Palaging busy, palagi pang wala."

"Araaaaay" kinurot ba naman yung pisngi ko

"Drama mo. You know what, i think Mom and dad missed you. I have an idea" 

Pinakuha nya ko ng damit at dun daw ako sa bahay nila matulog. Pumayag na din ako kasi miss ko na din naman si Tito Kevin at Tita YanYan.

After 20 minutes na byahe. Nakarating din kami kina Dane. Excited na talaga ko makita sina Tita at Tito kaya bumaba na agad ako ng sasakyan ni Dane at pumasok sa bahay nila. Hahaha, unahan ba daw naman si Dane?

"Wahhhhhh. Gaaaiilll Imissedyou. Ang ganda ganda mo na lalo. Nung huli tayong nagkita ang liit mo pa e." todo yakap si Tita YanYan saken, pati din naman ako todo yakap din. Tapos bineso ko din si Tito Kevin.

"Kayo din po Tita. Ang ganda nyo pa din po, tsaka si Tito Kevin ang gwapo pa din parang hindi po kaya natanda e." sabi ko, ang gwapo pa din at ang ganda talaga kasi nila.

"Sus. Ikaw talaga Gail. Kaya mahal na mahal ka namin nitong si Tito Kevin mo e, magaling ka mambola. O ayan na pala ang magaling kong anak." napatingin naman ako kay Dane na kakapasok lang tsaka kasunod yung katulong ata taposang daming bitbit.

"Hi Ma, Hi Dad" -_________- Yun na yun? Eto talagang si Dane walang sweet bones. 

"O anak, bat ngayon ka lang? Baka nambabae ka nanaman dyan" tanong ni Tita YanYan kay Dane

"I and Unique were from a date, that's why I'm just now." Nanlaki naman yung mata ni Tita YanYan

"Date? Are you two guys- ahm you know?"

"Of course not Ma. Remember it's her birthday today. So I treat her."

"Yes Tita. That's true. Himala nga po e. Nanlibre si Dane."

"Ow. I see. So ano kakain pa ba kayo?"

"Hindi na po. Busog pa po ako e."

"Paano ba namang hindi mabubusog e sobrang daming kinain" sabat naman ni Dane

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Only Way He'll Talk To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon