Chapter 1

16 1 0
                                        

FOUR MONTHS AGO. Burbank,California.

Maghahating gabi na pero nasa working station pa rin niya si sefh. May trabaho kasi siyang kailangang tapusin kaya kahit sabado ay naroon siya, imbis na nakikipag date sa girlfriend o nagbabar hopping kasama ang mga kaibigan.

"Dude, here's your coffee. Inilapag ni Riley ang isang starbucks coffee sa table niya. Kasamahan niya ang lalaki na may nilalamay ring trabaho kagaya niya.
"Hey,thanks man! Nakita niyang may paper bag ding inabot sa kanya si Riley kaya sinilip niya kung ano iyon. "Chicken sandwich. I thought you'd like one too,nakangising sabi nito bago bumalik sa sariling working  station.

"Cool! I owe you one. Sagot niya.
You owe me five dollars.  Natawa siya sa sinabi nito kaya mabilis siyang dumukot sa kanyang wallet. I'm giving you ten dollars,man. Now you owe me!
Napahalakhak ang kasama at saglit silang nagkulitan habang kumakain. Mayamaya ay bumalik na siya sa ginagwa, gayundin ito. May presentation ang bago nilang project at sa lunes na ang deadline kaya nagdo-double time sila sa opisina..

Graduate ng Fine arts sa UP Diliman si Sefh. Bata pa lang ay mahilig na siya sa Cartoons kaya hindi kataka-takang sa mundo ng animation siya ngayon nagtatrabaho.After his college graduation ay kinuha siya ng isang post  production company sa Makati na kalimitang gumagawa ng mga special affects ng mga sikat na TV commercials at mga pelikula. Three years ago ay nabigyn siya ng scholarship  sa San Francisco, California para magpakadalubhasa sa multimedia arts at ngayon ay nagtatrabaho siya sa Walt Disney na nasa Burbank, California. Three years na rin siyang hindi nakakauwi sa Pilipinas..

NAALIMPUNGATAN si Sefh sa tunog ng telepono. Kahit medju madilim sa kuwarto niya ay nakita niya sa alarm clock na nasa side table niya na alas cuatro ng madaling araw pa lang. alas tres na siya nakauwi at pakiramdam niya ay kaiidlip pa lang niya kaya medyo groggy pa siya..
"Hello? Napilitan siyang sagutin iyon dahil iisa lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng ganoong oras. "Ma, kamusta? "Sefh! Diyos ko Sefh! Nagpapanic ang boses ng ina kaya napabangon siya. Ma,ano'ng nangyari? Kumabog ang dibdib niya. Huwag sanang masamang balita, piping usal niya. " Si Ella!
Anong nangyari kay Ella?
Dalawa lang silang magkapatid si Ella ang bunso. Kasama ito ng mommy niya sa Pilipinas. Bata pa sila nang mamatay ang daddy nila.Five years ang tanda niya sa kapatid pero dahil na accelerate siya sa school ng dalawang beses, maaga lalo siyang nakatapos ng pag aaral.Kahit may agwat ang mga edad nila, close silang magkapatid kaya biglang tinambol ang dibdib niya ngayon dahil sa tawag ng mommy niya.

"Anak masama ang nangyayari kay Ella ngayon.
Ano nga ho? May sakit ba siya? Nadisgrasya? Buntis? Ano? He didn't mean to sound impatient pero may tendency kasi ang mommy niyang pahabain ang suspense as if hindi overseas call ang pag uusap nila! Nalilihis na ng landas ang kapatid mo! Napabarkada siya at nag-iba na siya. Parang nasasapian na si Ella.
Nagda-drugs ba siya? Sa isip niya ay masasabunutan niya ang kapatid kapag nalulong ito sa droga. Baka makalbo niya pa ang babae dahil sa galit siya sa bawal na gamot.

H-hindi ko alam kung nagda-drugs.... basta hindi na siya iyong dating mahinhin. Para na siyang siga kung kumilos. Saka... saka iba na ang pangalan na gusto niyang itawag ko sa kanya. Ayaw na raw niya ng Ella__".
Ano na raw ang gusto niya? Lalong naguluhan ang 25 year old na binata. Siga kung kumilos? Lumaki iyon sa mga madre.

" Marley na daw. Tuluyan ng umiyak ang mama niya sa kabilang linya. "Marley? Kinabahan siya. Baka nga totoong nagdodroga ang kapatid. Bakit daw Marley na ang pangalan niya?
Ang pumasok sa isip niya ay si Bob Marley.Paborito niya ang tinaguriang 'father of soul reggae'pero bakit iyon ang gustong gamiting pangalan ng kapatid niyang babae? Ano ang diperensya kung simpleng ella ang palayaw nito? Mas.... mas maganda daw ang Marley.Mas bagay daw sa kanya. Humikbi parin ang ina..

Paano niya nasabing mas maganda yun? Sinong nagpauso nun? Sino-Sino ang barkada niya? Kilala nyo ba? Pakiramdam niya ay magkaka alta presyon siya dahil kay Ella. Ayaw na ayaw niya namomroblema ang mommy niya, at lalong ayaw niyang umiiyak ito. Mga kasama niya sa organization nila sa school, mga taga-teatro.

Mga bad influence pala ang mga kasama niya. Ano pa ba ang puwede niyang maging conclusion? Kaya nga,hindi ko naman mapagsabihan, kasi malaki na daw siya. Hinaing ng ina. Duda ko Sefh,tomboy na ang kapatid mo.
Anong tomboy? Lalong lumalakas ang iyak ng mommy niya sa itinanong niya. Tama ba ang narinig niya lesbian na ang kapatid niyang si Ella? Kinilabutan siya. Paano nangyari iyo ? Iba na nga kasi ang kilos.Pati pangalan iba na rin. Ano pa ba ang iisipin ko?

Baka nag o-overreact lang ho kayo? Baka may stage play lang si Ella at in-character ? Somehow ay binibigyan niya ng benefit of the doubt ang kapatid. Kesa dumagdag pa siya sa agam-agam ng ina. Basta maniwala ka ka sa akin,Anak. Yung kapatid mo mukhang napapariwara. Eto na ang kinatatakutan ko. Wala kasing father figure na kinagisnan si Ella.
Bakit ho ako, maayos lumaki?
Kahit kahit papaano anak, nakasama mo ang daddy nyo. Naranasan mo ang disiplina. Ang kapatid mo, ako lang ang nakakalakihan. Saka wala ka rin dito.
Nakaramdam siya ng guilt sa narinig. Lagi rin niyang iniisip ang ina at kapatid na naiwan sa Pilipinas. Nakokonsyensya siya na sila na nga lang tatlo ang magkapamilya.
Magkakapayo pa. Pero ano ang magagawa niya?
Akin na nga ho ang cellphone number niya. Nabanggit niya kc s huling email na iba na ang number niya. Nasabi na lang niya.

Naisip niya na kahiy hindi sila madalas mag usap ni Ella s phone ay nakaka chat  din nya ang kapatid at napapadalhan ng email every other week. But this time, alam niyang kailangan na niyang kausapin sa telepono ang kapatid. Matapos makuha ang cellphone number ni Ella ay sinabihan niya ang ina na huwag na itong mag alala. Siya na ang bahalang kumausap sa kapatid.
Huwag mong sabihing ako ang nagsumbong ha? Bilin ng mommy niya. Sino pa ho ang magsasabi sa akin kung ganun? Ayokong mag away kami!
Sige, ho ako na ang bahala! Ituturo ko na lang ang kapitbahay natin. Biro niya. Narinig niyang natawa ang ina..
Loko ka, baka puntahan yung kapitbahay natin. Anito."

Mayamaya ay nagpaalam na ito. Kahit may treinta minutos na niyang naibaba ang landline ay hindi agad siya nakabalik sa tulog.Binabagabag siya sa balita tungkol kay Ella. Hindi niya kilala kung sinu-sino na ang nakakasama nito. Kinakabahan siya na baka tuluyang mapahamak ito kapag hindi naagapan. Malay ba niya kung iba ang trip ng mga kaibigan nito? Naisip din niya na kung nasa Pilipinas lang sana siya malamang na kahit papaano ay nababantayan niya ang kapatid na babae. Siya lang ang lalaki sa pamilya. Siya lang ang inaasahan, kaso minsan lang ang opportunity kung kumatok. Mas pinili niya noon na magpunta ng States. Afterl all, hindi naman siya araw-araw na nakakataggap ng scholarship sa SAN FRANCISCO.!

Maliit rin ang ang mundo dahil sa technology. Naisip niya noon, may Internet,kaya walang problema sa communication. Hindi lang niya na-anticipate na maaaring mabarkada sa maling grupo ang kapatid. Wala na siyang oras para sisihin pa ang sarili. Ang kailangan niyang gawin ay agapan ang sitwasyon ni Ella bago ito tuluyang mapahamak. Pagkatapus ng tawag galing sa ina, one week na sinubukan niyang kontakin ang kapatid. Emails,tawag, text messages he tried everything to reach her pero wala siyang Ella na nakausap...

Ayon sa mommy niya ay hindi naman nag out of town ang kapatid,umuuwi raw ito araw-araw. Pero bakit hindi niya matyempuhang makausap? Ang conclusion niya ay iniiwasan siya nito dahil ayaw mapagsabihan. Lalo siyang nanggigil. Talagang sinusubukan siya nito. Kung hindi lang sana apektado ang ina hahayaan na lamang niya si Ella sa gusto nitong gawin sa buhay. Pero iniisip niya ang mommy nila na malamang ay nag alay na ng misa para sa ikabubuti ng  bunsong anak. Knowing his mom, baka nga kumausap na ito ng isang  spiritual adviser.

Ayaw man niya, napilitan siyang mag leave muna sa trabaho. Kailangan niyang umuwi ng Pilipinas para komprontahin ang napapabalitang tomboy na ksama umano ng kapatid. At ng madisiplina na rin si Ella.















Hello guys. First chapter is already publish na.
Pls vote and comment po. Thank u somuch sa lahat! 😘😘😘

WILD HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon